Dorothy's Pov
Isang magandang tanawin ang nasilayan ko. Mapuno rito at tanaw na tanaw ang pinagmamalaking Wawa Lake. Ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat ay nagbibigay ginhawa sa aking nararamdaman. Hindi ko alintana ang init na nagmumula sa araw, mas nakakadagdag pa ito sa ginhawa na aking nararamdaman."Are you okay now?" napalingon ako kay Federico.
Marahan akong tumango at muling ibinalik ang tingin ko sa magandang tanawin. Hindi ko alam kung ilang oras na kami rito maaga niya ako ginising kanina, sabi niya may ipapakita siya agad naman akong sumama dahil, hindi ko pa kayang harapin ngayon si Sean.
"I found this place on google, when I search where is this, it is nearby our place." nilingon ko siya at nakita na nakapikit siya habang dinarama ang malamig na hangin.
"I like this place," bigla kong sambit nakita ko sa gilid ng mata ko na sumulyap si Federico sa akin.
"You always like a beautiful scenery," sambit ni Federico tumango lang ako at ngumiti.
Federico is always with me, I remember the two of us making sweet memories.
"I wish I can go back to the time that you are madly inlove with me," seryosong saad ni Federico.
Napaharap ako sa kanya at nakita ko ang mata niya na puno ng sakit at pagsisisi.
"Ano ba ang sinasabi mo?" pasimple kong tanong.
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya pero minabuti ko na magkunwaring walang alam.
Natatawa siyang umiling at hinawakan ang mukha ko.
"Dorothy admit it you love Sean," may halong lungkot ang boses ni Federico.
Agad akong umiling at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko.
"I don't love him Federico," mariin na pagtanggi ko. May kirot akong naramdaman nang sambitin ko ito.
Maybe Federico is right? I am inlove with Sean. But no I don't think it is good for me.
"Don't fool yourself Dorothy. The way you look and the way you smiled when he is around is different when I am with you." nakita ko ang pag-iiwas niya ng tingin.
"Alam ko na una pa lang wala na akong pag-asa. Pero sumugal pa rin ako kasi akala ko makukuha pa kita..." tumingin siya sa akin na may luha sa mata.
Hindi ko namalayan na tumutulo na rin ang luha ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
"Pero hindi ko na pala kaya kasi tuluyan ka ng nahulog kay Sean," dugtong niya at hinawakan niya ang kamay ko.
Hindi ako makatingin kay Federico kasi tama siya. Mahal ko na si Sean, all this time I tried to forget my feelings for him but I can't.
"I'm sorry..." humihikbi kong sambit.
Federico is a good friend of mine. Kaya ayoko na nakikita siyang nasasaktan dahil sa akin.
"It's okay Dorothy, please don't cry." pinunasan niya ang luha sa aking mata gamit ang kamay niya.
Tumango-tango ako at niyakap siya.
"Thank you Federico," sinserong sambit ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Huwag mo ako yakapin ng mahigpit baka hindi na kita pakawalan," biro niya agad akong kumalas sa yakap dahil baka totohanin niya.
"I think you are okay now. Let's go back to your man Dorothy." Nilahad ni Federico ang kanyang kamay.
Hindi ko alam pero napangiti ako ng maalala si Sean. This is the second time that I feel in love. But this time I fell so hard to this man named Sean Fajardo.
Alas-tres na kami ng hapon nakabalik ni Federico sa bahay. Agad kaming sinalubong ni Lolita madami siyang kuwento ngunit hindi ko maintindihan. Palinga-linga ako sa sala ngunit hindi ko makita si Sean.
"Si kuya Sean ba ang hinahanap mo Ate?" tanong ni Lolita.
"Ah-eh oo nakita mo ba siya?" nahihiya kong tanong kay Lolita.
"Naku ate kasama po ni inay si Sean sa palengke maglako nang kutsinta." Nagkakamot na ulong saad ni Lolita.
"Ah kanina pa ba sila nakaalis?" hindi ko mapigilan magtanong.
Kailangan kong makausap si Sean.
"Kani kanina lang halos sampung minuto lang bago kayo dumating ay umalis na sila. Mga ala-syete pa siguro ang balik nila," mahabang sagot ni Lolita.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Ilang oras pa ang hihintayin ko bago ko siya makausap.
Wait ano ba ang sasabihin ko sa kanya? Oo Sean sinasagit na kita. Parang ang awkward naman kung yun ang sasabihin ko? Simplehan ko na lang kaya? It's a yes. Tama yun nalang ang sasabihin ko. Magegets naman siguro niya yung sagot ko.
Hindi na ako nagpaalam kay Lolita didiretso na sana ako sa kuwarto ko nang makita ko na bukas ang kwarto ni Federico. Pumasok ako at nadatnan siyang nag-iimpake ng kaniyang damit.
"Where are you going?" nagtataka kong tanong.
Hilaw na ngumiti sa Federico at nagpatuloy sa pag-iimpake ng damit.
"Where are you going?" tanong ko muli sa pagkakataong ito tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti.
"I am going back in Manila," tipid niyang sagot at umupo sa kama.
"Why?" nanghihinayang na tanong ko.
"I don't have any reason to stay here Dorothy, as much as I want to I don't want to disturb you and Sean," sa huling salita na binitawan niya ay nag-iwas siya ng tingin.
"Hindi na ba magbabago ang isip mo?" muli kong tanong sa kanya. Kumislap ang mata niya pero agad ding napalitan ito ng lungkot.
"Will you choose me if I stay here?" tanong niya na nakapagpatigil saglit ng hininga ko. Hindi ako makasagot nag-baba ako ng tingin sa sahig.
"Hayaan mo na ako umalis Dorothy, Focus on Sean. Don't worry I am still the Federico you know." Nilapitan niya ako at ginulo ang aking buhok .
"Hindi mo na ba hihintayin si Nay Lot" tanong kong muli kay Federico.
Umiling lang siya at niyakap ako.
"If Sean hurts you I promise that I will take you away from him Dorothy," seryosong niyang saad at tanging pagtango ang ginawa ko.
Sa sinabi ni Federico napaisip ako, paano kung saktan nga ako ni Sean? magiging martyr ba ako o iiwanan ko siya? Napailing ako sa iniisip ko at niyakap pabalik si Federico.
"Ingat ka," tipid kong sambit. Kumalas si Federico sa yakap at kinuha ang jansport bag na dala niya.
Nauna na akong lumabas. Maya-maya ay lumabas na rin siya nagulat si Lolita ng makita niya si Federico.
"Oh kuya aalis ka na? hindi mo na hihintayin sila Inay?" agarang tanong ni Lolita.
"Hindi na Lolita, pakisabi na lang kay Nay Lot na maraming salamat." kumakaway na sambit ni Federico.
"Babalik ka rito Kuya Federico ha?" habol ni Lolita
"Yes I will," nakangiting sambit ni Federico bago siya pumasok sa kanyang kotse.Hinintay namin na makaalis si Federico bago pumasok sa loob. Nakakalungkot na kailangan niya ng umalis after all I miss him as friend.
Pumasok ako sa kwarto ko at nagkulong ang daming nangyare ngayon. Naisip ko ulit si Sean at agad akong napangiti. I can't wait to tell him that I also love him. I am excited but at the same time scared.
I am opening my heart again to someone but my question is will I be happy if I open once again my heart to someone I love?