Chapter XII

18 10 0
                                    

Kinabukasan. Sumapit na ang ikatlong araw. Ito na ang huli at ang mismong araw ng libing ko.

Ang weird pala kapag kasama ka sa sariling libing mo. Nakakakilabot na nakakatawa.

Hide me now
Under your wings
Cover me
Within your mighty hand

When the oceans rise and thunders roar
I will soar with you above the storm
Father you are king over the flood
I will be still and know you are God

Nasa unahang banda ng linya sina Mom at Dad kasama ang mga kapatid ko. Ako naman ay nasa pinakadulo ng linya at nasa unahan ko ang ilang mga schoolmates ko.

Papunta na kami ngayon sa private semetery na napili nila Mom.

Panay ang pagtagas ng mga luha ko hanggang sa marating namin ang aming destinasyon. Ang sementeryo.

Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko gayong unti-unti ko nang natatanggap na ito na ang huling araw ng katawang lupa ko.

The foreign feeling inside me keeps on bugging me. Nakakaasar.

Pakiramdam ko tuloy tumutulong ako sa paglilibing sa sarili ko.

Lalong lumakas ang pagtulo ng mga luha ko kasabay ng pagkirot ng puso ko nang makitang inaayos na nila sa harap ang kabaong ko.

Nagsimulang magdasal ang pari gamit ang iba't-ibang lenggwahe. Pagkatapos ay isa-isa nang lumapit doon ang pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ko para wisikan na yun ng holy water.

Tahimik ang lahat habang sinasaliwan ngCanon in D na tinutugtog ng choir ang mahihinang iyakan.

Para akong hindi makahinga sa mga nasisilayan ko.

"Diyos naming banal. Nawa'y kaawaan Mo at patuluyin sa Iyong kaharian walang hanggan ang aming mahal sa buhay na si Alexil. Nawa'y gabayan Nyo siya at hayaang maging isa sa Iyong mga anghel na nag-aawit ng papuri sa kaitaasan." sabi ng pari habang binabasbasan ang kabaong.

"En nomine patris, et filii, et spiritus sancte. Justin Alexil Reñigo, rest in peace."

Unti-unting ibinaba sa lupa ang kabaong ko kasabay ng pagpapalipad ng mga puting lobo at puting kalapati.

Nagsimula na rin silang maghagis ng puting rosas upang ipahabol sa kabaong na handa ng tabunan ng lupa.

Isa-isang tinignan ang mga dumalo. Nasa unahan ang umiiyak na si Mom habang nakayakap kay Dad. Si kuya ay ganun rin habang si Allen ay mugtong-mugto ang mga mata.

Sa bandang likuran ay nakita ko si Faxen na malungkot na nakatingin sa akin. Lalapitan ko sana sya kaso sinenyasan nya akong wag na at inginuso ang kabaong kong nasa ilalim na ng hukay.

Lumingon ako doon bago lumapit sa hukay at tinignan ang puting kabaong na kinalalagyan ng katawan ko.

Lalong lumakas ang iyakan ng unti-unti nang magtabon ng lupa ang dalawang sepulturero. Nangibabaw ang hagulgol nila Mom, nila Lola at nina Tita Allison at Diana.

"A-alexis... h-hindi ko k-ka-kaya..." iyak ni Mommy habang nakaluhod.

"Apo. Ikaw dapat ang naglilibing sa amin, hindi itong kami ang naglilibing sa iyo." umiiyak na sabi ni Lola, hindi tulad ni Mom ay klaro pa rin ang mga salitang binibitawan nito sa kabila ng kanyang pag-iyak.

"Rest well anak. Daddy loves you so much."

Sa huling pagkakataon ay nakita kong umiiyak si Dad. Hindi ko alam kung gaano kabigat ang nararamdaman nya, ang nasisiguro ko lang ay nahihirapan rin sya.

Nagpatuloy sa pagtugtog ang choir hanggang sa lumipas ang isang oras at unti-unti nang naglaho ang mga tao. Nanatili akong nakatayo sa tabi ng puntod ko habang nakatingala sa madilim na kalangitan.

"Lord? Help me accept everything, please." sigaw ko bago lumingon sa likuran ko.

Nandoon pa ang pamilya ko habang nasa bansang likuran nila si Faxen.

Maya-maya pa ay unti-unti nang naglakad paalis sila Mom at nang mapansin nilang nandoon pa si Faxen kaya nilapitan nila ito.

"Hijo? Are you also witnessing our daughters farewell?" tanong ni Dad bago lumuhod sa harapan nito para magkapantay sila.

"Yes Mr. Reñigo." pormal na sagot ni Faxen.

"But I haven't seen you before. What's your name? Where do you live?" muling tanong ni Dad.

Napabuntong hininga si Faxen na animo'y nairita sa sunod-sunod na tanong ng kausap.

"I'm Faxen Ferraris. We live in the same village Mr. Reñigo."

"Oh. Are you related with our daughter Mr. Faxen?" natutuwang tanong ni Dad.

Maging ako ay napangisi sa inasta nito.

"I'm a friend. My condolences Ma'am." binalingan nito si Mom at inabutan ng pulang rosas.

"I would be happy to send you this in behalf of Alexil." sabi nito na nagpangiti kay Mom.

Yumuko rin ito upang mapantayan si Faxen bago ginulo ang buhok nito.

"Thank you."

Nang makaalis ang pamilya ko ay saka lang ako nilapitan ni Faxen. Wearing his usual pokerface.

"Aren't you leaving? Rain almost fall." mukhang uulan na nga.

"Go home Fax. I'm glad to stay here for a while." tinanguan ko nalang sya bago hinintay na makasakay sa kotseng sumundo sa kanya.

Rich kid.

Nang mawala sa paningin ko ang kotse nina Faxen ay napabuntong hininga ako. Tinuyo ko ang mga mata ko at tumingala sa kalangitan.

Unti-unting bumuhos ang malalaking patak ng ulan kasabay nang unti-unting pagtulo ng mga luha ko.

The Last Chapter (Completed)Where stories live. Discover now