14.MAGULANG

1.2K 56 0
                                    

HANNA'S POV

           Ipapakilala na sa akin ni lola ang mga nasa larawan yung iba nakita ko na ;nasa larawan yung tito at tita ni charl at yung kapatid ,at si lola pati narin si charl.........

         "Apo ito ang larawan ko kasama ang asawa ko at ang mga anak ko."saad ni lola habang nakatingin sa larawang hawak nya.

        "Ahhh....ay sino po sila"takang tano ko kay lola tapos iniharap sa akin ni lola yung larawan.

       "Itong katabi ko siya ang asawa ko ang pangalan nya ay MARIO LIANTO siya ang kaisa-isang lalaki na minahal ko ito namang dalawang batang nasa harapan namin ng asawa ay ang mga anak ko ;ito si           CHRISTIAN LIANTO siya ang panganay kong anak at ito naman si MELISA LIANTO siya yung tita ni charl yung kausap mo kanina d molang siya makilala dto dahil bata pa sila dto." Pagpapakilala sa akin ni lola nung  mga nasa larawang hawak nya.

"Ay nasan na po si lolo Mario at si Sir Christian" takang tanong ko kay lola.

    "Wala na sila , namatay ang asawa kong si Mario dahil sa sakit sa puso nung araw na yun d ko na alam ang gagawin ko pero biglang pumasok sa pagiisip ko na may anak pa ako na kailangan ako at dapat lang na hindi pa ako sumuko kaya para sa mga anak ko ay bumangon ako." Kuwento sa akin ni lola. Tapos itinuro ko naman yung isang larawan....

    "Si charl po ito dba mga magulang nya po ba ang kasama nya?" Takang tanong ko ulit kay lola...

     "Oo masayahing bata dati si charl; Sa totoo lang kaya namatay ang panganay kong anak ay dahil sa naaksidente sila kasama ang asawa nya at ang anak nya ,Papunta sana sila sa bundok non para mag-camping ang buong pamilya pero nawalan ng preno ang sinasakyan nilang sasakyan ,kaya nahulog ang sinasakyan nila sa bangin ang swerte ni charl dahil nakaligtas sya pero ang mama at papa nya binawian na ng buhay , kaya ayun nawala ang masayahin kong apo ng dahil sa tromang inabot nya  at sa bigat ng dinadala nya." Malungkot na saad ni lola.

      Nung una akala ko ang swerte ni charl dahil naabutan pa nya ang lola pero sa di ko inaasahan na maskawawa pala sya kesa sa akin dahil sa murang idad palamang nya ay nawalan na agad siya ng magulang at ang malala don ay sabay pang nawala ako kasi kakamatay lang ina at buhay pa si ama kaya swerte ko dahil nakasama ko pa ng matagal ang mga magulang ko.Pero hindi ko masyadong naintindihan yung kuwento ni lola ,anong camping? At anong preno? ,hays... d bale na nga lang basta naintindihan kong namatay yung magulang ni charl.

     "Ay ano pong pangalan nung ina ni charl?" Tanong ko ulit kay lola.

    "Ang pangalan ng mama ni charl ay IRA LIANTO napakabait ng mama ni charl kaya siguro sya nagustuhan ng anak ko." Sagot ni lola sa akin. "Pinag halo ng mag asawa yung pangalan nila para makuha ang pangalan na Charl yung Brayan naman ay ako ang nagbigay kase yun sana ang pangalan ni Christian pero binago naman ni Mario dahil pangalan daw yun ng panganay nyang kapatid." Paliwanag sa akin ni lola

      Ano ba yan bakit ba sa mundo ng mga tao ang hahaba ng pangalan tapos kailangan pang pagisipan hays.....

      "Ahhhh....kawawa naman po pala si charl akala ko po kasi ang swerte nya dahil naabutan nya ang lola nya pero hindi pala may hinanakit pa din sya sa puso nya." Malungkot kong saad kay lola.

     "Kahit ako apo naawa din ako kay charl dahil bata palamang sya ay grabe na yung nararanasan hays...kawawa naman ang apo ko." Malumbay na saad sa akin ni lola.

     "Wag po kayong magalala papasayahin ko po sya para maibalik ko po sa inyo ang masayahin nyong apo hehehe..." nakangiti kong saad kay lola.

      "Salamat apo napakabait mo talaga sana kayo nalang talaga ang magsama." Nakangiting saad ni lola.

  "Hahahahahaa.... napaka imposible po ng gusto nyo hehehe may nagugustuhan na po kasi akong ibang tao at hindi rin naman po ako magugustuhan ng apo nyo heheehe" natatawa kong saad kay lola.

    "Ganon ba apo.; d bale nalang basta ipangako mo sa akin na papasayahin mo sya haa.." ngiting saad ni lola.

    "Opo pangako ko po...." saad ko sabay hawak sa kanang kamay ni lola.

    "Alam mo ba yaan din yung sinabi ko dati sa kaibigan ko na malayong maging kami ni mario pero d nagtagal ay nagustuhan namin ang isat-isa at nakabuo kami ng pamilya" nakangiting saad ni lola sa akin.

      "Naku lola baka po si lolo mario ay mabait d gaya ni charl may pagkademonyo." Pasiga kong saad kay lola.

    " ahehehe naku tignan natin apo..." saad ni lola sa akin habang natatawa.

    Yain na nga si lola nangangarap ng gising pero kahit kailan talaga d ko magugustuhan yang demonyong charl na yan dahil hinding-hindi ko ipagpapalit si kuya gwapo ,Riel mahal ko hehehehe..........

    "Iha anong nagyayari sayo para kang kinikiliti dyan dahil natawa ka na lang ng bigla-bigla." Takang tanong ni lola.

    " ahahaha...ayus lang po ako may naaalala lang po." Saad ko kay lola habang kinikilig dahil iniisip ko si kuya gwapo errr....

    "Ahhhh...." saad ni lola habang nanlalaki ang mga mata nya.

    "Sino bang iniisip mo iha?" Takang tanong ni lola sa akin.

   "Si kuya gwapo po hehehe" pabebe kong saad kay lola.

       "Kuya gwapo..? Si charl ba yun apo?" Takang takang saad sa akin ni lola.

      "Naku napaka layo po ng hula nyo ang dami po nilang pagkakaiba sa isat-isa." Saad ko tapos nawala ang ngiti ko ng makinig ko nanaman si charl.

    "Ay ganon ba apo" mahinhin na saad ni lola sa akin.

    "Ay lola ano nga po palang pangalan nung kapatid ni charl?" Tanong ko kay lola.

   "Ang totoo nan apo hindi talaga sila magkapatid ni charl anak sya ni Melisa magpinsan lang sila pero kapatid na ang turingan nila sa isat-isa ang pangalan nya ay ELIZABETH LIANTO ." Saad sa akin ni lola....

    "Ahhh... ano na po kayang ginagawa ni charl.................."saad ko kay lola tapos sinipak ko ang sarili...Hala bakit ko iniisip yung demonyong iyon........

ABANGAN  ANG SUSUNOD NA KABANATA............

The Crazy Fairy and the 'L2L' BoysWhere stories live. Discover now