vlog content 07 | Lights Off

1.1K 173 1
                                    

Lights Off

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lights Off


IPINIPILIT kong idilat ang mata ko upang makakita sa napakadilim na paligid. Hindi ko na rin alam kung saan ako napadpad dahil umaasa lang ako sa nakakapa ko bilang gabay sa dinaraanan. Nagkakagulo na ang lahat at wala akong ibang marinig kung hindi puro hinanaing.

There should be an electric generator here. Dapat handa sila in such cases like this. Ngayon kung wala silang naka-prepare, then they are all naive. Ang lakas ng loob nilang mag-organize ng party pero wala silang pakialam sa welfare ng students nila.

I continue walking hanggang sa maramdaman kong may nakabungguan ako. Nagtama ang mga noo namin kaya naman mabilis akong napahawak dito. Gusto ko sanang magalit sa nakabunggo sa akin at sisihin siya dahil sa katangahan ngunit parang wala naman akong karapatang manisi lalo pa't sadyang napakadilim ng paligid at ni maaninag siya'y hindi ko rin nagawa.

"Sorry," aniya. Doon ko napagtanto na si Kylo pala ang nakabungguan ko.

Paniguradong stressed na siya ngayon dahil sa nangyari. After all, this event is handled by the student council. I think they need to cooperate sa iba pang student council din to solve this issue. Mayayamang schools pa naman ang invited dito. Nakakahiya.

"Ikaw pala 'yan. I thought someone is going to kill me already," biro ko sa gitna ng kadiliman. Kinapa ko ang phone ko at binuhay upang magsilbing liwanag kahit papaano. Tuluyan ko nang nasilayan ang mukha niya.

"I'm sorry kung na-shook at nabunggo kita. Natataranta na kasi kami because of this unexpected problem. I think dapat, sa room mo na lang ikaw mag-stay at least doon, may power pa rin. Dito lang 'ata sa hall naapektuhan," aya nito.

Base sa itsura niya, mukha ngang natataranta na ang kawawang student council Chairman na ito. Bakit naman kasi nagkulang sila sa preparasyon? Hindi ko pa tuloy na-entertain nang ayos si Derrick at baka mawalan na ako ng chance mapalapit sa kaniya.

"Wait, we have rooms? Uhh, anyway, maybe mas mabuti pa nga. I don't feel good staying here anymore. Siguro naman ang iba pang special guests ay nasa kani-kaniyang kwarto rin, 'no?" I don't want to seem desperate na mapalapit kay Derrick pero simula nang malaman kong siya ang next target ko, of course, I have to turn on my stalker mode. Technically, as a killer.

"Well, I think that's for your good na rin. Anyways, here is some stuff to lighten up your mood," he said while offering me pieces of candies.

I don't think sweets are good for my system. I'm not a sweet person, after all. I'm more bitter hiding in a sweet angelic face.

"No, thanks. But I guess kailangan ko ng assist papunta sa room ko. Baka maligaw na naman ako at kung saan mapapad. Ang lawak pa naman nitong venue."

Hindi na naman siya tumanggi pa't sinamahan ako sa paglalakad. We're like taking almost 20 steps already hanggang sa biglang magkaroon ng liwanag sa gitna ng stage na nasa harapan at para bang nanggagaling ito sa isang spotlight. Nakatapat siya sa LED screen na ginagamit pa kanina dahil sa event. I think there's a surprise for the students at planado ang lahat ng ito.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now