Naging madali saakin ang pagtulog. Kung bakit ay hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ay dapat hindi ako nakatulog dahil sa tawag ni Kerson . Ganon naman talaga ang natural na reaksyon ng mga babae.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo. Maaga pa naman kaya hindi ako nagmamadali . Tinanggal kona ang mga telang bumabalot sa aking katawan at mabilis kong binuksan ang shower. Ramdam ko ang pag agos ng malamig na tubig sa aking balat .
Mabuti pa ang tubig nararamdaman ko!
Ang mga bagay na dapat kong nararamdam ay hindi ko nadarama! Tss... Hindi ko alam kung may saltik na ba ako o kung O.A lang ako...Pagkatapos maligo ay puno parin ng tanong ang isipan ko. Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo sa walk-in closet . Sinuot ko ang uniform ko at naupo ako sa harap ng vanity mirror. Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ay tinutuyo ko ang aking buhok gamit ang blower. Matapos non ay natulala na ako sa salamin .
Alam kong may iba talaga saakin...Pero ano?
What is this fucking feeling!? Paiba-iba ang mood ko palagi pero nakadepende yon sa uri ng taong kaharap ko.Ang totoo ay matagal kona itong pansin. Pinipilit ko itong balewalain sa pag aakalang normal lang ito sa mga babae. Ito siguro ang dahilan kaya nag aagam agam ako sa panliligaw ni Kerson alam kong hindi ko maipapakita sakanya ang tunay kong ugali .
Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko , pagkatapos ko sa salamin ay tumayo na ako. Kinuha kolang ang cellphone ko at bag tapos ay lumabas na ako sa aking kwarto. Maingat akong bumaba ng hagdanan na para bang mababasag ito kung hindi ako mag-iingat . Heto nanaman ang pakiramdam na ibang tao ang nasa katawan ko . Nandito ako sa bahay kaya sigurado akong magiging malamig ang pakikitungo ko sa mga tao . Marami na naman akong pagtataasan ng kilay at sesermonan .
Pumasok na ako sa dining room nakita ko si yaya Rose na nag aayos ng lamesa.
" Good morning !" bati niya saakin ng makita ako na papalapit sa hapag.
Umupo ako sa dulo ng dining table kung saan nakaayos ang mga kubyertos. Wala akong kasabay kakain dahil nasa trabaho ang mga magulang ko .
"Morning..." malamig kong tugon sakanya
Alam naman niyang ganito ako kaya hindi nasya kumibo. Nagsimula nalang akong kumain sa napaka sosyal at desenteng paraan .
Matapos kumain ay naramdaman ko ang vibration sa bulsa ng aking palda. Kinuha ko ang pinag mumulan noon. Hindi ko muna tiningnan , nagpunas muna ako ng bibig sa pinaka mahinhing paraan at saka tumayo.
Ng tingnan ko ang cellphone ko ay biglaan na naman ang pagbabago ng mood ko.
Kerson:
Hey! goodmorning ...kain ka ng breakfast see you later antayin kita sa entrance .
Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang matamis na ngiting kumakawala rito. Ilang segundo lang ang lumipas ay nagbalik ulit ang walang emosyon kong mukha. Humarap ako kay Yaya Rose at nagtaas ng kilay.
" Yaya papasok na ako , could you please send someone to clean my room? Parang hindi nililinisan! I want everything to be organize at wala sanang alikabok"
"yes,Miss" aniya
Tinalikuran kona siya para lumabas ng bahay. Nang makalabas ako ay naroon na ang guards at driver ko. Uminit bigla ang ulo ko ng makita ang sasakyan ko papuntang Stanford.
ESTÁS LEYENDO
Broken Hearted
RomanceMiyuki Alexine Ziana Margaux C. Mondragon A broken girl with a broken heart. Kerson David S. Fuentabella He fixed her , He replaced her broken heart with a new one. But then he broke it too. She will run away with nothing, but she'll come back w...