Chapter 5

190 49 0
                                    

Lexie's Pov

Isa na naman ang nawala sa'min, tulad ng ginawa namin kay cossiana, hindi kami nagsumbong, nilibing at dinasalan na lang namin ang bangkay ni uno.

Lalabas na sana kami, pero bigla na lang nagsarado ang pinto ng room.

"Opps, at saan kayo pupunta?, dahil boring, dito kayo titira hanggang sa mapatay ko kayo lahat hahahaha"-Killer

Pero, teka! Tama ba yung narinig namin, na dito kami tirira?, hindi pwede paano sila mom and dad, siguradong mag-aalala sila.

"Nababaliw na ba talaga siya"

"Mamatay tayo sa gutom"

"Mag-aalala sina mom at dad"

Yan lang ang ibang nariring kong bulong ng mga kaklase ko.

Sinubukan naming buksan ang pinto, pero ayaw bumukas nito.

"HAHAHA kahit anong gawin noyo hindi niyo mabubuksan nah pintong yan"-Killer

Siguradong wala na ring mga studyante ang nandito, dahil may fieldtrip sila, Start section lang naiwan dito, Dahil sa susunod na linggo pa ang fieldtrip namin.

"Hahaha wag kayong mag-alala may mga makakain kayo dito, Diba ang bait ko pa hahaha"-Killer

Pagkatapos niyang sabihin yun, bigla na lang siyang nawala, sino ba talaga 'yon, bakit niya ginagawa sa'amin ito.

Cierà's Pov

Wala pa rin kaming hinala kung sino ang pumapatay samin, siguro nga ay tama sila, na isa samin ang pumapatay.

" Cie? Sino sa tingin mo ang killer?"-Zayron

"Hindi ko alam zay, mahirap magbintang."

"Okay ka lang ba?" -Zayron

"Okay lang ako, wag kang mag-alala"

"Sinong nagsabing nag-alala ako? Nagtatanong lang ako"- zayron

" Ayyiieee bakit ka namumula diyan, zayron?"-Patricia

"H-huh? Ako namumula? hindi kaya"-zayron sabay iwas ng tingin sakin, ngumiti na lang ako.

" Guys? Anong oras na"-Biglang tanong ni krixe

"Sh*t walang signal, Pasado alas otso na ng gabi"- Tyler

" Oo nga, walang signal"-Dmitri

"Guys, kailangan na nating magpahinga"-Zendrix

" Paano tayo magpapahihinga, ang lamig ng tiles, siguradong lalagnatin tayo nito."- Aishy

"Girls maghanap ng pwedeng panglatag sa tiles alam kong maraming mga kurtina ang nasa cabinet natin, Boys ipagilid ang mga upuan, ipatong patong ang mga table natin, para magkasya tayo lahat dito"-Zendrix

Ginawa namin ang sinabi ni zendrix, maraming kurtina ang dinala namin at nilatag sa tiles, dinalawa namin ang kurtina para di malamig ang ibang kurtina naman ginawa naming kumot.

" Guys, mag pray muna tayo bago matulog"- Chelsea

"Lord, sana po gabayan niyo kami, sana po wala ng mababawas saamin, kahit napakaimposibleng mangyare ito. Lord, thank you sa lahat lahat ng biyaya at buhay na ibinigay mo sa amin, kung nasan 'man po ang aming mga magulang, bantayan niyo na lang po sila para sa amin"-Mochi

Room 013: The 13th floor |✓ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now