Chapter 13

15 12 0
                                    

"Ito nalang kaya?... oh ito? Pero maganda 'to paggabi e."

Para akong tangang nagsasalita habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang dress na nasa kama. Alas-tres palang ng hapon at mamayang alas-otso pa ang date namin ni Rathan, pero ngayon palang namo-mroblema na ko sa susuotin.

"Anong meron? May date ba tayo? Hindi ako na-inform." Hindi ko pinansin si Vincent, kinuha ko 'yung damit sa kama saka humarap sa salamin para tingnan kung ano bang mas bagay sa akin.

"Mag-aayos na rin ba k--"

"It's my date with Rathan... so shut up." Usal ko bago ipinasok sa cabinet ang isang dress at pinili ang rosy pink na dress.

"What time? Ihahatid kita." Aniya saka umupo sa gilid ng kama habang nakatingala sa 'kin.

"He will going to fetch me." Taas ang kilay na sagot ko. Bigla namang nalungkot ang mukha nito and then he pouted.

"Iiwan mo ko? Sinong kasama ko rito?"

Parang biglang lumambot 'yung puso ko sa mga tingin nito. Natahimik ako at diretso lamang na nakatingin sa mga mata niya. Bigla itong napayuko saka marahang tumayo.

"You know what?" Muli itong nag-angat ng tingin saka ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa niya. "I'm jealous... kahit na alam kong kaya kong higitan 'yung mga effort niya sa 'yo, I'm still jealous. I can't make a move... because I'm afraid that you might just ignore it and focuse on him."

Napalunok ako at natigilan sa sinabi niya. He bit his lower lip bago siya muling umupo sa kama.

"Don't convince me to--"

"To believe me?" Ngumisi ito saka isinandal sa kama ang dalawa niyang kamay. "I'm not."

Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata saka ito hinarap.

"Really?" Ilang beses itong tumango bago tumayo tumayo at ayusin ang buhok ko.

Fudge. This is awkward. My knees.

"Share ko lang. Just so you know." He cupped my cheeks na mas lalong nagpanginig sa tuhod ko.

"Distance, Vincent." He lifts his hands and moves backward.

"Alam kong may pag-asa pa ako sa 'yo, Jushel. We've been together for how many years. Alam kong hindi pa burado... hindi pa burado nang tuluyan 'yung pagmamahal mo sa 'kin. Kaya hindi ako tumitigil. If you would ask me why? Kampante ako sa sarili kong nariyan pa rin ako sa puso mo. I won't give up."

Ilang lunok ang nagawa ko bago ito muling lumapit sa 'kin at hinalikan ako sa noo saka ito lumabas. Napabuga ako ng hangin saka napahawak side table nang tuluyang manghina ang mga tuhod ko.

'Why are you being like that? Again?'

"If you would ask me why? Kampante ako sa sarili kong nariyan pa rin ako sa puso mo. I won't give up."

"Jushel?"

"H-ha?" Napakurap-kurap ako saka siya nilingon.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Rathan. Napayuko ako dahil alam kong kanina pa ito nagsasalita pero ni-isa ay walang pumasok sa utak ko.

"Ahm... sorry medyo, kinakabahan lang." Yeah I lied. How dare you, self.

"I thought there's something bothering you."

"Ah wala naman, medyo kabado lang. Ito kasi 'yung talagang masasabi mong date, kaya nakakakaba."

"Don't be." Natatawang aniya saka nag-focus sa pagmamaneho.

Living without Us (Living Series 1)Where stories live. Discover now