Kabanata 12

5.9K 294 66
                                    

Hindi nalalayo sa puwesto namin ang lamesa ng mga kaibigan niya kaya napansin nila kami. Tinawag nila si Vio para roon maupo.

Nakahinga ako nang maluwag nang alisin niya na ang paningin sa akin para pumunta sa mga kaibigan niya, sumunod naman si Yves sa kaniya. Samantalang, naiwan akong nakatayo. Mabuti na lang, nilapitan ako ng organizer dahil kailangan na ako sa entablado.

The host said something about my achievements and some information about me. After that, she escorted me onto the stage.

Nagpalakpakan ang mga bisita, mas malakas sa banda nila. Her friends were always letting me know that they were proud of me.

Sa kabila niyon, iniwasan kong tumingin doon. Kahit kasi sa gilid ng mga mata ko lang nakikita si Vio, kinakabahan pa rin ako. Ayaw kong makaapekto 'yon sa pagtugtog ko.

Sana maitawid ko ang performance.

I was a perfectionist; I couldn't fail.

I breathed in deeply and sat in front of the piano, then touched the keys when I was already comfortable.

Tumahimik ang lahat at naglaan sa akin ng atensiyon, handa nang makinig.

So, I decided to play a piece written by a known pianist. I won a competition in France the last time I played this.

I tried my best to focus on the keys because her eyes were making it too difficult for me to continue.

She's making me nervous.

"A round of applause for our debutant!"

Dumaan ako sa table ng mga magulang ko at ni Vio nang matapos. Naroon sina Ate Reile at Kuya Nael-kung saan narito ang atensiyon ng mga magulang ni Vio na tila interesado sa mga ganap sa buhay ni Kuya Nael.

Hinagod ako ng tingin ng mag-asawang Cuangco at makahulugang nginitian. Ngumiti rin ako pabalik kahit naroon ang pagtataka dahil sa inaasta ng mga nasa lamesa.

Tumayo si Amanda na nasa lamesa namin. At bago pa ako makalapit, dumiretso na siya sa lamesa ni Vio at ng mga kaibigan niya.

Nasapo ko ang aking noo.

Sana walang gawing nakakahiya si Amanda dahil hindi ko yata 'yon kakayanin.

Umiwas ako ng paningin nang dumapo ang mga mata sa akin ni Vio, siguro'y tiningnan ang pinanggalingan ni Amanda nang ituro kami ni Jaydee.

Umupo ako sa bakanteng upuan habang natatawa si Jaydee kay Amanda. "Ang cute ng girlfriend ko, 'di ba?"

"Hindi ka magpapa-picture?" tanong ko.

Umiling si Jaydee.

Nagbalik ako ng paningin sa kanila. Mukhang marami nang nakuhang pictures si Amanda at panay pa rin ang pagdaldal niya. Base sa buka ng bibig, mukhang pinupuri niya si Vio.

"S-sorry," sabi ko.

Halos matabig ko ang lamesa nang humarap doon dahil sa pagmamadali na maiwasan ang tingin na galing kay Vio.

"Ayos ka lang?" Now Jaydee is staring at me with confusion.

Agad akong tumango. "Nahihilo lang."

"Grabe ang parents natin. Tinotoo talagang sa gatherings lang tayo magkikita." Tiningnan ni Jaydee ang mga magulang niyang nasa lamesa na hindi kalayuan sa amin.

Seryoso talaga ang awra ng mga Ming, tipong nakakatakot kausapin at lapitan.

"Sabi ni Harris, hindi mo na siya tini-text at tinatawagan."

So, this is about his best friend?

"Amanda said, I should not."

"She meant, you and he should not meet personally. Sabi niya, miss ka niya." Ngumiti si Jaydee habang hinihintay ng reaksiyon ko.

Maybe Again (Again Series #1)Where stories live. Discover now