#COW part 45

49 1 0
                                    

"Bat dimo sinabi na may trap kang nilagay?" Tanong ni inferno sa akin,walang ganang tinapunan ko sya nang tingin.

"Bakit may sinabi ba silang maglalagay sila ng trap?" Napairap nalang sya dahil sa sinagot ko, hindi ko talaga maintindihan ang lalaking to! Kebaitbait sa totoong buhay pero dito ang sungit!

"Alam konaman na sinabi mona sa akin na ayaw mong pag usapan ang reality pag nasa VR tayo pero curios lang talaga ako eh. May sakit kaba?!" Pabalang na tanong ko sa kanya,nagtatakang tumingin lan sya sa akin.

Wag nya naman yung masamain,pero may topak batalaga sya!?

"Bat mo naman na sabi na may sakit ako?" Hindi makapaniwalang sabi nya, napakunot nalang din ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

May sakit kasi wala sa tamang pag iisip?

"Bakit ba kasi ang sungit mo?" Napa tsk! Nalang sya at tumingin nalang sa harapan kung nasaan sina Kamatayan.

"Paano kung sasabihin kong may sakit nga ako" mahinang sabi nya dahilan para mapatingin ako sa kanya ulit.

May topak ba talaga to?

"Bakit? May sakit ka talaga? Ano sakit mo,may tama sa ulo?" Sinamaan nya lang ako ng tingin pero naglaoy naging seryuso din ang mukha nito.

"Nasa bahay lang ako" sabi nya pa,nasa bahay kalang naman talaga pag walang pasok eh. Pwera nalang pag kasama mo ang girlfriend mo!

"Bibisitahin nalang kita at bibigyan nadin ng gamot,text mo nalang ako" naguguluhang napatingin sya sa akin. Nakaimutan nya na ba kung gaano ako kabait? Hindi konalang sya pinansin nang bigla akong tawagin ni Kamatayan.

"Dom! Halika nga muna dito" agad naman din akong tumayo at lalapit na sana sa kanya ng bigla nalang akong pigilan ni Inferno. Napatitig nalang ako sa kamay nitong nakahawak ng mahigpit sa akin.

"Anong sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong nya,napataas nalang ang kilay ko sa kanya.

"Bibisitahin kita?" Naguguluhang sabi ko at agad na tinanggal ang kamay nito dahil bigla nalang akong nailang.

Bat nanaman sya bigla biglang manghahawak ng kamay?

Lumapit nalang ako kay Kaichi na nakaupo lang sa gilid "Ano yun?" Tanong ko kaagad sa kanya at tumabi nadin sa pagkakaupo.

Tinignan nya ako ng seryuso "May gusto kaba sa kanya?"

"Ha?" Bigla nalang akong natawa sa sinabi nito,b-bat nya naman yun natanong.

"Mag gusto kaba kay Inferno?" Sasagot na sana ako sa kanya ng may parang plemang bumara sa lalamunan ko. Napatikhim nalang ako at hinarap sya.

"Bat naman ako magkakagusto sa kanya?" Sabi ko sabay tawa para matakpan ang kabang nararamdaman ko. Ito talaga ang hindi ko gusto pag maynagtatanong sa akin nang tungkol sa gusto gusto eh!

Kinakabahan ako kahit di  naman totoo!

Tinignan ko ulit si Kamatayan,seryuso padin ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Nag seselos ba sya?

"Bakit sa lahat lahat nang magugustuhan mo eh yung hindi mopa talaga kilala" seryusong sabi nya,napasandal nalang ako sa upuan at napatingin sa kisame.

"Hindi" tanging nasabi ko sa kanya,I know Kaichi. Masyado lang talaga syang over protective,he is my bestfriend anyway.

"Paano monamn yun nasabi?"

"Halata naman sayo Leigh,kilala kita kaya alam ko talaga kung may pagtingin ka sa isang tao" napatingin ulit ako sa kanya,so alam mong may gusto ako sayo?

Castle War Online (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon