kabanata 6

14 0 0
                                    

Hindi mawala sa isip ni Gypsy si Drake Mortel. Kahit pa hindi pa niya ito nakilala at nakita sa personal. Pero pangalan pa lang nito may iba na siyang nararamdaman. Kahit pa nameet niya si Clarence Tecson at Trent Ragoza sa party na isa sa ipinagmamalaki ng building industry sa pilipinas ngunit hindi siya nagkaroon ng interest sa mga ito na patulan kahit pa lantaran na pagpapahiwatig ang mga ito ng pagkakagusto sa kanya.

DRAKE MORTEL , DRAKE MORTEL , DRAKE MORTEL na lang puro ang nasa isip niya. Kahit pa pangalan ng best friend niyang si Melissa muntikan na niyang makalimutan dahil nag-iisang pangalan lang ang nasa isip niya walang iba kundi si Drake Mortel.

Araw-araw may naglalagay ng chocolate, flowers , notes sa locker niya mula sa kanyang mga admirers. Nangyari lang naman ito Simula nung naging single siya.

Maraming mga lalaki ang nagyaya sa kanyang lumabas. Lahat tinatanggihan niya. Ngunit these past few days nakukulitan na siya sa mga ito. Kahit anong taboy niya di pa rin siya tinatantanan.

"Gyps, magshishift na ako ng engineering payagan mo lang akong ligawan ka" sigaw ng lalaki na di niya kilala

"Gyps, kung pwede sana yayain kitang lumabas"

"Gyps, sama ka sa amin sa bar"

"Gyps, I like you "
"Gyps, I love you to the moon and back"

Naririndi na siya sa kanyang mga admirers. Kahit saan siya magpunta sa klase,sa canteen, sa mall, sa restaurant o sa kahit saan pang lugar di siya tinatantanan. Gusto na niya ng kapayapaan.

"Can you please get rid of me! " sigaw niya sa mga ito.
"MAY BOYFRIEND NA AKO! AT WALA KAYO SA KALINGKINGAN NIYA. KILALA NIYO SI DRAKE MORTEL SIYA YUNG BOYFRIEND KO!"

Natahimik ang paligid at lahat ng nakarinig sa kanya ay napapatigil. What's wrong sa sinabi niya.

Narinig lang ng mga ito ang pangalan na DRAKE MORTEL nag iba na agad ang ihip ng hangin sa paligid. Anong meron ba talaga sa DRAKE MORTEL na iyon. Tanong niya sa kanyang sarili.

NAGising si Gypsy sa lakas ng kalabog sa pintuan. Tiningnan niya ang kanyang orasan 6:00 pa lang ng umaga. Sino naman kaya itong taong maagang namumulabog sa mahimbing niyang tulog.

"Gypsy ! Buksan mo ang pinto!"
Nabalikwas siyang bumangon sa kanyang kama para pagbuksan ang kanyang ina. Alam niyang mahalaga ang pakay nito kasi hindi naman ugali nitong puntahan siya sa kanyang Condo ng ganung kaaga.

"Mom, its to early what's the matter?" Bungad niya sa ina pagkatapos pagbuksan ng pintuan

"To too ba itong kumakalat na balita na boyfriend mo raw si Drake Mortel?"

Hindi niya alam ang sasabihin.

"Mom, saan niyo naman yan narinig?"

Hindi niya akalain na ang Kasinungalingang iyon ay makarating pa mismo sa kanyang ina. At sa inaakto nito mukhang kilala nito ang lalaki.

"It doesn't matter anymore anak, basta ito lang ang mahihiling ko sayo. Wag muna siyang palitan pa. The future I want to give to you depends on him"seryoso nitong sabi sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hook an EngineerWhere stories live. Discover now