12: Evidence

62 5 2
                                    

12:Evidence
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Oh, Ba't ngayon ka lang?" Tanong ni Louis kay Lianna

"Ah nasira kasi yung motor ng tatay ko kaya tumakbo nanaman ako" sagot naman ni Lianna.

Kagaya ng bawat araw ay hinintay ng dalawa si Noel
"Pano na yan nangdadaya lang pala si Michelle.....Pag di natin sinabi kay Noel baka patuloy siyang babagsak tsaka kubg pineperahan ni Michelle si Noel baka mawalan ng pangbayad ng tuition si Noel." Ani ni Louis

"Yun nga eh" sambit ni Lianna
"Kung di natin sabihin agad baka masanay si Michelle.....kaso....wala pa ako masyadong ebidensya baka sabihin ni Noel na....Nagiging OA ako masyado at nagdedecide agad ako ng hindi nag-iisip" tugon ni Lianna.

"E di dapat mag-hanap tayo ng ebidensya" sagot ni Louis

"Ebidensya saan?" Sambit ni Noel ng mapatid ang usapan ni Lianna at Louis

"A...e.. Ebidensya sa... Kung sinong kumain nung natitirang pagkain ni Louis sa bag niya" nauutal na sabi ni Lianna

"Di ako bobo Lianna..... Ano bang ebidensya pinag sasasabi ninyo?" Tugon ni Noel

"Ah wala nanood kasi kami ng action movie kagabi kaya kailangan namin ng ebidensya na totoo yung stunts dun sa movie" sagot ni Louis

"Hay nako wag na nga...ang hirap ninyo kausapin" sagot naman ni Noel.

Nakalipas ang ilang minuto ay pumasok na Michelle,Sa tuwa ay napayakap si Noel kay Michelle.

"Babe.. Okay ka na?" Tanong ni Noel

"Oo haha" sagot naman ni Michelle.

At kagaya ng dati ay pumunta na ang tatlo sa kanilang first class ngunit ngayon ay bumaba nanaman si Noel sa kanyang grades.

"May napansin ako" tugon ni Lianna sabay kanyabg tinapik si Louis

"Ano yun?" Sagot ni Louis

"Napansin ko na ang daming gintong bracelet ni Michelle e dati wala naman siyang ganyan dati" bulong ni Lianna.

"Baka bigay ng magulang niya" sagot naman ni Louis

"Imposible..nakita ko si Noel sa mall at yab yung bracelet na binili niya" sagot ni Lianna.

"Anong balak mong gawin?" Tanong ni Louis

"Diba photographer ka?" Tugon ni Lianna

"Yes..why?" Tanong ni Louis.

" Picturan mo kaya sa tuwing nahuhuli natin si Michelle" sagot ni Lianna

"Ah sige" tugon ni Louis

Sa kada minuto na nahuhuli ni Lianna at Louis ang pangtutukso ni Michelle ay kinukunan nila ito ng picture.

Habang sila ay nagtatanghalian ay
Napaka tahimik ni Lianna at Louis

"Ba't ang tahimik ninyo? Tanong ni Michelle

"Di ba kayo masaya na pumasok na'ko?" Tanong ng dalaga

"Ah sorry stress lang hehe" sagot ni Lianna

"Tungkol yan sa evidence-evidence na yan no?" Sambit ni Noel with a curious facical expression

"Ah hindi...stresss lang talaga" sagot ni Lianna.

"Ano ba kasi yun pinagsasasabi ninyong ebidensya na yan?" Tanong ng naiinis na si Noel

"PUTOBIBINGKA wala nga kasi!" Nagagalit na sagot ni Louis

Crush Back Policy! [On Going]Where stories live. Discover now