THIS IS THE REVISED VERSION OF MAYBE AGAIN. Nagustuhan niyo ba? Nag-improve ba? Nakakainis pa rin? Boring pa rin? Walang nagbago? Mas maganda 'yong dati?
Sa mga mambabasa ko noong simula pa lang, alam niyo na sigurong mahilig akong mag-edit o mag-revise. Matagal kasi akong nawala sa platform na 'to at hindi nagsulat-marami ring natutunan. Masakit pala sa ulo ang grammatical at typographical errors. Isa pa sa mga inalis ko ay ang redundancy. However, I can't guarantee na perfect na ang revision. Kung babalikan ko ang Maybe Again, typos and grammar errors na lang ang aayusin ko. No more changes of narration and lines, because it can somehow affect its original flavor.
Moving on (weh), in this part, let's talk about the book's origin. Nais kong ibahagi ang pinagmulan ng kuwento at kung bakit ako napunta sa tema na 'to (gxg, wlw, lgbt, gl), at para na rin magpaliwanag.
ORIGIN.
Ika-4 ng Abril taong 2020 ko sinimulang isulat ang kuwento. Dala ng mga ideya na gusto kong ilathala, wala pang limang buwan natapos ko na 'to (Agosto 23, 2020).
Year 2020, relevant na nga ba ang ganitong tema? Siguro para sa iba, oo. Sa akin naman, hindi. Gaya ako ng mga newbie noon na hirap makahagilap ng gxg story sa Wattpad. So yes, nakakahiya mang sabihin-gumawa ako ng sariling kuwento at tauhan (Maybe Again).
First story ko ba 'to? First time sa wlw? Reader lang ako sa Wattpad?
The truth is, hindi ako sobrang reader. Nagbabasa pero nagtatagal lang sa pagbabasa kapag na-hooked agad.
'Cause the reason why I created my account is to write. Sabi nga nila, may mga taong reader lang, may mga writer lang, at may both.
Anyway! 2017, gaya ng nabanggit ko, first-time ko ang genre na 'to at ang genre ko noon ay tipikal na isinusulat ng mga ayaw ng naka-focus sa pag-ibig (joke, perception ko lang siguro 'to): Action, Sci-Fi, Thriller, Mystery, at Fantasy.
Diyan unang nasubok ang brain cells ko. Diyan ko unang niyakap at minahal ang pagsusulat. Like, "Hindi ko na hobby 'to! Passion ko na 'to!"
And to tell you honestly, writing with this theme never crossed my mind.
Not until, I began to realize that I wasn't obviously... straight. Then I started to seek answers but found more questions instead, so as:
"Bakit sa media, laging side character at for comedy purposes ang tingin sa mga miyembro ng lgbtq+ community?"
Dahil kung titingnan naman ang paligid, maraming successful icons na miyembro nito at may sarili rin silang kuwento, behind the stereotype. Their narrative was also valid.
And I'm glad that finally, heto na may recognition na ang community napo-portray na ang mga kuwento nila.
Ang katanungan na 'yan din ang bumuo kay Vioara Cuangco.
She's an example of a potential persona who could bend the stereotype about them. I made her an empowered woman, independent, and confident of what she was-especially in how she presented herself. But that wasn't enough, so I did my research, and gathered thoughts and experiences from those who could relate to the topic.
Kung isusulat ko ang temang 'to, dapat lang na may alam ako. Kaya naglakas-loob ako kahit ang palpak ko pang magsulat at hindi pa sapat ang alam ko.
Maria Dlynei Hacinto on the other hand is the symbol of the society in the past years (noong hindi pa gaanong tanggap ang ganito). Noong una'y hindi matanggap, tinatanggi, at tinatago.
Nahirapan ba akong ipagpatuloy ito? On process?
The answer is, yes.
Sabihin na nating may aim at goal ako pero, ginusto kong ihinto ang pagsusulat nito.

YOU ARE READING
Maybe Again (Again Series #1)
RomanceMaria Dlynei Hacinto, a determined and liberated teenager, had her chaotic life come to an end when her parents transferred her to an all-girls school during her final year of senior high school, where she met Vio, a career-minded and goal-oriented...