Pwede Ba Kitang Maging Kaibigan?

18 0 0
                                    


#ElpizoPhotoPrompt3: Friendship
Written by: Jovane Blanco

Pwede Ba Kitang Maging Kaibigan?
(Ang pagkakaibigan ni Ka Araw at ni Ka Buwan)

Pwede ba kitang maging kaibigan?
Kahit sa isang saglit man lang?

Kaya mo bang punuin,
ang yaring lungkot nitong damdamin?

Maaari ba kitang matawagan,
Sa mga oras na kita'y kailangan?

Gusto ko lang sana ng may makausap
Mayakap mula sa tugatog ng kawalan.

Ka Buwan?
Pwede ba kitang makilala
Mahaplos man lang ang iyong mga kamay at
uuwi sa kanya-kanyang bahay ng sabay?

Ano ba?
Nasaan ka na?

Akala ko ba dito tayo magtatagpo?
Ilaw ko'y ibinigay ko na sayo
Pero bakit ako lang mag-isa dito?

Baka..nakalimutan mo na ako..
Siguro ay iba na ang nagpapangiti sa'yo
Kasama mo na si Kislap ng mundo na nagpapakinang sa'yo.

Nabasa mo ba ang papel na inihip ko para sa'yo?
"A friend loves at all times" ang sambit ng Proverbio ang nakaukit sa mga gabi mo.

Nga naman baka 'di mo 'yon maintindihan.
Nakakainis Ingles kasi yon di ko mapiga't mahubad,patawad.

Marahil ay katulad ka rin nila.
Maaalala lang ako 'pag may kailangan na.
Hahayaan sa tabi,iiwan ng walang pasabi.
Nagmistulang mga ulap ,inihip ng hangin at 'di mahagilap.

Ngunit huwag kang mag alala, di ako nag-iisa.
Lumayo ka man sa akin ngunit may mga planetang umiikot sa'kin ,itinuring pamilya.

Para kay Mark Justin Quitor ang Mercury na pinakamalapit sa'kin na nagsilbing kapit-bahay at aninag sa mundo kong lumalagablab.Salamat Mercury ko,tunay kang pag asa sa aming mga disipolo mo:
Michael Anino,the Ambasssador of Christ
Evan Quijada Bonso ,the True Worshipper.
Jaes Ardiente,the Fearless Voyager,mga tanyag mo.Sigurado akong marami pang mga planetang madidiskubre mo Marko,isa na rito sina Antony Betinol Salili,Matt Andrew Alberca Montayre,Shintarokyleyray Mendoza,Park Johnny,Patrick Tantan.Kulang na kulang pa yan dahil kayo ang liwanag at asin manang mana sa ating pinuno na si Gabriel Angelo Manaopanao Lucero, ang Tunay na Gwapo

Para kay Binibining Donna Jean Diego at Kuya Marko na taos pusong naglaan ng oras Sa Kaharian ng Scentea HAHAH na kung saan nagsimula ang lahat ng tawanan at kuwentuhan sa kalawakan.Maraming Salamat sa inyo.Makikita ko talaga ang nag uumapaw na puso para sa amin na mga anak niyo.Ria Pandacan ikaw dilag ang nagbukas ng pintuan para sa amin na bulag noon ngunit nakakita na ngayon.

Ka Buwan?
Labing dalawang oras akong naghihintay sayo.
Labing dalawang oras din ang iginugol mo para maaabot ako.Ngunit panahon na,para bitawan ko na ang tanikala ng kahapon.

Ako Si Ka Araw,the Giant Slayer.Minsan ng nilamon ng dagim sa halipawpay.Natagpuan ang sinag at naging liwanag.Ngunit sa lahat ng ito may isang Hari ng Kalawakan na nag mamay ari.Sa kanya pa ring mga kamay, pag ibig ay nag uumapaw.

Pwede ba kitang maging kaibigan?
'Di tulad ng ginawa sa'kin ni Ka Buwan?

Pwede ba talaga kitang maging kaibigan?
'Di na saglit kundi pangmatagalan?
Sana naman.

Elpízo Photo PromptsWhere stories live. Discover now