Chapter 29 : Mom

159 4 0
                                    

Dumiretso kami sa Forbes Condominium. Gusto kong magpahinga at makapag-isip kahit sandali lamang.

Tahimik akong pumasok sa sarili kong Condo  ngunit hindi ko akalain na papasok si Rocco.

"I want to talk with you" seryosong sabi niya sa akin.

Sa totoo lang ngayon lang siya hindi ngumiti sa akin. Dumiretso kami sa Dining Area at naupo ako sa aking purple na couch habang si Rocco naman ay nasa aking harapan.

"Alam kong nasaktan ka ng sobra dahil sa mga nalaman mo tungkol sa buo mong pagkatao at ang pagtataksil sa iyo ng gagong Kyle na iyon" may diin niyang banggit sa pangalan ni Kyle.

"But in terms of your Mom just please makipagbati ka na sa kanya. Forgive her  and let go"

Muli ko na namang naramdaman ang pagsikip ng aking dibdib "Madali lang sabihin ang mga iyan pero mahirap gawin, Hindi kasi ikaw ang nakaranas ng lahat nang mga ito kaya madali lang para sayong sabihin ang mga iyan"

"That's not what I mean! For pete sake Stacey para sa Mom mo. Forgive her after all She's your Mom I mean siya ang nag-alaga at nagpalaki sa iyo. Marahil ay nagkamali siya dahil hindi niya sinabi sayong hindi ka nila tunay na anak pero minahal ka nila na tunay na anak right?"

Naumid akong dila dahil totoo lahat ng mga sinabi niya.

"Alalahanin mo na may malubhang sakit ang iyong kinagisnang ina So be with her until her last breath. Imbes na magalit ka sa kanya ,mag-isip ka na lang ng paraan para maging masaya  siya kasama ka."

"P-e-r-o hindi pa akong handa"

"Kailan ka magiging handa kapag wala na ang Mommy mo huh Stacey? Mag-isip ka na ngayon habang maaga pa  dahil kapag hindi mo ito ginawa tiyak na magsisi ka"

Pagkasabi niya iyon tumayo na si Rocco at lumabas sa aking condo.

Biglang sumagi sa aking isip ang mga magagandang alaala namin ni Mom and Dad, even though they are not my real parents yet they treat me as their own daughter. Mula noong bata ako lahat ng mga gusto lagi nila itong ibinibigay sa akin kahit alam nilang hindi ito gaanong kaimportante but still binibili nila as long as it will give me a happiness.

Pero hindi ko lang matanggap na nagsinungaling sila sa akin tungkol sa tunay kong pagkatao.I'm now 21 year old yet I don't know who is my real parents, where do I came from.

Bumuntong hininga ako habang nakahiga sa aking kama. Maya maya lamang ay linamon na ako ng antok.

                   ***************

Sunod sunod na doorbell ang narinig ko sa labas. Iminulat ko ang aking mga mata bumungad sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa balkonahe at nang tignan ko kung anong oras namilog ang aking mga mata dahil alas 10 na nang umaga.

Napamura na lang ako ng tumunog ang aking tiyan " Hayts! hindi pa pala ako kumain kagabi" bulong ko sa aking sarili

Hihiga pa sana ng marinig ko naman ang doorbell kaya wala na akong magawa kaya pumasok ako sa banyo para magbihis .

Suot ang isang purple na sleeveless and white cotton short. Tinali ko na lang ang aking buhok dahil naririndi na ako sa tunog ng doorbell.

Binuksan ko ang pintuan at bubulyawan ko na sana si Rocco dahil siya lang ang alam kong taong bibisita sa akin ngunit napaawang ang aking bibig nang hindi si Rocco ang tumambad sa aking harapan kundi ang lalaking una kong minahal at nanakit sa akin.

Kunot noo ko siyang tinitigan "What are you doing here? and Why did you know my place?" malamig kong sabi sa kanya.

Hindi niya ako sinagot dahil nakatitig lamang siya sa akin. Napansin kong parang puyat siya dahil sa kanyang eyebags, magulo rin ang kanyang buhok.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon