Prologue

2.1K 104 37
                                    

MALALIM na ang gabi pero gising na gising ang diwa ni Martha Delucia. Nakasalampak sa magkabila-ang tainga  ang kanyang earphone at nakikinig sa kanyang cellphone. Katatapos lang ni Martha magbasa ng kanyang notes kaya oras na para magpantasya. Hindi alam ng kanyang mga magulang na mahilig magbasa si Martha sa mga romance stories at halos lahat ay may rated SPG na laman.

Pero ang kanyang kuryusidad sa mga bagay-bagay ay lumampas pa roon. Sobrang kaba ng kanyang dibdib habang binubuksan ang secret files sa kanyang cellphone na halos lahat ng laman ay mga malalaswa.

Nagsimula nang maglakbay ang kanyang mga kamay sa kanyang katawan. Nakakaba pero may halong pagkasabik sa maaaring mangyari. Pero naputol iyon nang may kumatok sa kanyang kwarto.

'Leche naman oh!' mura niya sa kaloob-looban niya.

"Martha, anak, gising kapa ba?" Tawag ng kanyang ina sa labas ng pinto.

"Ahm..opo, Nay." Walang pag-aalinlangan niyang sagot habang inaayos niya ang nakalilis niyang damit pantulog.

"Pwede ba akong pumasok? May importante lang akong sasabihin."

Napabusangot ang mukha ni Martha habang pababa ng kanyang kama na de kawayan. Binuksan niya ang pinto at nagkunwaring humihikab. Pumasok ang kanyang ina sa kanyang kwarto.

"Ano po ba iyon, Nay?"

"Pupunta dito ang pinsan mong si Mario."

"Si Siraulo?!"

"Ano ka ba naman, Martha! Bigkasin mo naman ng maayos ang pangalan ng pinsan mo." Saway ng kanyang inay sa kanya.

Mario Sieraullo De Macaya ang pangalan ng pinsan niya. Pero nasanay na itong tawagin na 'Siraulo'. Pareho silang lumaki sa nayon ngunit nang mag disi-otso sila, napagpasyahan ng kanyang tiyahin na sa syudad na ang mga ito maninirahan. At ngayo'y bente-uno na siya, ngayon na muli sila magkikita ng siraulo niyang pinsan.

"Mabuti naman kung ganun. Pero teka, bakit siya pupunta dito? Hindi ba may trabaho na siya doon?"

"Eh iyong pinsan mo tinuro ng mga barkada niya na gumagamit din siya ng druga kaya ngayon nagtatago na ang pinsan mo. Naisip ng tiyahin mo na dito na muna si Mario sa atin. Saka na siya babalik ulit sa syudad kapag naayos na ng kanyang ama ang problema niya."

"Eh siraulo din pala ang mga kaibigan niya eh! Naku! Pipingutin ko talaga ang tainga ni Siraulo kapag dumating na siya dito. Bagay na bagay ang pangalan niya dahil siraulo siya sa lahat ng bagay." Inis na sabi ni Martha.

Naniniwala si Martha na dapat wais ka sa pagpili ng mga taong kakaibiganin o sa mga taong pagkakatiwalaan. Kaya naiinis siya sa pinsan niya na madali itong magtiwala kaya ngayon todo pagtatago na nito para lang malusutan ang mga kapulisan.

"Sa susunod na araw na dadating dito si Mario kaya linisin mo ang bakanteng kwarto sa itaas. Sige na at aalis na ako kaya matulog ka na rito."
 
Umalis ang kanyang inay sa kanyang silid kaya agad na siyang sumalampak sa kanyang higaan. Ngayon ay diritso na siyang matutulog dahil wala na siyang gana magpantasya pa sa makamundong gawain.

HALOS matapon ang kaluluwa ni Martha nang gulatin siya ni Rosing na kaibigan niya. Nasa gitna sila ng koridor sa kanilang paaralan ngunit hindi pa karamihan ang mga estudyanteng nagsisipasukan. Tawang-tawa sa kanya ang kaibigan pero biglang napaigik ito at napasapo sa ibabang bahagi. Napakunot-noo siya sa kilos ng kanyang kaibigan.

"Oh, napano ka diyan?" Pinatulis niya ang kanyang bibig na nakadireksyon sa ibabang bahagi ng kanyang kaibigan.

"Halika, may sasabihin ako sayo." Inakay siya ng kanyang kaibigan pero paika-ika naman ito sa paglalakad. Napunta sila sa ilalim ng puno ng akasya na may mahabang upuan. Doon silang dalawa umupo.

"Masakit pala bes." Mahinang saad sa kanya ni Rosing.

"Ang alin?"

"Ang magsex! Eh kasi first time ko kagabi eh." At agad namula ang mukha ng kaibigan niya.

"What?!" Gulat niyang tanong.

"Gaga! Nasa nayon tayo kaya 'wag mo akong ma-what what diyan. Di bagay sa atin mag-Eng—"

"I don't care! Don't tell me nakipag jugjugan ka kay Pedro. Jusko naman, Rosing! Bakit ka pumatol doon eh  bungi na nga, lumuluwa pa ang mata na parang kwago."

"Kainis kasi siya, bes. Talagang itinaon niya manligaw sa akin kagabi na wala sina inay at itay. May pahalik halik pa siyang nalalaman. Eh siyempre, marupok ako doon. Tapos nakakiliti pa ang mga haplos niya. Sinabi ko na ngang huwag niya ibaba ang kamay niya sa perlas ko, ang tigas ng ulo niya. Tapos ito pa bes, pinahawak niya sa akin ang batuta niya. Grabe! Sobrang laki—"

"Tama na! Too much info kana eh."

"Pero sa una lang masakit, bes kasi pagsumagad na grabe! Ansarap!"

Tinampal niya ang bunganga ng kanyang kaibigan. Ang laswa talaga nito at hindi na siya magtaka kung saan siya natuto sa mga ganoong bagay. Si Rosing lang naman kasi ang magaling pumukaw ng kanyang kuryusidad. At ngayon nga, bumigay na ang kaibigan niya sa pangit na Prdrong iyon. Bigla ay napailing siya ng sabay sabay dahil kung ano-ano naman ang pumasok sa kanyang isipan. Kung ano ba ang posisyon nila kagabi at kung gaano kalakas umungol ang kanyang kaibigan.

"Teka, napanood mo na ba yung pinasa ko sayo na porn? Grabe, bes! Sinunod namin iyon!"

"Pwede ba! Ang bulgar mong babae! Baka may makarinig sa atin dito at pag-isipan tayong maniac." Saway nito sa kaibigan.

"Eh bakit? Maniac naman talaga tayong dalawa ah!"

Mahina niyang sinabunutan ang kainigan na ikinatawa lang nito.

"Sa ating dalawa, ikaw lang ang maniac. Pero teka, baka mabuntis ka niyan ni Pedro."

"Like duh! Uso si pareng condom, bes. Nunca naman siya makapasok sa akin kung wala siyang ID no. Ano siya, sinuswerte!"

Tumirik lang ang mata ni Martha sa kanyang kaibigan. Ewan lang ba niya kung bakit naging kaibigan niya ito.
Sa totoo lang, pareho silang balingkinitan ang pangangatawan. Medyo may pagkamorena si Rosing habang siya naman ay may kaputian kahit na hindi naman sila malapit sa syudad at nawasa ang tubig.

Minsan nga ay napagkakamalan siya na si birheng Maria dahil sa angking ganda nito. Napakainosente tingnan ang mga mata ni Martha. May pagkatangos ang ilong at mala hugis puso ang kanyang bibig. Pero ang kagandahan niya ay taliwas sa kanyang isipan. Dahil sa kanyang kaibigan, hindi na siya masyado inosente sa mga bagay-bagay. Virgin lang siya pero hindi na ang inosente niyang isipan.

Napatigil ang kanilang pag-uusap nang makita nila ang pagpasok ng kanilang propesor. Dali-dali silang naglakad pero napatigil siya nang makita ang kaibigan na paika-ikang naglalakad.

"Sex pa more!"

"Sshhh!"

Ikinatawa na lamang niya ang tugon ng kaibigan.



His Damn Trick (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora