10

8.4K 254 10
                                    


ANG BIGLANG preno ni Shane ang nagpahinto sa daloy ng alaala. Idinikit ni Caroline ang mukha sa likod ng kasintahan habang banayad na tumatakbo ang motorsiklo nito sa kahabaan ng Aurora Boulevard patungo sa Sta. Mesa.

Dalawang linggo magmula nang magkakilala sila ni Shane ay naging magkasintahan sila. At wala siyang pagsidlan sa kaligayahan. Wala siyang maipipintas sa kasintahan.

Until minutes ago. Nang biglang lumitaw sa harap nila si Chanelle. Pero ipinanatag ni Shane ang dibdib niya. Naniniwala siya na wala itong pagtingin kay Chanelle. Ipinakilala kaagad siyang girlfriend nang walang pag-aatubili.

Nararamdaman niyang mahal siya ni Shane. Hindi lamang sa salita. Naipakilala na rin siya nito sa kaibigan nitong matalik, si Mike. Binata at isang accountant at nagtatrabaho rin sa accounting office ng FEU. Tulad ni Shane ay may bike din ito.

"You're quiet..." ani Shane na nilingon siya.

"I was thinking of the first time we met."

"Pinagsisisihan mong nagkakilala tayo?"

Idinikit niya ang bibig sa tainga nito. "Ito naman. Siyempre, hindi."

"Dapat, dahil wala ka nang makikilalang tulad ko na mamahalin ka magpakailanman."

"Corny mo." But she was grinning. Sometimes, Shane could be so endearingly corny.


"PAANO kayong nagkakilala ni Shane?"

Mula sa pagsusulat sa notebook ay gulat na nag-angat ng mukha si Caroline. Si Chanelle.She took a deep breath. "Why don't you ask him, Chanelle?"

"I'm asking you now." Bahagyang naniningkit ang mga mata nito. Natitiyak ni Caroline na nagpipigil itong mag-hysteria.

Si Chanelle ang uring kapag galit ay hindi ito nagpipigil hangga't hindi naipapamukha sa tao na galit ito. At minsan na itong nagalit sa isang classmate nilang babae. Last semester.Chanelle was hysterical. At kung walang pumigil dito ay baka nasaktan na nito ang classmate na pinaghinalaang nagpapaligaw sa dating boyfriend ni Chanelle. The poor woman transferred to another section.

At marahil ay hindi naman siya ang uring sisiksik lang sa sulok kaya nagagawa pa ni Chanelle ang magtimpi.

"Nothing spectacular. Nagkita kami sa labas ng gate ng unibersidad." She shrugged. Walang dahilan para sabihin niya rito ang totoong pangyayari ng pagkakakilala nila ni Shane. Iyon ay eksklusibo lamang sa kanilang dalawa at sa mga kaibigan niya.

"Kung ano man ang sinasabi niya sa iyo, don't believe him. Shane is a veritable playboy. You've been taken by his charm. He will hurt you. I should know. Mas matagal ko siyang kilala kaysa sa iyo."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Kailan ka pa naging concerned sa akin, Chanelle?"

"Pinaaalalahanan lang kita."

"Thank you," she said sarcastically. "But I'll take my chance." Sandali itong natigilan bago, "Don't blame me I didn't warn you."

"I won't ever." Isang mapagkunwaring ngiti ang pinakawalan niya rito.

Nararamdaman ni Caroline ang kontroladong galit nito nang tumalikod ito at tinungo ang sariling upuan. Nanlalambot na napasandal siya sa upuan. May hinala na siyang kokomprontahin siya nito ngayong araw pagkatapos nilang magtagpo kahapon.

But she hadn't expected Chanelle to be so angry with her. Na tila ba inagawan niya ito ng kasintahan. Lamang ay nakikita niya ang labis na pagpipigil nito. Marahil ay kaiba naman ang sitwasyon niya dahil hindi naman nililigawan ni Shane si Chanelle kung ikokompara sa classmate nila noong nakaraang semester.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon