25

7.4K 203 3
                                    

ILANG minuto nang nakasakay sa motorboat ang magkaibigan pero hindi pa rin pinaandar ng bangkero ang bangka.

"May hinihintay ba tayo?" tanong ni Raquel sa bangkero. "Hindi ba at solo kong nirentahan itong bangka? Bakit nga pala wala tayong guide?"

"Eh, ma'am, ang guide nga po ang hinihintay natin at saka po iyong magdadala ng ating kakainin."

Si Caroline ay pumuwesto sa kabilang dulo ng bangka at naupo roon. Hindi niya pinansin ang usapan ni Raquel at ng bangkero. Dinampot niya ang nakitang life vest sa may upuan at isinuot. Natanaw niya ang ilang pasahero sa kabilang bangka na nagsipagsuotan ng mga life vest.

Gusto niyang makita ang magagandang isla ng Coron, gayunman, wala siyang balak na lumubog sa tubig. She didn't even know how to swim. Iyan ang isa sa mga bagay na hindi niya natutuhan dahil kinatatakutan niya ang lumubog man lang sa dagat.

Hindi bale kung hanggang baywang lang niya ang tubig tulad kagabi sa hot spring.

Pero kapag hindi na naaabot ng kanyang paa ay natatakot na siya. Sabi ng lola niya ay sanhi iyon ng muntik na niyang pagkalunod sa ilog sa kanila noong walong taong gulang pa lamang siya.Sa paligid ay nagsisimula nang magsialisan ang ilang bangkang sinasakyan ng mga local and foreign tourists upang magtungo sa mga island.

Dalawang taon na rin silang magkaibigan ni Raquel pero ngayon lang siya nakarating ng Coron. Hindi dahil hindi siya iniimbita ng kaibigan tuwing semestral break at summer. Lamang ay hindi niya napagbigyan dahil kailangan niyang umuuwi lagi sa lola niya sa Cavite sa bawat pagkakataon. Nais niyang tulungan ang lola niya sa munting negosyo nito, ang flower farm sa Silang.

Matanda na ang lola niya at ang kapirasong flower farm nila ang nagpapaaral sa kanya. Hindi nila kayang umupa ng karagdagang tauhan dahil hindi naman ganoon kalakas ang kinikita ng flower farm dahil sa kompetisyon. Ang ibang may-ari ng flower farm sa Silang at Tagaytay ay may tindahan din sa Dangwa. Subalit ang lola niya ay wala. Kaya naman umaasa lang sila sa mga datihan ng suki ng lola niya at sa ilang mga bagong customer.

Umaasa siyang sana'y ma-enjoy niya ang bakasyon upang mapaluguran ang kaibigan na nagsisikap na aliwin siya. Bahagyang umuga ang bangka at napakapit siya sa sandalan.

"Sila ba ang mga turista, Temyong?" tanong ng tinig mula sa kabilang dulo ng bangka.Caroline sighed. Dumating na marahil ang guide nila. Pero hindi siya lumingon. Dahil nakuha ang pansin niya ng isang guide mula sa kabilang bangka na kinindatan siya. She rolled her eyes.

"Sir Matt! Hannah?"

"Hello, Tita Raquel."

"Kayo ang guide namin?"

"Raquel?" wika ng tinig. "Ikaw ba ang umarkila ng bangka?"

Napalingon siya nang mahimigan ang pagkabigla sa tinig ni Raquel na sa wari ay kakilala ang guide. Napakunot ang noo niya nang mamukhaan ang pamilyar na bulto ng lalaki. Maging ang lalaki ay napatuon ang tingin sa kanya. Bahagyang-bahagyang kumunot ang noo nito pagkakita sa kanya.

Mula sa lalaki ay bumaba ang tingin ni Caroline sa pamilyar ding bata.Bukod sa lalaki at sa bata ay may isa pang matandang babaeng may bitbit na malaking basket. Lumapit ito sa bangkero. Must be their lunch. Sabi ni Raquel ay libre ang lunch nila. Kasama sa package.

"Your friend, Raquel?"

"Yes, sir. Si Caroline, classmate ko. Caroline, si Mr. Matt Barcelona. Pag-aari niya ang bangkang ito at ang ilan pang bangkang nakapalibot at nakapalaot."

"Daddy, siya iyong nakasabay natin sa eroplano!" Patakbong lumapit ang bata sa kinauupuan ni Caroline. "Hello. My name's Hannah. Pangalan ko ang nakalagay sa mga bangka." Nilinga nito ang ibang bangka sa paligid na may nakapinturang "Hannah."

Sapilitan siyang ngumiti. "H-hi."

"We've met, Raquel," wika ng lalaki na nagpaangat ng tingin niya rito. Naka-cutoff ito ng khaki at nakahantad ang maskuladong mga binti. Nakasuot ng Hawaiian shirt na nakabukas lahat ang butones, revealing a washboard-like abs. He reminded her of George Clooney. Except probably that George Clooney was older.

Humakbang ito palapit sa kanya at inilahad ang kamay. Napilitan siyang tanggapin iyon. "Nice meeting you, Caro."

Caroline gasped softly. Agad na binawi ang kamay. Tinawag siya nitong "Caro." Lahat ng mga kaibigan at kakilala niya ay Carol o Caroline ang tawag sa kanya. Maliban kay Shane. At ito ang ikalawang taong tumawag sa kanya ng Caro. And she hated that instantly.

Si Shane lang ang may karapatang tawagin siyang "Caro." Hindi ang lalaking ito!

"Something wrong?" Matt was frowning.

"My name is Caroline," mariing sabi niya sa naniningkit na mga mata. "Not Caro."

Matt smiled. "Then 'Caroline' it is. How do you do, Caroline?"

She took a deep breath and said very politely. "I'm good. Thank you."Nag-angat ng tingin si Matt at sinenyasan ang bangkero na paandarin na ang motor upang makaalis na sila. Lumakad ito patungo sa malapit sa motor ng bangka. Pagkatapos ay kinuha ang isang mahabang kawayan at itinukod sa may pader ng pantalan upang itulak palayo ang bangka.

Nakita ni Caroline ang pag-igting ng mga masel nito sa mga braso. She was impressed despite her instant dislike of the man—dahil lang tinawag siya nitong "Caro."

Ilang sandali pa ay unti-unti nang lumalayo ang bangka mula sa pantalan at ibinalik na ni Matt ang mahabang tukod na kawayan sa gilid ng bangka. Hindi niya maiwasang tingnan at suriin ito. Makisig. Matipuno. Not an ounce of extra flesh. Hindi kataka-taka dahil ginagawa nito ang gawain ng guide ng bangka.

Hindi marahil ganoon ang mga muscle ni Shane. But Shane was younger. This man was older. Nagbuntong-hininga siya at muling itinuon sa malawak na karagatan ang paningin. May ilang bangka siyang natatanaw sa malayo. Marahil ay hindi naman sabay-sabay ang mga bangka sa iisang lugar.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon