KABANATA XIV

2K 98 2
                                    

Things now are getting messy than ever. Nasunog ang ilang parte ng simbahan. Tagilid ang kalagayan ni Emman. Puno ng pangamba ang mga tao. Lalong lumalakas ang banta sa buhay ni De la Vega at mas mahigpit ang seguridad kaysa dati. Nagsisimula na talaga sila. The real fight has begun. At hindi pwedeng wala akong gawin. Kahit wala pa si Carlos, kailangan ko nang kumilos. Let's start the plan smoothly.

Mula sa insidenteng nangyari ilang araw na ang nakakalipas, naging tahimik ang buong bayan. It was like a dull and dark day everyday I wake up. Parang nababalot ng madilim na kahapon ang bawat umaga. Hindi ko rin naman masisisi ang mga tao, that's natural to be afraid kung may ganitong pangyayari. Pero sa tulad kong sanay na ganitong uri ng pangyayari, there's no room for fear. Dapat wala. Yeah, I admit it. There's also fear here inside me. Pero kailangan talaga maging matapang ka.

THIRD PERSON'S POV

Nakatayo at tahimik na pinagmamasdan ni Isabel ang labas ng hacienda na magkakrus ang mga braso. Nag-iisip ng maigi sa mga bagay-bagay. Hindi niya napansing kanina pa nagtataka ang mga kasama niya sa kaniya.

'Kakaiba talaga ang binibining ito.' sa isip ni Rafael. Hindi niya lubos maisip na may kagaya niyang binibining dinaig pa ang isang ginoo sa pakikipaglaban at katapangang taglay.

'Talagang bukod tangi ka, kaibigan kong Isabel.' di mapigilang mapangiti ni Rosa sa kaniyang kaibigan dahil talagang di siya pangkaraniwang binibini. Sa kaniyang tindig at kilos, siya ay bukod tanging babae. 

'Hindi nga ako nagkamali sa iyo, Isabel.' masayang pinagmamasdan ni Doña Celestina si Isabel na nalunod na sa pag-iisip. Natigil lamang sila ng bumukas ang pinto at punasok si Martin.

"Oo.. Martin anak." bungad ng kaniyang ina.

"Hinigpitan ko ang seguridad ng buong bayan. Bawat kanto ay pinadalhan ko ng guardia civil upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan." sabi niya sabay upo. Habang sila Rosa at Rafael ay sumunod rin sa upo ngunit nanatili lamang si Isabel sa kaniyang pwesto. Hindi na iba si Rafael at Rosa kay Martin dahil hindi lang tagapagsilbi ang turing niya sa mga ito kundi kaibigan. Simula nung sinabi iyon ni Martin sa kanila ay hindi nila maiwasang mamangha sa kabutihang loob nito. Kaya hindi sila nagdadalawang isip na tulungan ito sa anumang bagay.

"Kailangan na nating mapigilan ang paglala ng mga pangyayari. Dapat na nating matugis ang ugat ng sigalot na ito." seryosong sabi ni Martin.

"Kung ganoon Gobernador-Heneral, kailangan natin bumuo nang mainam na plano." kusang pagbibigay ng solusyon ni Rafael.

"Humingi tayo ng tulong sa mga Hermañes o kay Fernando Ibañez. At sa iyo pang mga kaibigan anak." giit naman ni Doña Celestina.

"Hindi iyon maaari." biglang sabi ni Isabel at tumingin sa kanilang direksyon. Nagtataka naman sila sa kaniyang sinabi.

"Paumanhin sa inyo Doña Celestina at Martin. Ngunit wala akong tiwala sa mga iyon." direktang sabi niya na naglakad patungo sa kanila para umupo.

"Hindi mo sila lubusang kilala kaya't hindi mo maaaring husgahan sila." kontra naman ni Martin. Maging sila Rosa ay nagtataka sa sinabi ni Isabel. Ngunit batid nilang seryoso ito sa kaniyang sinabi.

"Kagaya ng sinabi ko noon De la Vega, maaaring nasa paligid mo lamang ang siyang nagtatangka sa iyo." seryosong sabi ni Isabel na ikinainis ng bahagya ni Martin. Hindi niya ito maintindihan kung bakit paiba-iba ang tawag nito sa kaniya.

'Sandali lamang! Ano ba ang iyong iniisip Martin! Maghunosdili ka nga!' sita niya sa sarili pagkat naiinis siya sa kaniyang sarili dahil naiisip niya ito sa gitna ng maapnganib na pangyayari sa kaniyang paligid.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Where stories live. Discover now