Chapter 11

263 38 4
                                    

Chezka'z Pov

Pinili ko yung dare para naman may exciting yung laro puro sila truth eh. Di sila nan may jowa sila na may lovelife.

Habang naghahanap ako ng puting bato dahil yun ang utos ni Zake the kumag.

Tumaas bigla yung balahibo ko pakiramdam ko may nakatingin sakin. Tumingin tingin ako sa paligid ng may nahagip ang mga mata ko.

Sinundan ko ang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok. Akala ko ba kami lang ang studyanteng nandito. Sino yung babaeng nakita ko.

Sinundan ko lang siya ng sinundan. Pumasok siya sa isang room kaya pumasok din ako doon. Kinakabahan ako pero tinuloy ko lang baka makakatulong siya sa amin.

"Miss? Nasan ka? Miss?"

Tinawag ko siya pero walang sumagot. Nilibot ko ang pinasukan ko isang bodega na puno ng mga lumang libro ito siguro ang old library na sinasabi ng ibang studyante. Tumaas ang balahibo ko ng narealize ko kung asan ako. May balita dati na may nagpakamatay daw ditong babae. Sabi nila di lang daw pinatay ginahasa pa raw nila. Lagi raw nagpapakita ang babaeng nakaputi sa mga studyante pumupunta dito. Kung sino man ang nakakapunta dito maaring di na daw makakalabas ng buhay.

Tangena ang babaeng nakita ko is yung babaeng nagpapakita sa mga studyante na napapadpad dito.

Lalong tumayo ang balahibo ko ng lumakas ang hangin. At nakita ko ang babaeng naka puti. Ang ganda niya. Ang mga mata niya puno ng lungkot at galit.

"Anong ginagawa mo dito?"-Whitelady

Tumaas ng sobra ang mga balahibo ko at parang hinahabol naman ang puso ko sa sobrang bilis nito.

" N-nakita k-kasi k-kita. Sinundan kita kasi akala ko isa ka sa studyante ng STU. A-akala ko k-kasi ikaw na ang tutulong para makalabas kami sa lugar na to"

"Sa tingin mo tutulungan ko kayo? Wala kang karapatang pumasok sa lugar pag-aari ko. Isa kang hangal"

Sa isang iglap lang nasa harap ko na siya at hawak hawak ang leeg ko.

"B-bitawan m-mo a-ako. P-parang a-awa mo na."

Naiiyak at nahihirapang sabi ko dahil sobrang higpit ng pagkakasakal niya.

"Alam mo bang wala pang lumalabas ng buhay dito? Ikaw na ang susunod."-WL

Room 013: The 13th floor |✓ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now