Chapter 35: Ulan

228 41 45
                                    

(Athena's P.O.V)

Medyo gumaan ang pakiramdam ko matapos ang ilang oras na pagtambay namin ni Eros sa Parke.

Ba't 'di ko naisip na magandang ideya pala ang mag-unwind sa Parke kapag may pinaproblema ka.

Ngayon naman ay pabalik na kami ni Eros sa mga bike namin dahil malapit ng magdilim; nakadagdag din ang pagkulimlim ng paligid dahil sa maiitim na ulap na nakatabing sa kalangitan, na anumang oras mula ngayon ay maaring pagmulan ng malakas na ulan.

Nang makalapit na kami sa pinagparkingan namin ng bike ay nauna na akong sumampa sa bike ko.

Kalauna'y natigilan ako nang may malaking butil ng tubig na tumulo sa braso ko na naging dahil kaya ako napatingala sa kalangitan. Do'n ko lang napagtantong nag-uumpisa na palang umulan, at ang mga iilan sa maliliit na butil ng tubig ulan ay tumatama na sa mukha ko.

Dahil dito ay nangingiti akong binalingan ng tingin si Eros na nakapamulsa lang habang seryosong nakatingin sa 'kin. Gusto ko kasi ang ulan kaya ang laki ng pagkakangisi ko.

"Gusto mong magpaulan?" pagyaya ko sa kanya na ikinakibit-balikat lang nya habang hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan.

Naalala ko no'ng bata pa ako ay paborito kong magtampisaw sa ulan kasama sya, pero paniguradong hindi nya na rin 'yon naaalala.

Napagala ang tingin ko sa paligid nang unti-unti ng lumalakas ang pagbuhos ng ulan. Nakita kong nagsisipagsilungan na ang karamihan sa mga tao. Yung iba ay nagbukas ng payong para 'di mabasa, at 'yong mga wala namang payong ay pinantabing ang bag at kamay sa ulo habang nagmamadaling umalis.

Kami lang ata ni Eros ang hindi iniintindi ang pagbuhos ng ulan at nanatiling nakatayo sa pinagparkingan ng mga bike namin.

Sa pagkakataong 'yon ay mas lumawak pa ang pagkakangiti ko at parang batang inilahad ang dalawang palad sa ere at tumingala sa langit para mas maramdaman ko ang bawat butil ng ulan na tumatama sa kabuuan ko. 'Di ko alintana kung may makakita man sa 'kin na gano'n ang ginagawa basta natutuwa ako sa ulan. Paminsan-minsa'y napapapikit rin ako dahil tumatama ang butil ng ulan sa mata ko.

Naalala ko, sabi ng Mama ko no'ng bata pa ako; kahawig daw ng ulan ang kalungkutan, pero kung iisipin mong mabuti, ang tunog ng ulan ay nakakalikha ng uri ng musikang nagpapagising sa pusong matagal ng nahihimlay dahil sa pagkalimot.

Maaring iparanas ulit sa 'yo ng ulan ang mga masasakit na ala-alang ayaw mo na sanang balikan o ang mga magagandang ala-alang kailanman ay naging malaking parte na ng buhay mo; na 'di mo dapat kalimutan.

At masasabi ko lang, talagang malapit sa puso ang ulan, dahil palaging umaayon ang tibok ng puso natin sa bawat tunog ng pagpatak ng butil na nalilikha nito.

"Isip-bata ka talaga." Napatingin muli ako kay Eros dahil sa sinabi nyang 'yon. May nakasilip nang kaunting ngiti sa labi nya na alam kong hindi nya sinabi dahil naiinis sya, kundi nang-aasar. Napasimangot tuloy ako at inirapan sya.

"Tara," sabi ko na lang sa huli at inumpisahan ng mag-pedal paalis. Naramdaman ko namang sumunod na rin siya pero nagulat ako nang umibis sya at nangunguna na sa 'kin sa pagpapatakbo ng bike.

Paharang na inihinto nya kalaunan ang bike sa unahan bago tumingin sa 'kin. "Bakit?" tanong ko nang makalapit at maihinto ang bike sa harapan nya.

"Malayo pa ang apartment natin dito kaya tumuloy na lang muna tayo sa bahay ni Dad," sabi ni Eros na ikinatigil ko at napapatangang tumingin sa kanya.

Hindi sa na-shock ako dahil sa sinabi nya, kundi dahil napagtanto kong nasa iisang subdibisyon nga lang pala ang mga bahay namin. At nasa likod lang ito ng Parkeng ito.

Bakit di ko 'yon naisip agad?

"D'yan ka din ba sa malapit na subdibisyon nakatira?" kunwari'y nagugulat na tanong ko.

Another kasinungalingan na naman. Kunti na lang at mananalo na ako sa Oscar award bilang pinakamagaling magsinungaling.

Nagtaka naman sya sa tanong ko. "Oo, bakit?" tanong nya.

"Ah..hehehe, nagkataon din kasing dyan din ako nakatira." Natitigilan naman syang tumingin sa 'kin matapos kong sabihin 'yon.

"Parang kahit saan talaga ako ay nando'n ka," napapangiwing sabi nya kalaunan na binigyan ko lang ng pilit na ngiti.

Ano pa nga ba.

"Tara," sabi nya at mabilis na nga namin tinungo ang subdibisyon. Kaagad naman kaming pinapasok ng guard na nagbabantay sa pinaka-entrance ng subdibisyon dahil kilala na kami nito.

Kung 'di ko pa nasasabi sa inyo ay two blocks away lang din ang bahay ni Eros mula sa 'min. Oo, alam ko dahil magkababata kami at hanggang ngayon ay dito pa rin kami nakatira.

Huminto kaagad kami nang nasa tapat na kami ng gate ng bahay ko. Humuhupa na rin naman ang malakas na ulan kaya hindi ko na muna minadali ang makapasok sa loob ng bahay.

"Matagal na ba kayo dito?" tanong nya na tinanguan ko lang at wala sa sariling napapayakap sa sarili. Nag-uumpisa na kasi akong ginawin.

Napansin ko namang tinanggal nya ang uniporme nyang coat at inabot iyon sa 'kin. Kung 'di nyo rin naitatanong, magkapares na puting pulo sa panloob at itim naman na coat ang panlabas na tinirnuhan din ng itim na pants ang uniporme nila Eros sa school. Para silang 'yong mga tipo ng leading man na napapanood sa mga anime movies at Korean Drama.

"Abutin mo na," Natauhan ako dahil sa sabi nya habang nakaabot pa rin sa 'kin ang coat nya na basa na rin naman ng ulan.

"Ipapahiram mo talaga 'yan sakin?" napapangiting sabi ko na ikinataas naman ng sulok ng labi nya.

"It's obvious, right?" pasarkastikong sabi nya kaya 'yong ngiti ko ay nauwi lang sa pagkangiwi.

Kahit kailan talaga, ang hilig niyang papangitin ang maganda na sanang moment.

"Thank you sa concern ah," pasarkastikong sabi ko at akmang kukunin na sana sa kanya ang coat, kaso nabigla ako nang initsa nya ito direkta patabing sa mukha ko. Naamoy ko pa ang pabangong gamit nya na hindi gaanong matapang. Hindi ko nga lang matukoy kung anong brand ito ng pabango.

"Isauli mo kaagad 'yan ah," narinig kong sabi nya bago ko naiinis na kinuha mula sa pagkakatabing sa mukha ko ang coat nya.

Napapaingus ko nalang tuloy syang pinagmasdan habang papalayo bago ko tinitigan ang coat nya na hawak ko na ngayon.

Ilang sandali pa ay wala sa sariling napapangiti na ulit ako nang mapagtanto ko kung bakit nya ito pinahiram sa 'kin.

++++

Don't forget to leave vote and comments😘

Let me feel your love and support 💕💕😍

It Started With Her Epic Confession Where stories live. Discover now