Chapter 7

2 0 0
                                    


Nasa biyahe kami pauwi ng bahay ng mag ring ang cellphone ko.

Pangulo  Calling...

[Hello?] bungad ko sakanya.

['Yong detention niyo!  Nakalimutan ko , bukas ha?  Sigurado naman sa ilang araw na lumipas kabisado niyo na 'yon]  'eto na pala ang bagong 'hello'  ngayon.

[ Naalala mo pa, dapat hindi na. Sige na ,bukas napo ]  sabi ko atsaka pinutol ang tawag.

Nakalimutan ko na din na may detention pala kami. Ang haba kaya no'n ! Isa pa , kailan pa tinawag na detention 'yon?   Detention ng detention p'wede namang punishment nalang . Magkaiba kaya 'yon!

Papasok na ng gate ang sasakyan namin ng magsalita si Jecka.

" Is that Kerson?"  nagugulat niyang tanong .Nilingon ko ang direksyon na tinitingnan niya at nandon nga ang gwapong lalaki. Naka sandal siya sa kotse niya habang naka pamulsa ang mga kamay.

"Stop the car" mahinang utos ko.

Huminto ang kotse at bumaba ako. Dahan-dahan akong naglakad palapit sakan'ya .

"Anong meron?"  nakangising tanong ko.  Unti-unti niya akong hinarap atsaka tumuwid ng tayo. 

"Uh...Rose?"  inabot niya saakin ang rosas ng hindi manlang tumitingin saakin. He looks so shy. Kaya niyang humarap saakin pero hindi niya makayang titigan ang mga mata ko.  Apektado parin ba siya sa ginawa ko kanina?

" Thank you... okay kalang ba?" natatawang tanong ko.

"Tsk! Kasalanan mo 'to!"  singhal niya atsaka ngumuso. Ang cute niya naman pala mag tampo.

" Bakit naman? Hhmm?"  nanunukso kong buwelta sakanya. Ang pula ng mukha niya! Nahihiya ba siya? Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang pagtawa.

" W-wala!  Sige na uuwi na ako ...bye"   at umalis na siya...

Days and weeks after that , patuloy ang pagbibigay niya ng rosas at unti-unting  napupuno ang jar ng mga papel galing do'n. Palagi kaming magkakasama sa pagkain, pagpasok at pag-uwi. 

"Lexine?"  sinalubong ako ng  maaliwalas niyang mukha at umaalong buhok.

" Verlene, bakit?" nakangiti ko namang tanong . Simula nang magka-usap kami sa parking lot ay medyo nagkapalagayan na kami ng loob. Hindi naman maaalis sa'kin ang mag duda dahil hindi lahat ng lumalapit sa'yo ay kaibigan.

"I just wanna say goodluck! Sige , gotta go!"

Halos isigaw niya 'yon habang para siyang bata na hindi mapakali  sa pagmamadali. Mabait naman siya 'di ba?  Pero hindi kumbinsido si Jamrees at Claudette. Lagi nilang sinasabi na 'mag-ingat ka sakanya, feeling ko hindi siya gagawa ng mabuti  '   . May part saakin na nagsasabing tama ang mga sinasabi nila. But on the other hand , wala pa naman akong nakikita na mali sa ginagawa niya .

" GUYS 5 MINUTES!!! "  dinig kong sigaw ng  kasama namin sa play.

Tumayo ako at pinagmasdang mabuti ang sarili sa salamin. Bumagay sa akin ang kulay powder blue na gown. Ang bigat nito! Kapag suot mo 'to mararamdaman mo talaga na isa kang prinsesa .

Nasa stage na sila Shinella . Ako lang ang naiwan dahil huli akong lalabas. Dinig na dinig ang palakpakan at sigawan ng mga schoolmates namin at mga magulang ng ilan.  Ilang sandali pa ay ako na ang papasok sa eksena.

This is it!    FIGHTING!!!

__________________________________

Kerson David Fuentabella



Kakatapos lang ng play. Patuloy pa rin ang pag-uusap ng mga tao  tungkol doon. Ang ganda naman kasi talaga lalo na siya.



Her angelic face and sweet smile are the best part of the play.  I can't take my eyes off her. For me she's perfect. But there is something  in her eyes . Longing, sadness, fear , anger I don't really know.




Kapag kasama niya ako I know somehow I'm making her happy .  Makita ko lang na mawala 'yon sa mga mata niya masaya na ako. I don't care if she rejected me after all of this. All I really want is to see her genuinely happy.


With boquet of flowers in my hands , naglakad ako palapit sa kanya.



"Woah! Padaanin natin si lover boy,"  pang-aasar ni Bryle . 

"Wetlog ka Bryle!  Lahat tayo lover boy dito!" angal ni Apollo. I gave them a deadly stare.

Nang makalapit ako kay Alexine I gave her the flowers like a shot. Now what? Should I tell her she did great?  What should I say?  Fuck! My heart is moving back and forth very rapidly.

"Lexine...uhm...ang ganda mo ..."  bulalas ko.

Her mouth curved into a smile. 

"Thank you, Kerson  "

"You did great!  Kung hindi kita kilala malamang akalain kong isa kang artista"

"Bolero ka talaga , lagi mo kong pinauulanan ng papuri."

"Totoo naman kasi 'yon!  Maganda ka, talented at matalino kaya marami akong kaagaw , e."

Nakangiti siyang Umiling  na tanda ng pagtutol n'ya sa mga sinabi ko. Mabilis na sumulpot si Claudette sa pagitan namin.

" Oii , kaagaw ka dyan!  May iba pa bang nanliligaw sa kaibigan namin bukod sa'yo?  Sige nga sabihin mo kung meron? Nakakaloka!" she said and rolled her eyes on me.

" Aaawwww!!!!   Ang sweet ...  Sana ganyan din tayo baby Claud "  pagpapacute ni Apollo. Agad naman siyang tinaasan ng kilay ni Claudette at magsasalita na sana pero biglang natigilan.

"Hi !  Good job everyone.. Ang galing n'yo palang umarte.  oh, I have to go!  See you around!"

tinitigan niya ako bago umalis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken HeartedWhere stories live. Discover now