CHAPTER 9:

50 6 0
                                    


NANG balingan ni Elisha ang binata, nakita niyang nakamasid si Isaiah sa kanila. Kinindatan siya ng binata saka binigyan ng thumbs up sign at ngumiti ng malapad sa kanya.

Okay, That Prince did it! Isang nagpapadagdag sa akin nang iisipin ang ungas na yun. Anu ang karapatan niyang pangunahan ang desisyon ko? Ayaw kong bumili ng kahit ano, bakit ba niya ako pinipilit? Oo na, sabihan man akong isang napakalaking tanga sa pagtanggi sa grasya na ibinibigay ng prinsepeng yun. Pero may prinsipyo rin naman ako. Hindi katulad ng ungas kong kuya na balak atang limasin ang laman ng department store na to. Ani ni Elisha sa kanyang isipan patungkol sa binatang si Isaiah.

Saka sumugod si Elisha papunta sa kinaroroonan ng binatang si Isaiah. Ibinuka niya ang bibig para paulanan si Isaiah ng patutsada pero bago pa man si Elisha makapagsimula ay nginitian siya ng binata saka pinigilan niya ang bibig ng dalaga na magsalita.

"Sandali lang, Elisha." Pigil ni Isaiah kay Elisha na magsalita. "Before you say anything, I want you to know that I consider Elijah my Dearest and Closest friend. We haven't seen each other for a long time but I think of him as a friend more than the ones I get to see everyday in Monaco. As such, it gives me joy to see him happy. Dati pa ay ganon na ako. Hilig kong mamigay ng regalo sa mga taong malalapit sa akin." Mahabang paliwanag ng Binatang si Isaiah sa kay Elisha.

"Okay." Ani ni Elisha sa kay Isaiah. Marami siyang isagot sa binata pero parang mas pinakadiplomatiko ay ang sinabi niya.

"But you're not buying anything." Ani ni Isaiah kay Elisha

"I don't need anything at the moment, thank you." Sagot ni Elisha sa binatang si Isaiah.

"Please humor me. Kahit ano lang, bumili ka. Or just accept what that nice lady chose for you." Ani ni Isaiah sa kay Elisha. Pero tinaasan lang siya ng kilay ng dalaga.

"No thanks, Hihintayin ko na lang siguro kayo ng kuya ko sa labas." Ani ni Elisha saka tinalikuran niya si Isaiah.

Pero bago pa man siya makaalis sa department store ay hinawakan ni Isaiah ang kamay ni Elisha. Napatingin ang dalaga sa kamay niya na hinahawakan ni Isaiah at may kung anung kuryente ang dumaloy sa kamay niya papunta sa kanyang katawan.

"Sandali!" Pagpigil na sabi ni Isaiah sa dalagang si Elisha.

"Anu? Pwede ba wag mo na akong Pilitin pa dahil wala akong bibilhin." Ani ni Elisha sa kay Isaiah. "Yung kamay ko." Dagdag pang sabi ni Elisha sa binata.

"Sorry!" Ani ni Isaiah kay Elisha.

Maybe Elisha was overreacting. O baka nga mali ang reaksiyon niya.

Kung tutuusin, wala namang ginagawang masama sa akin si Isaiah. Kabaliktaran pa nga iyon. Isaiah was showering to me and my Kuya Elijah with gifts. For heaven sake Elisha! It was hardly considered a crime. Kaya bakit parang bad trip na bad trip ka sa kanya? Pagsasabi ni Elisha sa kanyang sarili.

Isaiah flaunted his wealth. Kung gumasta ang binata ay ipinangangalandakan niya na animo ay balong walang hanggan ang pagdaloy ng pera nito.

Parang ganon kasi ang dating sa akin eh, pero pwede namang huwag iyong ipahalata, hindi ba? Kailangan talaga ipahalata? Haist, Prinsepe nga ang ungas. Ani ni Elisha sa kanyang isipan patungkol sa binatang si Isaiah.

Naiinis si Elisha sa mga taong ganoon. Kaya siguro sing lalim din ng balon ang iritasyon niya sa binata. Nagtatatalak siya sa kanyang sarili habang naglalakad siya palabas ng department store. Dahil don kaya hindi ni Elisha napansin na may kasalubong siya. Nabangga niya ang isa sa dalawang lalaking akmang papasok sa department store.

"Oh, Sorry." Bulalas ni Elisha sa lalaking nabangga niya. Napatingin naman sa kanila ang security guard na nakaistasyon sa pinto.

"It's alright." Anang lalaking nakabangga ni Elisha.

Kapagkuwan ay may ibinulong ito sa kasama. Tumango ang isa pang lalaki. Nginitian pa si Elisha ng lalaking nakabangga niya bago ito umalis. Hindi na itinuloy pa ng dalawang lalaking ang pagpasok sa department store.

Dumarami ata ang baliw sa mundo. Ani ni Elisha sa kanyang isipan patungkol sa lalaking nakabangga niya.

Nag-ikot-ikot si Elisha sa ibang mga tindahan. Hanggang tinawagan siya ng kanyang Kuya Elijah. Napagkasunduan nila na magkikita na lang sila sa isa isang restaurant na nasa loob ng mall.

Naunang dumating sa kay Elisha sina Isaiah at ang kanyang Kuya Elijah sa restaurant na kakainan nila. Pagpasok niya ay nakaupo na ang Kuya Elijah niya at si Isaiah sa mesa. Ipinag-order na rin siya ng kanyang Kuya Elijah.

The food was great. Lalo pa sigurong pinasarap ang pagkain ng katotohanang gutom na talaga si Elisha. Hindi man siya namili ay napagod pa rin siya sa pag-iikot... at sa pagkakainis sa binatang si Isaiah.

Nang matapos sila sa pagkain ay nagsabi si Elisha sa kanyang Kuya Elijah at kay Isaiah na mauuna na siyang umalis.

"Mauna na siguro ako sa inyu, Kuya. May dadaanan pa ako sa Shop ko eh." Pagpapaalam ni Elisha sa kanyang Kuya Elijah saka siya ay tumingin kay Isaiah.

"Oh, there's no need for you to do that." Ani ni Isaiah nang matapos kumain. "Ipapahatid ko na kayo uli sa driver." Dagdag pang sabi ng binata kay Elisha saka ngumiti.

"Paano ka niyan, Dre?" Tanong ni Elijah sa kay Isaiah.

"I have my own ride, Dre. May dadaanan pa ako so thanks for coming." Ani ni Isaiah sa kay Elijah saka tumingin kay Elisha at ngumiti ng malapad.

Kanina ka pa nakangiti sa akin, Ungas ka ha! Kunti nalang talaga iisipin kong Baliw ka. Ani ni Elisha sa kanyang isipan habang nakatingin kay Isaiah na nakangiti na rin sa binata.

"Ikaw pa ang nagpapasalamat sa lagay na yan?" Tanong ni Elijah sa matalik na kaibigan. "Thanks, Dre." Dagdag niya pang sabi.

"You're most welcome, Dre. And don't forget tomorrow night, Okay?" Sagot ni Isaiah kay Elijah.

"I won't." Ani ni Elijah kay Isaiah saka ngumiti.

"Sama ka na rin, Elisha." Ani ni Isaiah kay Elisha saka ngumiti ng nakakaloko habang nakatulala lang ang dalaga sa binata.

Ang ganda ng pangalan ko kapag ikaw ang nagsasalita, Prinsepe ko! Ani ni Elisha habang nakatulalang nakangiti sa binata. Gosh! Anu bang iniisip mo Elisha, Tigilan mo yang ilusyon mo. Wag kang mahuhulog sa pangiti-ngiti niya at Wag na wag kang magkagusto sa ungas na yan.

Iisipin ko na talaga, Elisha na gusto mo ako kanina ka pa kasi sa akin nakatulala eh" dagdag na sabi ni Isaiah kay Elisha saka ngumiti ng malapad. "Ngiti ka ng ngiti sa akin."

"Anung sabi mo?" Tanung ni Elisha habang nakataas ang isang kilay.

"Sabi ko, Mag-ingat kayo." Sagot ni Isaiah sa dalagang si Elisha saka tumawa.

———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy

YOU and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon