First day of school ngayon at medyo kinakabahan ako . Isa kasi akong transfer student.
Kailangan ko pang magtransfer para sa sinasabi nilang 'Safety ko' . Mayaman naman kami, matalino naman ako pero dahil nga iniiwasan ang kapahamakan kailangan ko talagang lumipat.
"Alexine, get down here you're late na!!" Sigaw ng mommy ko. Mabuti nga at nandito siya ngayon para asikasuhin ako , most of the time kasi wala sila ni dad para sa trabaho.
Ayos lang naman para saakin na lagi silang nagtatrabaho. Marami kaming negosyo at silang dalaw lang ni daddy ang nag aasikaso ng lahat.
Bumaba naman ako kaagad at nag almusal.
Hindi ako palakibo kapag nasa bahay . Wala akong nakakahalubilo sa loob ng bahay maliban na lamang sa mga katulong. Hindi ko rin naman kilala ang mga katulong namin sa bahay, iilan lang sa kanila ang nakakausap ko.Habang kumakain ay sinaluhan ako ni mommy .
"Lexine are you excited to meet your new classmates and teachers?" tanong niya saakin ng nakangiti . Tinitigan ko siya sandali at binalik ko rin kaagad ang atensyon ko sa pagkain.
" no mom , i'm actually nervous." napabuntong hininga ako . Nagaalala ako sa bagong kapaligiran na papasukin ko. Wala akong kakilala doon . Paano kung wala akong maging kaibigan?
Okay na ako sa mga kaibigan ko sa Creston. Matagal ako doon , kung kailan grade 10 na ako saka pa kailangan lumipat."oh sweety, it's alright . Kayang-kaya mo yan. I'm sure marami kang magiging friends doon."
and she kisses my forehead . Nag smile lang ako at hinawakan ang kamay niya.
Napaka sweet talaga saakin ng mommy ko!
" mom , I need to go " sabi ko at tumango nalang siya .
Tumayo na ako at dumiretso sa labas dala ang bag kong puno ng kagamitan sa eskwela. Nag hihintay na sa labas ang dalawa kong body guards at isang driver.
"ma'am good morning po" bati saakin ng driver ngumiti naman ako sakanya .
" good morning din po"
ito namang guards nato masyadong pokerface, di manlang nag sasalita . Psh!...Makakasama ko pa naman to palagi mukhang nakakailang kasama.
Binuksan nung isang guard yung pintuan ng kotse sa likod . Sasakay na sana ako ng lumabas ng bahay si mommy at bumaling saakin.
"Bye sweety ! Take care and goodluck! " sabay kaway pa niya. Kumaway nalang ako pabalik at sumakay na sa kotse.
And this is it pansit! Nandito na kami sa entrance ng Stanford academy. Binuksan na ng bodyguard ko ang pinto ng kotse para makababa ako.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Marami ng pumapasok na estudyante.Hindi rin kalakihan ang Stanford kumpara sa Creston . Mataas na gate na may pinturang kakulay ng plywood at bakod na nagtataasan kaagad ang bubungad sa iyo pagdating sa parking lot ng Stanford. Ang bakod at gate na ito ay masasabi kong pinagawa upang limitahan ang mga tumatakas na mag-aaral.
Nanlalamig ang kamay at paa ko sa kaba. Ang guards ko ay nanatiling nakatayo sa gilid ko. Hindi nila ako pwedeng iwanan. it's their job na bantayan ako 24/7 for my safety .
YOU ARE READING
Broken Hearted
RomanceMiyuki Alexine Ziana Margaux C. Mondragon A broken girl with a broken heart. Kerson David S. Fuentabella He fixed her , He replaced her broken heart with a new one. But then he broke it too. She will run away with nothing, but she'll come back w...