kabanata 5

13 1 0
                                    

Maaga silang nag-ayos ni Melissa para sa party ngunit late silang dumating. Sinadya nilang magpalate para maging maganda ang kanilang entrance. Papasok sila sa pag dadausan at makukuha nila ang atensyon ng mga naroroon. Lahat mapapatingin sa kanila. Especially Kay Gypsy na pinaghandaan ang gabing iyon.

Ganun nga ang nangyari. Pagpasok pa lang nila. Mga mata agad ng mga nagagwapohang bisita ng kuya ni Melissa ang humahagod ng tingin sa kabuuan ng dalawang bagong dating.

Hindi inaasahan ni Gypsy na sobra pa sa kanyang inakala ang party na pinaghandaan ng mga Ichari. Bigatin nga talaga ang mga bisita.

"Gyps, buti napilit ka nitong si Melissa na dumalo sa party ko" bungad sa kanila ng celebrant na si Jed

"Palalampasin ko ba ito. Minsan ka na nga lang magpaparty eh "sabi niya

" sus, minsan nga lang tapos pinagdadalawahang isip mo pang dumalo. Akala ko nga di kana darating" sabi nito na puno ng pagtatampo.

"Ikaw talaga kuya Jed dumadrama ka pa. By the way welcome back! " maligaya niyang turan sabik tapik sa balikat nito.

"Naku ! Naku! Kuya. I cant wait nasaan na yung pinamamalaki mong mga kaibigan mo pakilala mo naman kami please yun pa naman ang sadya ni Gyps dito" sabi ni Melissa sa kapatid.
Siniko niya si Melissa. Kung anong pinagsasabi. Nakakahiya Kay Jed baka isipin niya bisita niya lang ipinunta ko.

"Ahh" turan ni Jed habang tumatawa.

Iginiya agad sila sa isang table na pinagkukumpulan ng mga malalapit nitong kaibigan.

At perfect spot ang pinag-upuan . nasa gitna sila ng table at ang beauty ng dalawa nakadisplay talaga. Sila lang dalawa ang babae sa kanilang table and the rest are the circles of young bachelors.

"Hey guys! I want you meet my sister Melissa and her best friend Gypsy" pakilala ni Jed sa kanilang sa mga kaibigan. Isang -isa si lang binati at pinagkamayan ng mga ito.

Iniwan siya ni Melissa sa table dahil sinamahan nito si Tristan na boyfriend nito na kararating lang. Siya na lang ang nag-iisang babae sa kumpulan. Hindi naman siya naaaout of place dahil kinakausap naman siya ng mga kaibigan ni Jed. At pasimple rin siyang nilalandi ng ilan sa mga ito. Lalo na itong si Tyron Velasquez na isang neurologist. Okey sana ang lalaking ito kaya lang doktor ito hindi engineer.

Si knight Vega rin ay nagpakita rin ng motibo sa kanya na isang architect at ilan pa sa mga nakilala niya sa party. Kagaya ng sinabi niya she's no interest to the guy na hindi engineer.

Hindi nakawala ang maraming pares ng mga mata sa taglay na kagandahan ni Gypsy. Tila naghihintay lang ang mga ito ng pagkakataon na masolo ang dalaga.

"Gypsy, are you free tomorrow. Yayain sana kitang lumabas" anyaya sa kanya ni Tyron.

"Sorry hindi kita masasamahan. I'm busy " sagot niya Kay Tyron.

"How about the other  day or some time kapag di kana busy" pangungumbinsi nito sa kanya.

Ayaw naman niyang maging rude. Kaya siguro pagbibigyan na lang niya.

"Naku, Tyron mukhang natamaan ka kay Gypsy ha" singit ni Jed

"Sino bang hindi? Sa taglay niyang kagandahan talagang talaga"

Tumawa lang si Jed .

"Pre, habang maaga pa back off. Di niya tipo ng doktor. Engineer ang hanap niya" patawa tawang bulyaw ni Jed

"Diba Gyps. Nahiya ka pang tanggihan si Tyron"

Si Tyron at ang iba pang naroroon ay natigilan sa narinig.

Ngumiti na lang siya at medyo naasiwa siya sa tingin ng mga kasama nila sa mesa sa kanya.

Nahihiya siyang aminin sa harap ng mga ito.

"Whoa!! Engineer sayang naman. Kung alam ko lang sana na makatagpo ako ng babaeng katulad mo na engineer ang hanap. Sana di na lang ako nag doktor" Biro ni Tyron.

"Tyron back off dika engineer" sabi ni knight

"Back off din dika engineer"

"Back off tayong lahat di tayo engineer" sigaw ng ilan pang naroon.

"Kuya naman bakit mo yun sinabi sa kanilang. Nakakahiya" bulong niya Kay Jed.

"I'm just helping you out. Alam Kong di mo sila type. Mapipilitan kang um oo sa paanyaya ni Tyron"

Ang usapan  ng magkaibigan ay narating sa kung saan-saan at somewhat di na siya makarelate. Wala rin siyang makausap dahil yung best friend niya ay busy sa boyfriend nito.

Nagpaalam si Gypsy Kay Jed na pupunta siya sa rest room.

Papunta siya sa rest room ng pumagting ang tenga niya sa narinig.

" Did you know  after 3 years Drake Mortel is back!!" Sabi ng babae na hindi niya kilala

"Ahhh yung sikat na successful engineer?" Tanong naman ng kausap nito.

" Oo,  I'm so curious ano kaya ang itsura niya?" singit naman ng isa pang kasama nito.

"Sure naman akong gwapo yun. Kasi may nakakuha ng litrato ng likod niya. Maganda ang shape ng pangangatawan"

"Kung gwapo yun eh bakit di niya ipinapakita ang mukha. Siguro pangit yun" at sabay pang tumawa ang mga ito.

Hindi ugali ni Gypsy na makinig sa usapan ng iba. Pero somewhat nakuha ang kanyang interest sa pinag-uusapan ng mga ito.

Nakarinig lang siya ng engineer na salita parang nabubuhay ang matamlay na sistema niya.

Ang pangalang Drake Mortel ay hindi mawala sa isip niya. Pangalan pa lang alam na niyang ito yong mga tipo niya. Drake Mortel sino ka ba talaga?

Hook an EngineerWhere stories live. Discover now