13: Let Him Know

26 4 1
                                    

CRUSH BACK POLICY

MESSAGE FROM THE AUTHOR:

Hello readers! Pasensya na kung matagal akong nawala (2 years akong wala HAAHAH). Nag focus talaga ako sa school works ko pasensya na..Sana magustuhan niyo ang chapter na ito and may kasunod pa ito so stay tuned<3

@Sassybellz                                     

Maaga nang makarating si Lianna sa Thundercolt HIgh. 

"Wow ang aga ko pala ngayon" isipp-isip ni Lianna. 

Tumingin si Lianna sa kaniyang kanan at dito nakita ang security guard ng school.

"Manong guard! hello po!" napalingon lamang ang guard ngunit hindi pinansin o kumaway pabalik kay Lianna. 

Umupo si Lianna sa tabi ng guard at nagsimulang mag kwento ng kung anu-ano sa guard ngunit wala parin pakilam si manong guard, sa daldal ni Lianna ay nagsuot na lamang ng earphones si manong guard habang daldal ng daldal si Lianna. 

Bigla-bigla na lang tumatawa si Lianna ng malakas dahil di niya alam na hindi naman pala nakikinig si manong guard. 

Hindi nagtagal ay dumating na si Louis at nakita niya ang patawa-tawang si Lianna.

Lumapit si Louis papalapit kay Lianna at tinapik ito. 

"oy Louis nandito ka na pala" bati ni Lianna. 

"ahh oo haha, by the way sino kausap mo?' sagot ni Louis" 

Nagtataka si Lianna at sabi: "huh? eh si manong guard ang kausap ko--

napalingon si Lianna sa guard at nakita na naka earphones pala ito at hindi nakikinig sa mga kwento niya. 

"ANAK NG FUDGECAKE! akala ko nakikinig ka! halos talambuhay  ko na ang i-kwento ko sayo manong tapos di ka naman pala nakikinig thanks for nothing na lang yawa" sambit ni Lianna. 

Natawa  ng kaunti si Louis. 

"gaano katagal akong tumatawa ng mag-isa?" tanong ni LIanna. 

"ahh di ako alam eh, kakarating ko lang..kaya siguro mga 30 minutes o kaya isang  oras" sagot ni Louis. 

"TANG JUICE nakakahiya" sambit ni Lianna. 

Napatingin si Lianna sa kamay ni Louis  at napansin na maraming sugat at pasa ito. 

"pre, anong nangyari sayo?" tanong ni Lianna.

"ano--" napatigil si Louis. 

"yang kamay mo" sambit ni Lianna. 

"ah haha wala to, wag ka mag alala okay lang ako" sagot ni Louis. 

"at sinong may sabi na nag-aalala ako?" sagot ni Lianna. 

Nagbago ang expression sa mukha ni Louis at nagulat sa sabi ni Lianna. 

"HUY JOKE LANG AAHAHAHA,ito naman di na mabiro.....syempre nag-aalala ako para sayo" sagot ni Lianna.

Nagbago muli ang expression ni Louis, napangiti siya.

"So ano nga, anong nangyari diyan sa kamay mo?" Tanong ni Lian.

"Ah haha wala napaso lang" sagot ni Louis.

"Ah sige sabi mo eh"--Lian.

Pumunta muna si Louis at Lian sa bilihan ng milkshake sa loob ng school.

Habang nabili ay napansin ni Lian ang kakaibang kilos ni Louis.

"Louis, okay ka lang?"

"H-huh? Ano? Sorry di ko narinig" sagot ni Louis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crush Back Policy! [On Going]Where stories live. Discover now