▪ 032

102 11 3
                                    

REESE

"Reese?" bumalik ako sa realidad at nakita si Matheo na nasa may pinto ng bahay nila.

"Yes? Bakit?" tanong ko.

"Uhm...may gagawin ka pa ba sa labas?" tanong nya. Anong pinagsasabi nito?

"Huh?"

"Kanina ka pa dyan, walang kibo. Ano? May nakalimutan ka ba? May hinahanap ka ba? I can help you with it." mahinahon nyang sinabi.

"Are you gonna come in or not?" dugtong na tanong nya.

Pakisampal nga ako, please. Muntanga siguro ako kanina. Pakisampal.

Sumunod ako sakanya at sabay nameng hinawakan ang right na door knob dahilan para mapa flinch ako kase—Ano— Argh! I mean nahawakan ko kamay nya tas parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

"Sorry." bulong ni Matheo dahil ang lapit namen masyado to the point na naaamoy ko yung tshirt nya.

Lapit namen masyado.
Lapit namen masyado.
Lapit namen masyado.

ANG LAPIT NAMEN MASYADO!

Aatras sana ako kaso bigla akong may tapakan kaya na out of balance ako buti nalang ay nandito si Matheo, pinalupot nya ang kamay nya sa bewang ko, preventing me from falling.

At the same time bumukas ang pinto kaya lumingon kame ni Matheo at nakita namen si papa na mukhang nagulat, sila ate Sam na mukhang nagulat rin pero biglang napangisi.

Naghiwalay kaagad kame ni Matheo at umayos kame ng tayo habang nakatungo.

"Ginabi ata kayo ngayon." salubong samen ni papa, nag mano ako sakanya ganon din si Matheo saka kame pumasok sa loob.

"Kumain lang po kame sa café ni Matheo papa hehehe~" ani ko pero bingyan lang ako ni papa na 'Hindi-ako-naniniwala' look. Lumabas nanaman  pagka stricto ni papa hayst.

"Sorry po chef Rim...sila mom po ba nakauwi na?"

"Hindi sila makakauwi ngayon sir Math dahil nasa overseas sila. Kanina lang sila umalis." ani ni papa na ikinatango ni Matheo.

"Kanina pa nagaantay sila ma'am Sam sayo." ani saken ni papa kaya napa peace sign nalang ako. Pumunta ako sa kusina at naramdmana kong sinundan ako nila ate Sam.

Kinuha ko yung cabinet sa apron...wait parang mali...

Ayy...tanga. Kinuha ko yung apron sa cabinet kase 'yon.

Habang tinatali ko 'to ay kinausap ako nila ate Sun about sa kung anong lulutuin namen hanggang sa iniba nila ang topic.

"Musta date?" agad akong lumingon at nag ekis na sign.

"Date? Hindi po 'yon-"

"Sus! Date 'yon!" pagpipilit ni ate Sam.

Date? What the hell? Kumain at namasyal lang date na kaagad?

May nag 'ehem ' kaya sabay sabay kameng lumingon at nakita si Matheo pati si papa.

"Papanoorin namen kayo magluto." ani samen ni papa at naupo katabi ni Matheo.

"Nakakatakot naman si chef huhu~" bulong saken ni ate Sam na ikinatawa namen ni ate Sun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon