CHAPTER 26

204 11 1
                                    

At dinala na nga ng ambulansya si Taehyung sa ospital kasama si Jungkook

At Pagkadating ng mga ito sa Hospital ay agad nilang inagapan ng oxygen si Taehyung at ginamot dahil kung hindi sila magmamadali ay tuluyan ng mauubos ang dugo ni Taehyung sa buong katawan at ikamamatay niya na ito

JUNGKOOK'S POV

Ilang oras na Kong nasa labas at hinihintay na lumabas ang doctor mula sa operating room at kung ano ang sasabihin niya

Tinawagan ko na din si Jin para ipaalam ang nangyari at katulad ko ay iyak din siya ng iyak. Sinabi ko sa kanya na tawagan na ang mga magulang ni Taehyung at isabay na sa pagpunta dito sa Ospital

Maya Maya lang ay kita ko na ang pagdating ni Jin kasama ang mga magulang ni Taehyung at papalapit sila sakin ngayon

"Jungkook!" lumapit sakin si Jin habang humahagulgol sa pag-iyak. "Anong nangyari sa kaibigan ko ha? Anong nangyari!" inalog alog niya pa ko. "S-sumagot ka please"

"Hindi ko din alam" sagot ko.

"A-ano?!!! Huhuhuhu!" umupo sa isang tabi si Jin at tsaka humagulgol sa pag-iyak.

Napatingin ako sa mga Kim at seryosong nakatingin sila sakin kaya nag bow ako

"J-jungkook?" Hindi makapaniwalang sambit ni Mrs. Kim.

Walang ano-ano ay sinuntok ako ni Mr. Kim na agad Kong ikinagulat

Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya sakin ay tumilapon ako sa pinto at pumutok ang labi ko

"Anong nangyari sa anak namin?!! May kinalaman kaba? Sumagot ka!" sigaw niya sakin at pinipigilan naman siya ni Jin at Mrs. Kim.

"Tama na hon"

'Bakit ba ako ang sinisisi niyo? Wala din akong Alam sa nangyari!'

Pinipigilan Kong sagutin sila at magalit sa kanila dahil naiintindihan ko kung bakit nila to ginagawa dahil sa pag-aalala Kay Taehyung pero nag-aalala din naman ako e!

"Hindi po ito ang oras para magsisihan tayo!" awat sa kanila ni Jin at nakinig naman sila.

Maya Maya lang ay lumabas na ang doctor mula sa operating room kaya nagtayuan sila Jin at Mrs at Mr. Kim

Maliban sakin dahil hindi ako makatayo sa sahig dahil sa sakit ng panga ko

"Doc, ano pong nangyari sa anak ko? Okay naba siya?" tanong ni Mrs. Kim habang umiiyak.

"Yes, okay na po ang anak niyo"

Sa sinabi ng doctor ay nakahinga kami ng maluwag

"Pero..."

Napatingin ulit kami Kay doc na malungkot ang mukha

"Pero ano doc?"

"Dahil sa malakas na pag-untog sa kanya nung killer sa makapal na bakal ay naapektuhan ang isipan niya/utak"

Humagulgol na naman si Mrs. Kim at Jin at ang luha ko naman ay natulo tulo na din

"Kaya pwede po siyang magka amnesia pero mangilan ngilan lang ang makikilala niya" sabi ni doc at tsaka umalis.

Para naman akong na estatwa sa kinauupuan ko at parang dinurog ng pinong pino ang puso ko

'Hindi to maaari Taehyung please sana maalala mo ko. Pero kung hindi man ay ipapaalala ko sayo lahat ng mga magaganda nating alaala'

"Kasalanan mo to!" sigaw sakin ni Mrs. Kim at hindi ko nalang sila pinansin.

Sorry Taehyung dahil hindi kita naprotektahan kanina... Sorry T_T

Kung alam ko lang na mangyayari to ay sana hindi na tayo naggala pa

Agad Kong tinawagan si Mama para ipaalam ang nangyari

"Ano?!! Kamusta na si Taehyung? Anong nangyari? Kilala niyo naba yung gumawa sa kanya nan? Jusko po" sunod sunod na tanong ni Mama.

"Hindi papo kilala ang killer pero pina iimbestigahan na po namin ang nangyari"

"Hayst mabuti naman"

"P-pero mama... May bad news" at pumatak na naman ang mga luha galing sa mga mata ko at umagos ito sa pisngi.

"Ano?"

"Magkaka amnesia d-daw po si Taehyung"

"What the... Hindi to maaari"

At rinig Kong naiyak na din si mommy sa kabilang Linya

"Jungkook" tawag sakin ni Jin kaya nailayo ko muna sa akin ang cellphone ko.

"Bakit?"

"Pwede na nating puntahan si Taehyung sa kwarto niya"

"Sige susunod nalang ako"

"Okay"

At ibinalik ko ang cp ko sa tenga ko

"Mommy ba bye na. Bibisitahin na namin si Taehyung sa room niya"

"Sige anak. Sabihin mo sa kanya magpagaling siya ha?"

"Opo"

"Sige bye"

At ibinaba ko na ang Linya at tsaka pumunta sa room ni Taehyung

MY EYES ARE ALWAYS ON YOUWhere stories live. Discover now