Chapter 34 : Second Chance

188 3 0
                                    

IT'S BEEN A TWO MONTHS na nandito ako sa Pilipinas. I felt so exhausted in a sense that I work more than 12 hours a day.

But all our hardworks are totally paid off. Hindi na naging hadlang ang pagpull out ng share ni Mr. Chan dahil may nag-offer sa amin ng partnership na naging dahilan na mas tumaas pa ang sales namin sa wine.

Hindi pa kami nakapagpasalamat sa taong ito dahil nag out of the country. I can't wait to give my regards.

Hindi ko na itinuloy ang deal sa "S Real Estate Company " na pagmamay-ari ni Kyle. I talk to the different managers that we will find another company for a partnership.

Magmula noong nagkita kami ni Kyle Hindi na niya ako tinantanan. Araw-araw may natatanggap akong mga bulaklak na may maliit na note na "I'm Sorry".

Kahit hindi siya mismo ang naghahatid sa akin. I'm sure that it's really him wala namang ibang may malaking kasalanan sa akin kung hindi siya.

Itinapon ko ang bulaklak na nakita ko sa aking lamesa. I don't want to see nor received anything coming from him.

Yesterday binisita ko ang puntod ni Mom at nadatnan ko sina Tito Jacob at Tita Lilienne. Nagsorry ako sa kanila dahil hindi ko sila nabisita at nagpapasalamat ako sa kanila dahil Hindi nila kasama si Kyle.

Buong araw kaming nagbonding, we went to church first and then namasyal na kami. I'm very thankful dahil naintindihan nila ang aking rason at nagulat ako dahil alam nila lahat ng mga nangyari sa amin ni Kyle.

Linggo ngayon kaya day-off ko lumabas ako sa aming bahay para pumunta ng mall para bumili ng mga regalo para sa aking pamangkin dahil isang buwan na lang ay babalik na ako ng England.

Sinulit ko na ang day-off ko dahil bukas na bukas balik trabaho na naman. I went to baby station kung saan lahat ng mga gamit pangbata ay makikita dito. Napili ko ang isang overall na kulay asul , dilaw at berde. I also buy a different colors of cap and socks. Nagpunta rin ako sa Pasalubong Station I buy different Filipino foods  for Mom and Dad.

Binayaran ko na lahat at lumabas para sana kumain nang may tumawag sa akin "Stacey" sabi niya.

Kahit na nakatalikod ako I already recognized his voice kaya humarap ako  " Why?" Malamig kong sabi sa kanya.

"Nagustuhan mo ba yung mga bulaklak na ipinapadala ko araw-araw" may sigla sa kanyang tinig.

I raised my eyebrows to him " Bakit ko magugustuhan ang isang bagay na bigay mo" seryoso kong sabi sa kanya.

Bumalatay ang lungkot sa kanyang mata . Imbes na masiyahan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan pero mas ako ang nakakaramdam ng lungkot kapag sinasabihan ko siya ng mga masasakit na salita.

Akala ko nakapagmove-on na talaga ako sa kanya pero hindi pa pala. Nakilumatan ko lang siya ng pitong taon pero sa puso ko hindi.

Mahirap talagang kalimutan ang isang tao kapag minahal mo ng sobra. I love him so much to the point na kahit nasasaktan na ako hindi pa rin ako bumibitaw".

My thoughts suddenly stop when I saw a boy which I think a seven year old " Daddy " tawag niya at nang tignan ko kung sino walang iba kundi si Kyle.

Bumaba ang tingin ko sa bata na hawak hawak ang kamay ni Kyle. Mas nagulat ako ng makita ko si Macey na nasa likod nito.

Parang may pumiga sa aking puso sa senaryong nasaksihan ako. Bumalik ang sakit noong mas pinili ni Kyle si Macey kaysa sa sarili niyang girlfriend.

"S-t-a-c-e-y" garalgal niyang sabi.

Hinawakan ko ang aking bag para kumuha ng suporta dahil parang Nanghihinayang ang aking mga tuhod.

Tumalikod na ako sa kanila at binilisan ang aking paglalakad hanggang sa makarating ako labas ng mall.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon