Yna was also invited. Kinabukasan, nadatnan ko na lang siya sa salas ng mansiyon. Her familiar stare is there. Ngayon pa lang, kinakabahan na ako dahil baka may matanong siya at madulas ako. I don't want to end up fighting with her again. Kahit huminto na si Vio, siguradong magagalit pa rin si Yna dahil hindi man lang ako nagsabi sa kaniya.
"Invited ka? Malamang," panimula niya.
Marahan akong umiwas ng tingin.
"Good thing, na-contact ka ni Jill."
She's now starting. Hindi puwedeng malaman niyang sa Canviés kami nagkita dahil doon na magsusunud-sunod ang mga tanong niya.
"Uh, yes." Nagkunwari akong pinapagpagan ang nightgown ko.
She scanned my body with her sharp stare. "Vio would be there, still going?"
Nagkunwari akong nagulat. "Si Jill naman ang ipupunta natin."
Hindi naalis ang panliliit ng mga mata ni Yna nang tanguhan ako. "I invited Doc Lei."
"What?" Hindi ko 'yon inaasahan.
"Why not? Jill permitted me to bring someone." Yna released a soft laugh. "How ironic, sa tuwing may party ang circle nila ganito tayo palagi."
Ilang beses nang nangyari na nagtanungan kami dahil kay Vio. In the end, we'll still go.
"Nag-empake ka na?" Sinundan niya ako papunta sa kusina.
Inutusan ko ang helper na ihanda ang almusal at ang merienda para kay Yna. "Mamaya siguro."
"Miss ko ang resort ng mga Bernal. Didn't you know? Si Jill at Asha na."
Halos mabuga ko ang sinubong pagkain.
"There's nothing wrong, right?"
"W-wala nga," sagot ko.
"I'm just kidding!"
I glared at her and continued stuffing food in my mouth. "I just find it awkward and weird."
"Why? Wala namang masama. They were friends since elementary."
"Wala akong makitang something sa kanila noon! Why did you even joke about that?"
"Wala lang," sagot niya. "Noong bumaba ka kasi nakasimangot ka. By the way, bilisan mo. I will help you pack your things."
It was 10 a.m. when I arrived at the airport. Hindi kami sumabay kay Jill. Nauna na kasi sila sa resort kahapon para mag-prepare.
Nadatnan ko sina Yna, Gilbert at Doctor Leila roon. Samantalang, hindi ko mabasa sa mukha ni Yna ang pagkasabik na makabalik sa Cebu. Maybe she's thinking about me again. Katabi niya si Gilbert na mukhang alam na kung bakit ganoon ang mukha ng fiance.
"Good morning!" Namanhid ang mukha ko nang balingan si Doctor Leila.
Hindi ganoon kaganda ang huli naming pagkikita.
Kunot-noo niya akong tinanguhan.
I pursed my lips, still shy.
Halos isang oras at kalahati ang flight papunta sa Cebu. Tanghali na nang makarating kami.
We're now walking to the entrance. Naka-slippers lang ako kaya nararamdam ko na ang matinding init ng buhangin na nilalakaran. Bumagay ang kulay kahel na kulay niyon sa paa ko at sa buhangin.
Sabi ni Yna, mukhang tatlong araw ulit kami sa resort. Naka-leave sina Doctor Leila at Yna. Wala ring problema sa akin dahil wala na akong trabaho. Nang nagpaalam ako kay Mommy, mukhang nag-aalangan pa siya dahil kilala niya ang mga Alba at ang ilan sa pamilyang malalapit sa mga ito. She was probably thinking about Vio's existence. Nang malaman niya namang kasama si Doctor Leila, nagbago ang isip niya. Hindi ko alam kung bakit gustung-gusto ni Mommy si Doctor Leila para sa akin.

YOU ARE READING
Maybe Again (Again Series #1)
RomanceMaria Dlynei Hacinto, a determined and liberated teenager, had her chaotic life come to an end when her parents transferred her to an all-girls school during her final year of senior high school, where she met Vio, a career-minded and goal-oriented...