Chapter 27: Forbes Clan

143 5 0
                                    

Pagkasakay ko sa kotse ni Rocco doon  na ako nagpahagulgol ng tuloyan. Akala ko tapos na ang pag-iyak ko pero meron pa palang luhang patuloy na dumadaloy sa aking mukha.

Tinanggal niya ang kanyang jacket at ibinigay sa akin " Suotin mo yan para hindi ka lamigin . Alam kong hindi mo pa kayang pag-usapan ang totoong nangyari sa inyo ni Kyle pero kung gusto mo ng makaka-usap nandito lang ako para sa iyo"

"Salamat at Sorry kasi lagi mo na lang akong nakikitang umiiyak"

" Oo nga eh! Minsan kasi sa buhay natin kailangan rin nating umiyak para mailabas ang sakit at pighati na dinadamdam natin ngunit hindi na tama kung lagi ka na lang umiiyak dahil sa isang tao. Kung palagi na lang kayong nagsasakitan  at nahihirapan then mas mabuti na lang na palayain niyo ang isa't isa ,kung para kayo talaga sa isa't isa gagawa ang tadhana para magkita kayo ulit"

Bigla ko siyang yinakap "Thank you so much Rocco for always being there at my side when I need someone to talk about my problems even though na si Kyle ang best friend mo yet itinuring mo na rin akong isang kaibigan at kapatid"

"Ssshhh tahan na nandito lang ako para sa iyo"

Pagkatapos ng aming usapan naging tahimik na ang byahe "Anong balak mo ngayon?" bigla niyang tanong

"Gusto kong lumayo at makalimot" bigla kong sabi sa kanya

"Kung gusto mo doon ka muna sa penthouse namin sa Batangas  pero pupunta muna tayo sa bahay para magpaalam kay Mom"

"No I mean hindi mo na ako kailangang patirahin pa sa Penthouse niyo sobra sobra na itong naitulong mo sa akin"

Magsasalita pa sana siya pero umiling na lamang ako at nginitian siya.

Huminto kami sa isang napakagandang bahay kagaya rin ito sa mansyon nila Tita.

Pagpasok palang namin may sumalubong na kay Rocco at yinakap ito ng sobrang higpit.Nang mapagawi ang tingin sa akin bigla siyang kumalas kay Rocco ngunit laking gulat ng ako ang kanyang yinakap.

Parang may humaplos sa aking puso ng maramdaman ko ang yakap ng ginang hindi na ako nag-atubili pang gantihan ito ng yakap .

Doon ko lang napagtanto na basa pa pala ako. Hindi yata naramdaman ng ginang dahil hindi pa rin siya kumalakas sa akin.

"Mom!" tawag ni Rocco sa ginang " Hindi na po makihinga si Stacey dahil sa sobrang higpit ng yakap niyo"

Nakita kong lumungkot ito pero mas nangibabaw ang pag-alala sa kanyang mukha "Sorry Iha" paumanhin niyang  sabi

"Hmm ako po dapat ang humingi ng tawad sa inyo dahil nabasa po kayo ng dahil sa akin" ngiti kong sabi

" It's okay Iha after all it's my fault"

"Mom! Si Stacey nga pala kaibigan ko and Stacey siya yung Mom ko"

"Nice to meet you po?"

"Tita hmm Tita na lang ang tawag mo sa akin tutal kaibigan ka naman ng anak ko" sabi ni Tita sa akin

"Sige po Tita"

" Sige Iha! Son ikaw na ang bahala sa kaibigan mo at  punta muna ako sa kusina para tignan kung nakapaghanda na sila ng ating makakain"

Tumango na lang si Rocco sa kanyang Mommy. Nang makaalis na si Tita binalingan niya ako " Sorry Stacey sa behavior ni Mom, As far as I know nakikita niya sa iyo ang kambal ko kahit na matagal mula noong nangyari ang sunog hindi pa rin namin makakalimutan iyon at naniniwala kami na balang araw makikita rin namin siya"

" Alam kong mahahanap niyo rin siya at siguro mas magiging masaya ang iyong pamilya kapag nakumpleto na kayo"

Ginulo niya ang aking buhok " Halika na magbibihis ka muna doon sa itaas"

Beautiful MistakeWhere stories live. Discover now