Fire 18

522 22 0
                                    

Drunk

"Rosie! Sandro!" I shouted for help when I saw Verm nearby. They immediately made their way to where Heathcliffe was lying.

Nakaupo ako sa gilid niya at hindi alam ang gagawin. Ayaw ko naman siyang patayuin dahil ang turo sa amin dati sa first aid, huwag mong gagalawin ang naaksidente dahil baka lumala lang ang bali kung meron man.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Rosie nang makalapit sa amin. Inexplain ko naman ang nangyari at agad silang bumaba sa kabayo upang inspeksyunin ang lagay ni Heathcliffe.

"I'm fine," sambit ni Heathcliffe at nagawa pa niyang tumawa. Pinilit niya namang tumayo kahit na binabawalan namin.

"There's a clinic here. Kaso sa bayan pa. Kailangan mong magpacheck-up, Kuya."

"I'll drive him there," pagvovolunteer ni Sandro. Nagdalawang isip ako kung sasama. Kakainin ata ako ng konsensya ko kung mananatili lang ako sa bahay. Hindi ko nakontrol ng mabuti ang kabayo kaya kami tumilapon. Sa huli'y tumayo na ako at pinagpag ang buhangin na kumapit sa aking tuhod.

When we got to the clinic, Heathcliffe was immediately prioritized. Pinagkaguluhan siya ng mga tao na naroroon. Mukhang kilalang-kilala at malakas talaga ang mga Lombardi sa bayan na ito.

"Naku sana wala kang bali," sambit ng isang Nurse at hinimas pa ang braso ni Heathcliffe. Mukhang magkakilala na sila dahil kanina'y pinaguusapan nila ang mga problema sa bayan.

Heathcliffe awkwardly chuckled.

"Sana nga."

Iniwas ko na ang tingin sakanila at pinokus ito sa isang poster na nakapaskil sa pader ng clinic. There's a bonfire happening on a laterdate. 

"Sino itong mga kasama mo?" tanong naman ng isang babae na tumabi at nakikipagchismisan kay Heathcliffe. I shot my brows up and turned to them.

"Mga kaibigan ng kapatid ko," tipid na sagot niya at pinasadahan kami ng tingin ni Sandro. Napansin ko rin na may mga sumusubok na kumausap kay Sandro ngunit binabalewala niya lang ang mga ito dahil hindi niya naman kilala.

Dahil maliit na bayan lang ito, hindi nakakagulat na kilala at malalapit sa isa't-isa ang mga naninirahan dito.

"Ang tagal na nung huli mong punta rito. Buti naman at naisipan niyong magbakasyon," saad ng isang matanda.

"Bakasyon na po ng high school at semestral break naman po ng college."

It's obvious that the townspeople are very fond of the Lombardis. One, because they're rich. Two, because of their foreign features. I have a very foreign face too that's why they treat me like a foreigner. Natawa nga ako nung hindi nila ako tinatagalog at purong Ingles ang salita nila.

"May lahi ka?" ang tanong sa akin ng lalaking nasa likod ko. Hindi ko siya kilala pero tumango na lang ako dahil ayaw ko namang maging bastos. Lumingon muli ako kay Heathcliffe at napansing ibang babae na ang kumakausap sakaniya.

"They're very friendly," bulong ko sa sarili ko. Narinig ata iyon ni Sandro kaya kumunot ang kaniyang noo. Napatayo kaming dalawa nung tinawag na ang number ni Heathcliffe at hudyat na iyon para papasukin siya sa office ng doctor.

Tutulungan na sana siya ni Sandro ngunit naunahan siya ng mga kababaihan kanina. They lifted Heathcliffe up. Heathcliffe gave us an awkward smile and went inside the doctor's office.

Kissing Fire (KD#1)Where stories live. Discover now