KABANATA XV

2K 103 6
                                    

Hi! Kumusta kayo? Keep safe everyone!

--

BRAVE'S POV

"Where are you?" napamulat ako nang narinig ko ang boses ni Carlos sa isip ko. Matinik din ang mga ito ha. Nanghina ako sa pangbubogbog nila sa akin. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko kahit nakasandal lang ko dito sa pader ng pinagkulungan nila sa akin. Segurista din ang iyon ah! At talagang ginapos pa ako.

"Nasa madilim na lugar." sagot ko.

"Anong madilim? Be specific, Anderson."

"Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta madilim dito. Nakakulong at nakagapos ako kaya di ako malayang makakagalaw."

"Okay ganito na lang. Sino ang mga kasama o ang kumuha sa iyo?" wala ba itong common sense? Eh obvious na kaya.

"Alam mo na ang sagot dyan Carlos." sabi ko habang pinipilit na imulat ng maayos ang mga mata ko. Liwanag mula sa buwan ang nagsisilbi kong ilaw dito sa loob. Nakakabinging katahimikan ang kasama ko dito sa loob.

Natutulog lang ako ng mahimbing eh! Mga walang hiya ginising ako ng mga ito! Muntik ko nang malaglag ang sarili ko sa kanila buti na lang at naagapan ko pa. Kung tutuusin, kaya ko naman talagang matalo sila noong gabing iyon. Pero kasi sinabi nilang napapalibutan nila ang buong hacienda at kapag hindi ako sumama lagot na! I can't risk innocent lives. Kaya wala akong choice kung di ang sumama.

At ang malupit lang naman, pinagbubugbog ako nang mga ito para mapaamin nila ako. Ang tanong ko nga sa kanila 'Ano ba ang aaminin ko?'. Eh kung gusto lang nila ng magsabi ako ng mga nalalaman ko. No way. Ano sila? Sinuswerte? Ako nga ilang beses pumalya at nagpakahirap para maging pulis sila pa kaya na mga rebelde. Ang hinihintay ko lang eh ay ang lumabas na ang ama ni De la Vega sa kaniyang lungga. Eh parehas lang sila ng tatay niya, mga pagong at ang bagal.

"Makinig ka Isabel. Hintayin mo ako dyan at we'll get you out from there." dagdag niya pa. Sandali...

"We'll? May kasama ka?"

"Si Martin. He generated an escape plan. Kaya sumali na ako." wow ha! May nalalaman pang escape plan? Ano kayo mga agents?

"Alam mo Carlos, bibilib na sana ako sayo kung di ka lang tanga." Tsk! Eh sa kung hindi lang siya tanga at gamitin na lang ang teleportation. Kinulang rin pala ito!

"Hoy! Alam ko yang iniisip mo kahit di ko nababasa. Oo it will be more easy pero may kailangan din akong kumpirmahin kaya ko ito ginagawa."

"Eh kung gamitin mo na lang ang kakayahan mong mambasa ng isip? Mas gagaan pa buhay mo."

"Tumahimik ka na. Nandito na kami sa labas."

"Okay. Goodluck." walang gana kong sabi at pumikit na lang ulit. Makatulog na nga lang.

--

Nagising ako sa isang kwarto. Galing ah! Naligtas talaga nila ako. They deserve an applause! Ano kaya ang escape plan na iyon ni De la Vega?

Bumangon ako habang hawak ang ulo ko. Masakit kasi. Kanino ba itong kwarto? Anong oras na kaya kasi gutom na ako.

"How long have you've been there?" di ko namalayang nasa gilid lang pala itong si orasan.

"Huh? Asan tayo?" balik kong tanong.

"Nasa bahay niyo." anong bahay? Eh wala naman akong bahay dito sa pana—

"Did I came back?" nanlalaki ang mga matang sabi ko na may halong kaba na di alam kung bakit. Nakatingin lang sa akin si Carlos, and he's badly serious.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Where stories live. Discover now