▪ 014

98 6 0
                                    

REESE

Damit check, charger check, uniform check, recipe notebook check, phone check, backpack sa school check, lotion check, polbos check.

Ano pa ba kulang hmm.......AHA earphone!

Kinuha ko sa drawer yung earphone na regalo saken ni Mama nung 15th birthday ko. Tanging itong earphone lang ang tumagal saken ng taon!

Oo taon!

Agad ko iyong nilagay sa maleta kong maliit at sinara ito.

Ngayon.....ready na ako pumunta sa Loreil residence hik hok.

Ang yaman siguro nung mga Loreil noh. Antakin mo may sarili silang subdivison like sa isang subdivision nandon lahat ng kamag anak nila nakatira.

Ang yaman hue hue. Siguro ginto ang pagkain nila cHOur lang.

"Nak, nandito na papa mo!" rinig kong sigaw ni mama sa baba kaya agad kong kinuha ang phone ko at nilagay yun sa bulsa ng hoodie ko at dinala ko na ang maliit kong maleta pababa.

"Nandyan na ba lahat ng gamit mo nak?" tanong saken ni papa.

"Yup, nandito na po lahat, LAHAT." paninigurado ko at nag thumbs up.

"Oh, sya, wag kalimutang tumawag saken ha." paalala saken ulit ni Mama, kagabi pa kase yan sinasabi saken ni Mama HAHAHA.

"Opo. Boss." ani ko at niyapos si Mama at kiniss si Reezel sa pisngi.

"Ate..." cute talaga nitong batang toh..

"Bye, bye muna hmm." ani ko at pinisil ang kanyang pisngi, saka lumabas na kame ni Papa sa bahay.

"Ay wao! Shala papa may pa kotse!" gulat kong sinabi nang makita ko ang isang black na kotseng nakaparada sa tapat ng bahay namen.

"Talaga tong anak ko." napailing nalang saken si Papa. Pumasok na kame sa loob ng kotse at nag simula na mag maneho ang si Manong driver.

"Ganda pala ng anak nyo Chef....baka isa sa dalawang anak ni Mr.Loreil magkagusto dyan." ani ni Manong driver at napatawa nang bahagya.

"Nako! Walang interest sa genyan yung dalawang anak ni Mr Loreil kaya impossible mangyari yang iniisip mo Ghery." ani ni Papa at napatawa nalang din.

Hayst, may dalawang lalake nga pala dun.

Nakukwento saken ni Papa ang apat na anak nila Mr and Mrs Loreil. Pero hindi nito nababanggit ang pangalan basta daw ang panganay na anak eh fourth year college maloko daw toh tas malakas mang asar.

And yung dalawang anak daw na babae eh grade 12 tas palangiti, makulit, at may pagka maloko pero mabait daw and magaling halos sa lahat pwera lang sa pagluluto.

Tas ang bunso daw na anak eh maloko, sobrang talino daw, makulit at mahilig kumain.

"Matulog ka muna nak. Isang pa oras ang byahe." ani ni Papa kaya ako eh sumandal muna sa may bintana at ipinikit ang mata ko.

Pupunta na ako sa dream land ko.

• • •

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon