▪ 018

85 11 0
                                    

REESE

"Okay tara na-Anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong.

Pagkalabas na pagkalabas ba naman namen ay bumungad agad saken eh si Matheo na nakasandal dun sa poste ng school namen kasama ang apat pang lalake.

"Omg! Am I seeing things not to mention ang gwapo nilang lima especially that tall one!" bulong ni Maggie na napakurap pa.

"Hindi ba sya si Mr Pogi?" rinig kong bulong ni Heaven.

"Hinihintay ka malamang." ani nito at naglakad papalapit samen.

"Hakdog, Reese, anong nangyayari?" tanong ni Maggie.

"Long story hehehe kwento ko pag may time." ani ko at napakamot sa batok.

"Ahh...nga pala Matheo baka gabihin ako ng uwi gagawa pa kame project eh." ani ko kay Matheo.

"Akala ko tuturuan mo sila Ate magluto?" shems! Nga pala jusko po pano yan.

"Gento nalang. Meron akong solusyon dyan." singit nung isang maliit na lalake hindi naman maliit sadyang sya lang ang pinakamaliit sa kanila, uhm parang pamilyar toh.

Ahh...sya yung kasama ni Matheo nung isang araw yung tinuro kame.

"Ano naman ang solusyon mo ha?" tanong nung isang matangkad na katabi nito luh pamilyar din toh saken.

Sya yung nakasabay ko nung isang araw sa tricycle yung late ako!

"Punta nalang kayo sa bahay ni Matheo. Doon nyo nalang gawin project nyo tas habang ginagawa nung iba project nyo. Si Reese tuturuan yung ate ni Math na magluto tas yung niluto nito pwede nyong meryenda oh dba talino ko. Nga pala ako si Trent, Trent Johnson at your service." salaysay nito.

SYA YUNG NAG KAKACRUSH KAY
JELLY !

"Papansin ehem kay ehem crush." rinig kong sinabi nung katabi nito habang nalingon lingon sa ibang direksyon.

"Bakit ka natawa?" tanong ko kay Maggie na bahagyang napatawa.

"Wala, wala just saw something hilarious." ani nito at napakagat nalang sa labi. Preventing herself from laughing I guess.

"So ano sa tingin nyo?" tanong ni Trent samen.

"Okay lang ba sayo Matheo ?" tanong ni Jelly.

"Syempre! Okay na okay yan kay Matheo hindi ba Math?" sagot ni Trent.

"Oh! Syempre naman. Si Trent kase talaga ang may ari ng bahay eh." sarcastic nitong sinabi kaya napatawa kameng lahat pwera lang sa tatlo na kanina pa tahimik.

Si Vivien at ang dalawang kasamang lalake ni Matheo.

Pero nah, tahimik naman kase talaga si Vivien, sya ang mahinhin sameng mag totropa.

And the mother of the group.

Pero ang ano lang kase you know parang somethings off sakanya wala lang feel ko lang siguro I am being weird again.

"Saan ba bahay nyo?" tanong ni Jelly.

"Sa may Loreil Subdivision sila. Isang oras byahe pero pag wala masyadong sasakyan 30 mins lang." sagot nung Trent halatang may crush nga kay Jelly.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon