30

7.4K 228 7
                                    


SA PAGDARAAN ng mga araw ay patuloy na umaasa si Caroline na tatawagan siya ni Shane. Subalit tuwina'y bigo siya. Kung wala si Matt na laging naroroon at naipasyal na yata siya sa lahat ng mga isla ng Coron ay baka hindi niya natagalan ang labis na lungkot at pananabik kay Shane.

Kung wala si Shane sa buhay niya, she could easily fall for Matt. Kahit si Hannah ay kasundo na rin niya. Sa maraming pagkakataon ay silang tatlo ang magkakasama sa pamamasyal.

Sa ikaisang linggo niya sa Coron ay niyaya sila ni Matt na magtungo sa Puerto Princesa. Magkakasama silang tatlo nina Raquel at Hannah, sakay ng isang bangka. Pitong oras mahigit ang biyahe patungo roon mula Coron. Kinakabahan siya habang tinatawid nila ang malawak na karagatan. Sa kabila ng suot na vest ay naroon ang takot na maaaring lumubog ang bangka at malunod siya.

But Matt was there to hold her hand. Kinakausap siya upang mawala sa isip niya ang takot. Nagpapatawa. Kahit si Hannah na tumabi sa kanya ay nakatulong. Walang tigil ang bata sa pagkukuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili at sa school nito. Nasa huling taon sa elementarya si Hannah. While Raquel was curiously staring at them.

Isang araw at kalahati rin ang ginugol nila sa pamamasyal sa Puerto Princesa at kinabukasan ay muling nagbalik sa Coron. Silang tatlo, along with Hannah, shared a room. Sa suhestiyon na rin ni Caroline na magsama-sama silang mga babae. While Matt had his own room.

"Sana ikaw na lang ang mommy ko, Caroline..." ani Hannah isang gabing kagagaling lang nilang mag-dinner at nakabalik na sa hotel na tinutuluyan nila. Nakadapa ito sa isang kama.

Nagkatinginan silang dalawa ni Raquel. "Magkaibigan lang kami ng daddy mo, Hannah," sagot niya.

"Yeah, I know. But my dad likes you. Really... really likes you."

"And I like him, too. Mabait ang daddy mo." She was thoughtful. Thinking of Matt brought a small smile on her lips. Kung ngayon siya tatanungin ni Matt kung magugustuhan niya ito kung nauna niya itong nakilala kaysa kay Shane ay isang positibong oo ang isasagot niya. Subalit hindi ganoon ang nangyari. At iisa lang ang puso niya.

"I hope it's just more than like, Caroline. I want you to be my next mommy."

"Masyadong bata si Caroline para maging mommy mo, Hannah," ani Raquel na nagsisimula nang mag-empake para sa pagbabalik nila ng Coron kinabukasan.

"So okay, I want her to be my dad's next wife. Oh, eh, di para na ring mommy iyon."

Hindi niya maiwasang mangiti sa logic ng bata.

"THANK you," ani Matt nang pumarada ito sa tabi ng kalsada sa tapat ng bahay nina Raquel.

Sadyang nagpauna ang kaibigan upang makapag-usap sila ni Matt.

"Ako nga ang dapat magpasalamat. Akalain mong nakarating ako ng Puerto Princesa nang wala sa oras. I really enjoyed it, Matt."

Pumormal ito. Nagbuntong-hininga. "Bukas nga pala ng hapon ay babalik na kami sa Maynila. Isang linggo lang ang semestral break ni Hannah sa school niya. Lumampas na nang dalawang araw."

Nilingon niya sa backseat si Hannah at nginitian. "Balik-escuela ka na."

Hannah made a face. "'Don't wanna go back to school yet. Si Daddy lang mapilit na bumalik na kami."

"Honey, three days ka nang absent. At graduating ka ngayong taong ito."

Umingos ito. "'Di pa naman nagsisimula talaga ang klase." Sabay na nagtawanan sina Matt at Caroline. Kapagkuwa'y may dinukot sa bulsa ng polo shirt nito si Matt. Isang calling card at ibinigay sa kanya.

"Call me anytime. Sa likod ng card ay isinulat ko ang private number ko. Sabi ni Raquel ay OJT na kayo ngayong incoming semester. Nakahanda ang munting kompanya ko para sa inyo."

Wala sa loob na tinitigan niya ang calling card. Ni hindi niya nakikita ang nakaimprenta roon at sa halip ay tinig ni Shane ang naririnig niya. Inaalok siyang sa kompanya ng ama nito mag-OJT.

Ni hindi siya nakakatiyak kung available pa iyon sa kanya. Malibang magkaayos sila ni Shane. At malaki ang pag-asa niyang magkakaayos sila. No person could fall out of love that soon. Kahit pagkatapos magkagalit. Pareho nilang mahal ang isa't isa. Nagpapalipas lamang ng sama ng loob at galit si Shane. Mangingibabaw ang pag-ibig nito sa kanya.

She couldn't blame him. Shane thought she was with Jessie the whole night. Pero sana man lang ay huwag nang magtagal pa ang galit nito at dumating ito sa apartment.

"Hey. Nawawala ka na naman..." Matt said gently.

Nag-angat siya ng tingin dito. Forced a smile. "Goodnight, Matt." Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito ng pinto at mabilis na lumabas ng sasakyan. Niyuko niya si Hannah at nagpaalam na rin.

Pinaaandar na ni Matt ang sasakyan pero hindi lumilipat sa tabi niya si Hannah. Nakikita niya na nakanguso ang anak mula sa rearview mirror. Nakahalukipkip.

"Ano naman ang ibig sabihin niyan?" natatawang tanong niya.

"Ayoko kasi munang bumalik sa Manila, Daddy. Gusto kong laging kasama si Caroline. I am enjoying her company."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Matt. Hindi siya nagkamali ng babaeng muling mamahalin. Kahit ang sariling anak ay gusto ito. How come loving someone wasn't always easy?

"So you like her, huh? I like her, too. More than you know."

"Di ligawan mo para soon maging mommy ko na rin at magkasama na kami parati. Daddy, naiinggit ako sa mga classmates ko kapag dumarating ang mga mommy nila kapag may affair sa school. Ako lang ang wala..."

"Kung sakali, hindi naman mukhang mommy mo si Caroline dahil bata pa siya..."

"Does it matter?" Hannah snapped. "She's always listening to my stories. Kahit na anong topic ay pinakikinggan niya ako. May isinasagot. She didn't ignore me and patronize me."

Matt sighed. "Your Aunt Janet's forever trying to win your approval."

Lalong humaba ang nguso nito. "I don't like her!" She almost screamed her dislike. "Basta. And so hate her daughter!"

"Honey, 'hate' is a strong word. We shouldn't hate a person. 'Dislike' is better word to describe our feelings." Nakita niya sa rearview mirror ang pag-ikot ng mga mata ni Hannah. He cleared his throat. Kapagkuwa'y, "Kung maaari lang sanang mangyari ang gusto mo, Hannah. Pero may boyfriend si Caroline."

Mula sa bintana ay mabilis na ibinaling ni Hannah ang tingin sa kanya. "That couldn't be true!" Napaangat ito mula sa sandalan.

"It is true. Sa una pa lang na nakasabay natin siya sa eroplano ay natitiyak kong may boyfriend na siya. I was just hoping na break na sila..." Nakita niya ang panlulumo sa mukha ng anak. Napabuntong-hininga si Matt.

"At hindi pa sila break?" she asked in a small voice.

"Not officially. And she's very much in love with her boyfriend."

"That is sad, Daddy. You kind of like her very much. We both do."

Hindi na sinagot ni Matt iyon at nagpatuloy sa tahimik na pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa hotel.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang