vlog content 22 | Sneaky

749 152 2
                                    

Sneaky

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sneaky

Shendily's POV


IMINULAT ko ang mga mata ko't gaya ng inaasahan ay sumalubong sa akin ang madilim na paligid. Hindi ko alam kung anong oras na subalit nakasisiguro akong nasa kalagitnaan pa lamang ng gabi. Patuloy sa pagbagsak ang mga talukap ng mata ko na para bang pinipilit akong bumalik sa pagtulog. Ngunit hindi rin naman nagpapatalo ang sakit na nararamdaman ko sa sikmura na siyang dahilan kung bakit nagising ako sa kalagitnaan ng gabi.

Humahangos akong tumayo saka kinamot-kamot ang ulong nababalot ng magugulong buhok. Mula nang kumalat sa social media ang latest content kung saan ako mismo ang biktima, hindi ko na nagawang lumabas pa ng unit ko. Marahil ay mayroong tatlong araw na akong hindi lumalabas at pilit na itinatago ang sarili ko.

Hindi ko masabi kung hanggang kailan ko itatago ang sarili ko. Patuloy na bumabagabag sa isipan ko ang ginawa ko. A part of me saying, it might be a wrong move since I have no concrete plans after it.

Sinakyan lang naman ng mga pinsan ko ang kagustuhan ko at tinulungan lang naman nila ako upang hindi ako pagsuspetsahan ng publiko subalit matapos no'n ay hindi ko na alam kung papaano ko pa ilalantad ang sarili ko. Lalo pa't ang buong akala ng lahat ay patay na ako.

Pumasok ako sa CR ng condo ko at walang pag-aalinlangang umupo sa bowl. Habang nagpapakawala ng sama ng loob ay paulit-ulit kong tinititigan ang mga kamay kong makikinis. Sa buong buhay ko, ni hindi ko pinangarap na mabahiran ng dugo ang sarili kong mga kamay subalit wala na akong magagawa pa para mabago ang katotohanan.

Matapos i-flush ang inidoro ay kaagad akong lumabas ng banyo. Nagtungo ako sa lababo sa labas ng banyo kung saan nakita ko ang sarili kong repleksyon sa salaming nakadikit sa pader sa itaas ng lababo.

"Masaya rin pala sa pakiramdam na ilang araw hindi nababalot ng make-up ang mukha. I feel so good being away from those toxic products," pabulong kong sambit sa sarili ko at saka tumungo upang maghilamos sa mukha.

Marahan kong hinilamusan ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad at nang matapos ay tumingala ako't muling humarap sa salamin.

"Holy shit!" Literal na nanlaki ang mata ko't parang nanlamig ang buong katawan ko nang makita sa repleksyon ng salamin ang isang pigura na nakatayo sa likuran ko.

Para akong napako sa kinatatayuan at hindi ko magawang maigalaw ang sarili kong katawan. Nakatingin siya sa akin. She's wearing my signature face mask to cover the lower part of her face. Bagsak din ang kaniyang mahabang buhok habang nanlilisik na nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at naghahanap ng kahit anong bagay na maari kong gamitin bilang proteksyon sa sarili ko. Pasimple kong inilibot ang tingin sa harap ng sink hanggang sa mahagilap ng mata ko ang disinfectant spray sa gilid.

Imbis na sagutin ako'y mas lalo akong nanlamig nang himasin niya ang ulo ko. Hindi ko alam kung saan pa ako humuhugot ng tapang subalit pilit kong nilalabanan ang takot ko.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now