#COW part 48

46 1 0
                                    

Kinuha ko na pana at tinapat sa target sa harapan,I use my dominant eye to target the red spot. But still,I cant hit it!

Napatingin ako kay Kamatayan na napipikon nadin sa kakatira nya doon,bat hindi ako nag search kanina kung paano gumamit ng pana?

Inayos ko nalang ulit ang pwesto ko at umambang tumira nang may bigla  nalang may humawak sa kamay ko. "Face upright with feet shoulder width apart" Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Unti unti ko syang nilingon na ngayoy mukhang nakayakap na sa likuran ko.

He is seriously looking at me.

"Just relax and allow your fingers slip backward in releasing the arrow." Hinawakan nito ang kamay ko sa may string at inayus ang pagkakahawak doon. Umiwas nalamang ako ng tingin at nag concentrate,dont mind your heart self!

"Ipantay mo ang kamay mo para straight ang pag lipad ng arrow, and after releasing stay in your position" Halos hindi na ako makahinga ng maayos nang mas lumapit pa ito sa akin para tumingin sa target.

"In targeting you should use your dominant eye" Napatango tango nalamang ako para mawala ang malakas na pagkabog ng dibdib. "Okay now,release" sabi nya at binitawan na ang arrow,napatingin naman sya doon sa harapan at malapit na nitong matamaan ang red spot. Tumango sya sa akin na kahit hindi konaman na kikita masasabi kung nakangiti at masaya ang mga mata nito ngayon.

"Not bad" unti unti na syang lumayo sa akin kaya unti unti nadin akong nakahinga ng maayos, ngumiti ako ng alinlangan sa kanya at tumango.

Wag kangang magpahalata!

"A-ah salamat pala" nahihiyang sabi ko at umiwas na agad ng tingin,hindi na ito nag salita pa at bumalik nalang din ito sa pag e-ensayo.

Malakas na humagip ako ng hininga at napasandal nalang doon sa may puno. Pinakiramdaman ko ang puso ko at patuloy padin ito sa pagtibok ng malakas. Bakit kasi sa lahat na pwedeng magturo sa akin sya pa?

"Dom! Pwede naba akong magpaturo sayo?" Nang aasar na sabi ni Kamatayan kaya sinamaan konalang sya ng tingin. Isa panaman ito sa may pa 'Siguraduhin mo lang ang pagpili Dom!' Pero tignan mo ngayon ang lakas ng mang asar!

Inismaran konalang sya nang mahagip ng paningin ko si Kite,lumapit ito kay Inferno at sigurado akong magpapaturo sya dito.

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin ulit sa pana ko....
Siguradong problema nanaman to.

"Bakit sasabak na kaagad tayo sa Quest?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila,seryuso?! Eh katatapos lang namin sa training ah? Hindi ba sila napagod?

"Oo nga naman,hindi naman din ako kahoy para di mapagod" Sabi pa ni Blade,napatingin nalang ako sa kanya.

Sa kahoy pa talaga ah?

"Atyak-"

"Tama na,hindi mahaba ang natitirang panahon natin bago magsisimula ang finals. Gusto nyoba na doon pa talaga tayo matatalo?" Natahimik naman kaming dalawa ni Blade dahil sa sinabi ni Kite.

"Tatlong araw lang ang ensayo natin kaya kaylangan na nating magmadali,at isa pa pagkatapos nito maglalagay pa tayo ng mga gagamitin natin para sa battle" nagkatinginan nalang kaming dalawa dahil sa nadinig.

Hindi lang pala hanggang dito ang kapaguran na to!

"Kayong dalawa pa nga ang bagohan dito kayo pa ang may ganang mag reklamo,kaya sumunod nalang kayo" Seryusong sabi ni Kite sa amin bago sya tumalikod. Ang sungit talaga ng babaeng to! Bakit pa sya humingi ng pasensya sa akin sa pagiging masungit nya eh ganuon din naman sya sa kasama ko.

Napasimangot nalang kami at sumunod nalang sa kanilang dalawang Inferno. Magsama nalang silang dalawa,sila naman ang mga masungit dito eh.

"Haba ng nguso mo! Hindi kabagay" sinamaan konalang ng tingin si Kamatayan na nakangising aso nanaman sa akin habang tinuturo yung dalawa sa harapan,nakita naman yun ni Blade kaya agad na nakiusyo.

Castle War Online (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon