6: Snubbed

107 13 8
                                    

Chapter 6: Snubbed

Habang nagkla-klase ay hindi nag-uusap ang dalawang mag-bespar.

Parang for the first time na napaka tahimik ng linya nina Noel.

Nagsimula na ang klase at nag-decide si Noel na siya ang magsisimula ng conversation.

"Lianna....Huy" Bulong ni Noel
Ngunit hindi namansin si Lian

"Anak ng tobleron... LIANNA ANNE WAYNE!" Muli bulong ni Noel

Napaka daming try ni Noel para makuha attention ni Lianna pero
Naka poker face na lang lagi si Lian.

Kumuha si Noel ng papel ay ginusot ito at ginawang bola

Ibinato niya ito sa mukha ni Lianna
At sakto na tumama ang papel kay Lianna ay nakita ito ng adviser nila

"Mr Noel! Stand infront of the class until this subject is over!" Sigaw ng masungit nilang adviser

Tumayo si Noel at pumunta sa unahan at pinagtatawanan siya ng mga kaklase niya pwera kay Lianna na hanggang ngayon ay naka poker face.

Matapos ang klase ay nakita ni Noel na magkasama si Louis at Lianna papunta sa kanilang locker.

Nilagay ni Lian ang ibang gamit niya sa locker tapos bigla siyang nagulat nang lumingon siya at nakita niya si Noel na nakatingin sa kanya

Inirapan ni Lian si Noel ngunit inilagay ni Noel ang kanyang dalawang kamay sa locker at na trap si Lian sa gitna.

"Lian mamansin ka naman." Nagpapacute na sabi ni Noel

Isinara ni Lian ang pinto ng locker niya at iniwan niyang ipit ang mga daliri ni Noel sa locker.

Sabay na naglakad si Lian at Louis sa hallway at naka-akbay si Louis kay Lian

Sinundan ni Noel ang dalawa ngunit nawala si Lian at Louis sa mata ni Noel nang pumunta ang dalawa sa mataong lugar.

Ngunit hindi pa sin sumuko si Noel

Sa bawat klase ay kinukulit ni Noel si Lian at sa kada klase ay napapatayo lagi si Noel sa unahan.

Madami na ang nagiging topic na
Nagpapapansin si Noel at dahil nahihirapan na si Noel ay nagpatulong siya kay Michelle.

"Babe, Patulong nga" Nakikisuyong sabi ni Noel

"Huh? Bakit?" Nagtatakang sagot naman ni Michelle

"Si Lianna kasi galit saken e ayoko mawalan ng Bespar" nagmamakaawang sagot ni Noel

"Ah okay sige........ Makipag Lunch tayo sa kanila mamaya....Hindi sila makakagawa ng scene kasi madami tao" sagot naman ni Michelle

"Salamat Be" Sabi naman ni Noel, Sabay niyakap ni Noel ng mahigpit ang kanyang so called jowa.

Hindi nangulit si Noel for the rest of the classes at hinihintay na lamang ang lunch.

Hindi mapakali si Noel at gustong-gusto na niya kausapin si Lian

Pero buti na lamang ay natiis niya ang sarili niya.

                       LUNCH TIME
      :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Pumunta sa cafeteria si Lian at Louis
at kumain ulit sa isang lamesa sa isang sulok.

Nagtatawanan ang dalawa at sobrang saya na magkasama(sana ol) pero biglang nawala ang tuwa ni Lian ng biglang sinamahan ni Noel ang usapan nila.

Tumahimik si Lian at hindi umiimik
Habang napaka sama ng tingin ni Noel kay Louis.

At dahil may mainit na tension kena Lian,Noel at Louis ay nagdecide si Michelle na magbugay ng topic

"Ikaw pala si Lianna,Nice to meet you" magalang na sabi ni Michelle

"Ah hello nice to meet you din" Sagot naman ni Lian na may ngiti sa kanyang mukha.

Akala ni Noel ay okay na ang lahat dahil ngumiti si Lian

Ngunit nang si Noel naman ang nagtanong ay hindi sumagot si Lianna.

Napaka awkward ng moment na ito....Ang moment na piltit maglatawa ni Noel

Pero siya lamang ang natawa sa sarili niyang corny joke

Nagpatuloy ng "pagpapatawa" si Noel pero kahit si Michelle ay nag pilit ngumiti sa mga joke ng kanyang corny na jowa.




Hindi nagtagal ay kinwento na ni Noel ang buong talambuhay niya at kung anu-ano na ang sinasabi kahit wala namang nagtatanong

Sobrang cringe na si Louis habang pinapakinggan ang mga kwento ni Noel


Dahil sa awkwardness ng scene
Umimik ulit si Michelle at sabi:

"Napaka-close niyo ni Louis....Lian" natutuwang sabi ni Michelle

"ah oo, siya din lagi kong kasama sa buong araw tsaka kasama ko sa kalokohan ko" Natatawang sabi ni Lian.

Biglang nakaramdam ng inggit si Noel at unti-unti nang umiinit ang ulo

"Sama kayo bukas ng gabi... Puounta kami sa sinehan may extra 2 tickets kasi kami kaya kayong dalawa na lang isasama namin" nakangiting sabi ni Michelle




Hindi naman nakatanggi si Lian sa sweet na si Michelle kaya't pumayag silang dalawa ni Louis.


Habang naglalakad sa hallway ay nakahanap na si Lianna ng babaeng kaibigan

Nag kwe-kwentohan si Michelle at Lianna habang masa likod nila yung dalawang lalaki


Napaka saya at positive ng vibe nina Lianna at Michelle

Samantalang punong-puno ng galit at competition ang tinginan nina Noel at Louis

Pero kita ng dalawang lalaki na masayang magkasama si Michelle at Lianna

Kaya't pinilit muna ni Noel at Louis na mag-ala close sila.

Dahil merong iba't-ibang club ngayon
Bumukod muna si Lianna at Louis para pumunta sa art club

At pumunta naman sina Michelle at Noel sa music and dance club

"Bye Lian" nakangiting sabi ni Michelle

"Bye :)" sagot naman ni Lian

"Bye din Lian" sabi naman ni Noel pero hindi parin siya pinansin ni Lianna


Habang papunta sa music club sina Michelle at Noel hindi na matiis ni Noel na sabihin na:

"Ano sabi ni Lianna?" Tanong ni Noel

"Ah wala naman nagkwentohan lang kami tungkol sa mga subjects....Wala naman siyang binanggit about you" Sagot naman ni Michelle




Hindi maka focus si Noel dahil nasa isip niya lang ang guilt na meron siya at dahil natatakot siya na mawawala sa kanya ang bespar niya.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Crush Back Policy! [On Going]Where stories live. Discover now