#20

124 4 0
                                    

After 11months

"Bela arat na. Baka humaba na ang pila sa office ayoko maabutan ng cut off"

Rinig kong katok nito sa pinto at pagpupumilot na mabuksan ang lock.

"Tsk. Teka langg baka masira ang pintuan ko ikaw ang ipapalit ko dyan sinasabi oo sayo" tatawa tawa kong sabi dito at kumuha ng damit.

"Shh" rinig ko namang saway nang isang paniguradong si bakla dahil sa lakas. Papasok na sana ako sa banyo ng may bumuhat sakin patakbo rinig ko naman ang tawanan ng mga kapatid ko. Yes. Kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Habang si Butler Hanz ay pinababayaan ko nalamang ienjoy ang buhay nya at magrelax nalang muna.

"Kuya naman eh!"

"Kakain na kasi tayo atsaka nagpadala dito si Ashleigh nang cupcakes mukang masarap"

"Lahat naman nang ipadala nang manliligaw mo ay masarap para sayo"

"Bakit hindi ba?"

"Wala kong sinasabi ha"

"Oh sya sya kumain na lang tayo at mageenroll pa us!"

Mage-enroll kami ngayon para sa darating na pasukan dahil mag- G-12 na kami habang si Kuya Tannie naman ay 3rd year collage. D'on narin sya papasok para daw sama sama nakami. May negosyo nadin kami. Mga pyesa ng sasakyan. Pagawaan ng bag na Leiry ang modelong pangalan naging sikat na brand na din ito matapos lang ng ilang buwan, meron ding sinuggest si Tes na bakery kaya nagpagawa nadin ako. Mas maraming business mas maraming kita. Nalaman ko din na kapatid pala ni Chase si Ashleigh na madalas na pumupunta dito sa bahay nang makilala itong si Kuya. Diko aakalain na sya pa ang nanliligaw dito kay kuya dahil hindi pa daw sya sigurado sa nararandaman nya. Habang si bakla naman ay ayaw na daw mag aral at nagm-make up nalang sa mga sikat na hollywood artist minsan ay nasa bakery shop at sya din ang humahandel ng trabahador namin. Naka move on nadin ako sa pagkawala ni lolo at mas tinatagan pa ang loob katulad ng gusto nya pero meron paring mga araw na iiyak ako dahil miss na miss ko na sya pero wala akong magawa. Medyo naging jolly din ako katulad nang gusto nila.

"Hmm. Ang bango namann. Favorite ko yan kare karee!! Pakain naman kamii'
Biglang pasok ni Ate Ashleigh at saka tatakbong tumabi kay kuya at niyapos ang kumakaing braso nito.

"Good morning eberibodehh!!" Masiglang sigaw ni Blake at niyugyog si Marites. Sa mga dumaang buwan ay napapansin kong hilig nitong inisin si Marites na kinagagalit naman nito.

"Manang Luchi pakikuhanan naman ho sila nang plato" sigaw ko saka nagpatuloy sa pagkain habang nakikinig sa usapan nila.

"Kumusta Ate Ash? Balita ko ay nagpadala ka na naman kay kuya?" Sabi ko nang may pangaasar na tono

"Oo eh. Antagal naman kasi akong sagutin ng kuya nyo. Nagpapa hard to get pa eh gust-" naputol ito nang tanggalin ni Kuya ang kamay nya sa braso nya.

"Nako nako ash. Bumalik ka nalang sa states. Nahihibang kalang"

"Ang hard mo naman sakin Teddy bear ko naiiyak tuloy ako" nagkunwari pa itomg nagtatanggal ng luha

"Sus" sabi ni kuya sabay batok na mahina kay Ate ash na ikinatawa naman ni bakla

"Baka pag umalis ako ay palitan mo ako ayokoo!!"

 Disguise As NerdWhere stories live. Discover now