CHAPTER 13:

48 6 0
                                    


PATULOY pa rin ang pag-uusap nilang dalawa nina Isaiah at Elisha sa kwarto ng dalaga Habang inaayos ni Elisha ang mga pinamili ng binata para sa kanya.

Umatras si Elisha palayo sa binatang si Isaiah. Anu bang ginagawa ng ungas na to sa kwarto ko, kanina okay naman ako. At nung dumating ang gagong to ay nag-iinit na ang ulo ko sa ginawa niya ngayun. Aba't sabihan ba naman akong nagdadakdak na asawa niya saka Ako? Concern sa kanya? At sinu naman siya? Ani ni Elisha patungkol sa binatang si Isaiah.

"Magbibihis na ako." Sabi ni Elisha sa kay Isaiah habang hindi niya ito nililingon sa likuran niya.

"Go ahead. I don't mind." Ani ni Isaiah na bakas sa tinig na nagbibiro. Pagbibiro na kong seseryosohin ni Elisha ay mukhang mas okay sa binata.

Anung go ahead. I don't mind. At sinu siya para gawin ko yong iniisip niya. Ani ni Elisha sa kanyang isipan. Nasaan na kaya ang kuya kong kumag? Bakit ipinaiwan niya pa rito ang kaibigan niya sa akin? Haist mapapatay ko talaga ito kung hindi ito titigil sa pagbibiro.

"Anu ka sinu swerte? Ha? Kahit boyfriend pa kita hindi kita papayagan. Kaya alis na!" Ani ni Elisha sa binatang si Isaiah saka tinaasan niya ang binata ng isang kilay.

"So may balak kang maging boyfriend mo ako? Ganon ba?" Tanung ni Isaiah habang ngumiting nakakaloko.

"Heh! Wala akong sinabing ganun, ungas ka! Ani ni Elisha saka kinutusan niya ang binatang si Isaiah. "Lumabas ka na nga. Gusto ko nang magbihis." Dagdag pang sabi ni Elisha kay Isaiah habang nakangiting aso lang ang binata sa kanya.

"Pwede bang pa score? Total pinagpaalam ka naman nakin sa kuya mo." Ani ni Isaiah saka umupo sa kama ng dalaga na para bang ready na sa magaganap habang nakangiti— ngiting nang aakit sa dalaga.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o hindi, haist hindi ko na alam kung nakikiayon pa ang puso ko sa utak ko. Bakit pa kasi dumating ang ungas na to sa buhay ko! Nagkagulo-gulo tuloy ang sistema ng buhay ko. Ani ni Elisha habang nakatingin sa binatang si Isaiah na nakaupo sa kama niya na nakangiti sa harapan niya ngayon.

"Maglaro ka ng basketball kung gusto mong maka score." Ani ni Elisha sa binatang si Isaiah.

Tumawa si Isaiah sa sinabi ni Elisha saka tumingin sa mga mata ng dalaga. "Binibiro ka lang eh. Nag-iinit na kaagad ang ulo mo. Chill young lady. Hindi yan nakakaganda sayo." Ani ni Isaiah kay Elisha saka kinindatan niya ito.

"Labas na. Chupe! Shoo!" Ani ni Elisha saka hinatak ang binata paalis sa kama at kinaladkad papunta sa pintuan ng kwarto habang nakangiti pa rin ang binata sa kanya.

"Oo na, lalabas na po." Ani ni Isaiah habang lumalabas sa silid ng dalaga saka ngumiti sa dalaga.

Minamadali ni Elisha na umalis ang binata sa silid niya pero hindi naman siya agad nagbihis. Tuminganga uli siya sa repleksiyon niya sa salamin. Saka inalala niya ang mga pinagsasabi ng binatang si Isaiah sa kanya kanina-nina lamang. Saka naalala niya ang party nito. Ayaw niyang dumalo pero may parte ng isip niya na nagsasabing dumalo siya. Balak niyang magmatigas pero sayang naman ang biniling damit ng binata kung itatago niya lang iyon.

"Elisha, bilisan mo mag bihis ah." Sigaw ni Isaiah mula sa labas ng silid ni Elisha.

"Oo, maghintay ka diyan." Sigaw ni Elisha habang nasa harap pa ng salamin.

Siguro, balang araw ay maisusuot ko rin ang damit na to sa okaston na dadaluhan ko. Pero bakit pa ako maghihintay ng balang araw gayung may nakatakdang paggagamitan naman ako ng damit na to! Chaka makikita ko pa si Isaiah, kung anu siya ka Gwapo sa suot niya damit. Ani ni Elisha habang nakangiti sa harapan ng Salamin. Naku po! Kung anu anu nang iniisip ko, Elisha tumigil ka na.

"Elisha! Wag mong kalimutan ang party sa sabado ah!" Sigaw na naman ni Isaiah sa kay Elisha.

O siya, siya, sige na nga! Pupunta na ako sa party. Hindi naman nakin siguro ikamamatay kung dumalo sa party ng ungas na yon.

"Oo na!" Sigaw ni Elisha sa binatang si Isaiah.

Bwesit na lalaking to, nagpupumilit pang dumalo ako sa party niya sigurado naman akong mabobored lang ako dun dahil mga ka batch lang nila ang dadalo. At sigurado akong engrandeng salo-salo iyon dahil nga naman prinsepe ang mokong.

"Elisha!" Sigaw na naman ni Isaiah sa dalagang si Elisha mula sa sala.

"Anu na naman ba?" Sigaw ni Elisha sa kay Isaiah.

Hindi sumagot ang binata kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-iisip. It was held in a yacht, for heaven sake! How grandiose could it be? What would it feel like to party aboard a yacht? It would be so cool, most probably. Ani ni Elisha sa kanyang isipan.

"Ang ganda mo pala nung bata ka, anu" Ani ni Isaiah sa kay Elisha na sa palagay ng dalaga ay pinakikialaman ang album sa sala.

Nakaramdam na naman si Elisha ng iritasyon. Pero sa pagkakataong iyon, hindi lang sa kay Isaiah kundi pari sa sarili rin niya. Naapektuhan na rin ba ako ng walang habas na pagpapakita ni Isaiah ng kapasidad na gumasta? Nagiging materyoso na ba ako? Haist at higit sa lahat eh naapektuhan na ba ako sa pinapakitang kabutihan ng mokong na isaiah na yun? Ani ni Elisha sa kanyang isipan. ANG OA MO! Girl!

"Ha-ha patawa ka, Isaiah." Ani ni Elisha saka mabilis na hinubad na niya ang suot na gown at lumabas na sa silid.

Napatingin ang binatang si Isaiah kay Elisha nang makalabas sa silid nito at ibinalik na sa mesa ang album na kanina'y tinitingnan niya.

"Tamang-tama ang labas mo, tara na?" Tanung ni Isaiah sa kay Elisha saka ngumiti ng malapad. "Dinner tayo! My Treat"

———
MisterSIMPLE19 • Kuya Jeboy

YOU and I Where stories live. Discover now