CHAPTER 16

223 17 1
                                    


JUNGKOOK'S POV

~BRIZK!~

Agad Kong kinuha ang cellphone ko at masaya Kong si Taehyung ang nagnotif dito

MY BWII

Jungkook I need you right now. Pumunta ka sa Jeju

Nagmadali akong umalis ng bahay nung mabasa ko ang text ni Taehyung

Nakaligo at nakakain na naman ako kaya pwede ko na agad siyang puntahan pati alam Kong kailangan niya talaga ko ngayon dahil sa ginawa sa kanya nung Jimin na yun

Maya maya lang ay narating ko na ang Jeju at nakita ko naman agad si Taehyung na nasa tabing dagat at tulala kaya agad ko siyang nilapitan

"Tahan na" nung pagkasabi ko nun ay agad niya Kong nilingon at tsaka ko niyakap.

"Jungkook! Sobrang sakit" bulong niya habang humahagulgol kaya hinagod ko ang likod niya para pakalmahin.

"Ilabas mo lang yan pero bukas ayaw na kitang makitang iiyak ng dahil Kay Jimin ah" sabi ko at hindi niya ko sinagot dahil naiyak siya.

Agad ko siyang pinaupo at hinayaang umiyak

"H-hindi ko pinagsisisihan na minahal ko si Jimin pero pinagsisisihan ko na kung bakit nung nakikita ko na na may something sa kanila ni elysa ay bakit hinayaan ko lang... Masyado Kong nagpaka confident na hindi ako lolokohin ni Jimin pero mali ako"

"Lahat ng lalaki natutukso kaya wag mong ibigay lahat ng buong pagtitiwala mo kapag nagmahal ka"

Dahang dahang tumingin sakin si Taehyung

"So kahit ikaw natutukso?"

'Oo natutukso ako sayo'

"Oo naman pero kapag alam Kong malapit na akong madala sa tukso ay agad na Kong nalayo" sabi ko at napangiti naman si Taehyung.

"Alam mo yung mas masakit, Jungkook?"

"Ano?"

"Yung mas pinili ko si Jimin kesa sayo"

Natigilan ako sa sinabi ni Taehyung kaya namutawi sa pagitan namin ang katahimikan

"Hindi naman ako lolokohin ni Jimin kung hindi bumalik yang kaibigan niya na yan e!"

Hinayaan ko nalang ulit na magsalita si taehyung at pinakinggan ko nalang ang mga susunod niyang sasabihin

"Alam mo, may feelings pa naman talaga ko sayo eh pero pinipilit Kong kalimutan ka at tanggalin ang nararamdaman ko sayo dahil nandiyan na si Jimin sa buhay ko"

"Ako din naman e, pinaubaya na kita Kay Jimin kahit masakit pero sobrang galit na galit ako sa kanya dahil sinaktan ka niya"

"Hmmm... Nangyari na kaya wala tayong magagawa"

Tumingin ako sa dagat at tsaka bumuntong-hininga

"Simula nung magkahiwalay tayo ay ipinangako ko sa sarili ko na.."tumingin ako Kay taehyung na sa kawalan nakatingin. "This is not the end of our relationship at Ienjoy muna ng lalaking kapiling mo ngayon ang mga sandaling kasama ka niya dahil babawiin din kita sa kanya pagdating ng panahon"

Dahan dahan na tumingin sakin si Taehyung habang gulat

At nginitian ko siya

"At ito na ang panahong tinutukoy ko na babawiin na kita Kay Jimin"

Pagkabigkas ko ng mga linyang yun ay katahimikan muli ang namutawi sa pagitan namin ni Taehyung

Parehas lang kaming nakatingin ngayon sa dagat at dinadama ang napakasarap sa pakiramdam na simoy ng hangin

"Wala Kong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari" pagpuputol ni Taehyung sa katahimikan. "Hindi ko sinisisi ang tadhana kung bat kami pinagtagpo ni Jimin nung mga panahong wala ka"

Nanlumo naman ako sa sinabi ni Taehyung

"Salamat Kay Jimin dahil tinugunan niya lahat ng pagmamahal na hinahanap ko sa mga taon na lumipas na wala ka sa tabi ko... Nagtataka nga ko na kung bakit pinagtatagpo pa tayo ng tadhana kahit na may Jimin na ko" natawa kunwari si Taehyung at tumingin sakin kaya tumingin na din ako sa kanya.

"Eto pala ang rason niya kung bakit niya tayo pinagtagpo ulit, dahil para maituloy ang naudlot nating relasyon dahil sa pagkakamali ni Jimin" sambit ni Taehyung kaya agad ko siyang niyakap.

'I miss that sweet lines from you Taehyung'

Ipinapangako ko na kapag nasa piling na muli kita Taehyung ay hindi ko gagawin sayo ang masakit na ginawa sayo ni Jimin

Because you are my queen

"I miss you Taehyung"

"I miss you too Jungkook"

THIS IS THE RIGHT TIME TO LOVE YOU AGAIN TAEHYUNG

MY EYES ARE ALWAYS ON YOUWhere stories live. Discover now