EPILOGUE

91 27 27
                                    

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto puti ang kulay nito, nilibot ko pa ang tingin at kunot noong pinagmasdan ang nasa kamay ko. May dextrose na nakakabit sa akin at nang pasadahan ko ang suot ko ay naka hospital gown ako.

Bakit ako nasa ospital? Nasaan si Sean? Narinig ko ang pagbukas ng pinto at iniluwa noon ang sekretarya ko na si Anya. Nakacorporate attire siya habang may dalang maliit na sling bag siguro galing siya sa kompanya ko at magrereport sa akin ngayon. Pero teka hindi ba at nasa Paris kami ni Sean?

"Thanks God Dorothy finally you are awake!" saad ni Anya sa akin at umupo sa upuan na nasa tabi ng hinihigaan ko.

Naguguluhan man ay biglang kumislot ang ulo ko at isang alaala ang nakita ko...

"Dorothy!" malakas na sigaw ni Anya habang hinahabol ako. Nilingon ko siya at natatawang umiling. Papasok na kasi kami sa trabaho ngayon. Isang kilalang publishing company ang napasukan namin at parehas kaming writer ni Anya. Halos dalawang taon na kaming pumapasok sa kumpanyang ito at wala kaming planong umalis dito sapagkat maganda at mataas ang sweldo na nakukuha ko.

"Bakit ka ba kasi nagmamadali pumasok?" hingal na hingal na tanong sa akin ni Anya ng makapasok kami sa opisina namin.

"Natapos ko na yung kwento na ginagawa ko at ipapasa ko na ito kay Mr. Sean," matapos sambitin iyon ay ipinakita ko ang may kakapalan na papel.

Kinuha sa akin ito ni Anya at sinuri ang huling papel. Binasa niya ito at hindi makapaniwala niya akong tinignan.

"Dorothy! Nahihibang ka na ba? You just used your name and our boss name!" agad kong tinakpan ang bibig niya at luminga-linga sa paligid mabuti na lang at iilan lang ang nandito sa opisina namin.

"Ipapasa ko ito Anya at aamiminin ko na ang tunay kong nararamdaman," mayabang kong sambit nakita ko na nasapo niya ang kanyang noo at binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin.

Una ko pa lang nakita ang aming boss na si Sean Fajardo ay agad akong nahumaling sa kanya. Iba siya sa mga nagdaan na nagustuhan ko. Sobrang bilis ng puso ko pag naririnig ang pangalan niya. Abot-abot rin ang pagwawala ng puso ko sa tuwing tinititigan niya ako. Pinilit kong itigil ang nararamdaman ko pero hindi ko kaya mas lalo niyang ginugulo ang puso ko!

My Thoughts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon