CHAPTER 19:

39 4 0
                                    


NANG tumingin na si Isaiah sa Parating na linawag ay saka naman ang binata napasigaw.

"Hit the deck!" Sigaw ng binatang si Isaiah sa mga taong nasa yate saka tumingin siya sa gawi ng dalagang si Elisha.

Hindi agad ni Elisha nakuha ang tinutukoy. Napatulala pa siya sa reaksiyon ng binata. Bago pa man siya maka react ay naramdaman ni Elisha na may sumalya sa kanya. At the same time ay kinabig siya ni Isaiah papunta sa sahig ng yate, kaya ang pusisyon nila ay nasa ibabaw niya si Isaiah habang nasa ilalim naman siya. Napatulala lang ang dalagang si Elisha sa pangyayari dahil nga naman sa lapit ng mukha nila at nagkatinginan naman silang dalawa. At hindi niya alintana ang nagaganap sa paligid niya.

Gosh! Heto na namang puso to ang bilis ng tibok niya. Hinay hinay lang puso. Ani ni Elisha sa kanyang sarili.

Parang nagslow motion ang paligid  ni Elisha habang nasa ibabaw niya ang binatang si Isaiah. Animo'y parang naging isa ang pagtibok ng kanilang puso sa nangyayari at sa sitwasyon ngayun nilang dalawa.

Huhuhu, Rinig na rinig na siguro ngayun ni Isaiah itong kabog ng puso ko! Ani ni Elisha sa kanyang isipan.

Narinig ni Elisha ang sunod-sunod na putok ng machine gun. Nakita rin niyang nagtalksikan ang nangabasag na kung anu anu na tinamaan ng balang nagmula sa machine gun. Pati rin ang mga naggagandahang at nagsasarapang mga pagkain na nakahain sa gitna ng buffet table ay hindi na mapakinabangan. Ang ganda kung panu rumehisto ang mga bagay na yun sa kanyang isipan. Gayong kani-kanina lang ay hindi iyon gumana-gana nang ayos, na muntik pang ikapahamak niya.

Halos hindi si Elisha makahinga. Nakuha niya agad ang dahilan. Nakakubabaw pa rin sa kanya si Isaiah. Ang binatang si Isaiah ang dumamba sa kanya sa huling sandali. Kung hindi dahil sa binata, malamang ay siya ang unang nasapol ng mga balang nagmula sa machine gun.

Gosh! Nagpapasalamat talaga ako sayo, Isaiah kung di dahil sayo ay malamang nalagutan na ako ng hininga. Hala ka! Nasaan na kaya sila Kuya Elijah at Ate Athaliah? Kamusta na kaya sila? Okay lang kaya sila? May nasaktan kaya sa mga bisita? Sana naman ay wala.

Gustong alamin ni Elisha ang mga bisita sa mga nangyayari at kung anu na ang kalagayan ng Kuya Elijah niya at ang Ate Athaliah niya pero hindi niya magagawa dahil wala pangtigil at walang katapusan ang pagpapaputok ng bala mula sa Machine Gun.

Kasimbilis ng pagdating ng mga salarin ay ganun rin kabilis ang paglago ng mga ito. Pagkatapos ng malakas na ingay na nilikha ng machine gun ay sumunod ang nakakabinging katahimikan. Hanggang sa mahimasmasan ang mga nagulat na bisita.

"Are you okay, Elisha?" Tanung ng Binatang si Isaiah sa dalagang si Elisha. At tumango naman ang dalaga sa binata dahil pangyayaring kani-kanina lamang.

Pagkatapos ay tingnan si Elisha ng kabuuan ng Binatang si Isaiah ay umalis na ang binata sa pagkakubabaw sa kanya. Ang Kuya Elijah niya at ang Ate Athaliah ang una niyang inalala matapos ng pangyayari at kamustahin ang mga ito lalong-lalo na ang kanyang Kuya. Nang makita ni Elisha ang mga ito ay nakita niyang papatayo na rin ang mga ito.

"Okay ka lang ba, bunso'y?" Tanung ni Elijah sa kanyang kapatid na si Elisha.

"Elisha? Okay ka lang ba?" Tanung ulit ni Athaliah na girlfriend ng kuya Elijah niya sa kanya.

"Okay lang naman ako, Kuya at Ate Athaliah. Kayu kamusta kayo?" Tanung naman ni Elisha sa kanyang Kuya at Sa girlfriend nito.

"Okay lang kami. Dre Puntahan mo muna ang iba pang mga bisita kung may nasaktan ba." Ani ni Elijah sa kay Isaiah.

Pagkatapos ni Elijah sabihan si Isaiah ay saka inalalayang tumayo ni Isaiah ang dalagang si Elisha patayo. Nagkakagulo naman ang bisita. Nagpa-panic ang ilan, ang iba ay nagtatalo sa kung anu ang dapat gawin, ang iba pa ay may nakasalpak na cellphone sa tainga ng mga ito.

Nang makatayo na si Elisha ay nahagip agad ng paningin niya si Isaiah. Nag-iikot ang binata sa mga bisita, pinapakalma ang dapat pakalmahin, inaalam ang kalagayan ng mga bisita kung may nasugatan ba o wala. Saka tinungo ng binata ang kinaroroonan ng kapitan ng yate at ilang sandali lang ay nakalipas ay naramdaman ng lahat ang pag usad ng yate at nasa pampang na ang destinasyon nila. Pagkaraan ng ilang minuto ay kausap na nila ni Elijah si Isaiah sa loob ng isa sa mga cabin.

"Okay naman ang lahat ng mga bisita, Dre. Ang iba naman ay nakatamo lang naman ng maliliit na injuries, thanks goodness." Ani ni Isaiah sa kay Elijah habang hindi malaman laman ni Elisha ang nararamdaman ngayun ng binata. "My head of security has already coordinated with the authorities. Naghihintay lang sila sa pagdaong natin sa pampang para alamin ang mga nangyayari."

"Ikaw, Isaiah? Kamusta ka naman? Wala bang masakit sayo?" Sunod sunod na tanung bi Elisha sa kay Isaiah habang ngumiti ng marahan.

"Wala naman, Elisha. Okay lang naman ako. Ikaw nalala ko eh. Kung nasaktan ka ba?" Ani ni Isaiah sa dalagang si Elisha.

"Okay lang naman rin ako, Salamat nga pala sa pagligtas sa akin kanina." Ani ni Elisha sa kay Isaiah saka ngumiti.

"Tungkol don sa sinabi mo, Dre. Para sa ano pa?" Tanung Ni Elijah sa kay Isaiah. "Akala ko ba ligtas ka rito sa Pilipinas?" Dagdag pang tanung ni Elijah sa kanyang kaibigan na si Isaiah.

"Hindi ko nga rin alam, Dre eh." Napailing na sabi ni Isaiah sa kay Elijah. "And I hate to think what could have happened. Marami pa tuloy ang muntik nang madamay dahil sakin." Dagdag pang sabi ni Isaiah saka sapo sapo ang noo nito. Habang Nakikinig lang sa kanilang pag-uusap si Elisha.

"It's not your fault, Dre. Hindi mo naman alam na ganito ang mangyayari eh." Ani ni Elijah sa kay Isaiah.

"Tama nga naman, Isaiah. Wala mong dibdibin iyon." Pagsang-ayong sabi ni Elisha sa kay Isaiah.

"Salamat sa inyo, Elisha at sayo na rin Dre. Maya-maya ay malalaman din natin kung bakit nangyari ito lahat." Ani ni Isaiah sa kanilang dalawa ni Elisha at sa kaibigan nitong si Elijah saka ngumiti.

———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy

YOU and I Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang