Chapter 4

802 76 12
                                    

"MARTHA! ano kaba naman! Bakit nakihalata kapa diyan? Diba pupunta tayo ngayon sa baylihan? Bakit hindi ka pa rin nagbibihis?!"

Bungad sa kanya ni Rosing nang makapasok ito sa kanyang kwarto. Alas syete na ng gabi at may Bayli ngayon sa gym ng barangay.
Bayli ang tawag sa sayawan na idinadaos sa tuwing malapit na ang kapistahan ng isang Sitio o Barangay. At tamang-tama dahil ngayong summer, sunod-sunod ang mga piesta sa nayon.

"Masakit ang puson ko." Ungot niya.

"Ano ba naman 'yan! Mawawala rin 'yan mamaya. Dinig ko na maraming sultero ngayon na pupunta sa baylihan. At ito pa bes, galing pa ang mga ito sa syudad! Aba! Siguradong pogi ang mga iyon! Sayang kung wala ang beauty natin don."

Magaling talaga humikayat ang kaibigan ni Martha kung kaya't hindi niya ito mahindian kahit na masakit ang puson niya. Agad pumalakpak ito nang bumangon siya sa kama at maghilamos.

Naglagay ito ng kunting palamuti na agad tumingkad ang kagandahan niya. Jeans at T-shirt lang ang isinuot niya at pinarisan ito ng doll shoes. Sa kanyang kasimplihan, hindi maipagkailang modelo ang dating niya.

This time, baka makita ko na si Da Wan ko! Sana nga Lord.

Mahinang usal nito sa kanyang isip.

MALAKAS ang tugtugin na mula sa sound system. Maraming tao. Masikip, masaya at maingay ang gym ng barangay. At totoo nga ang sinabi ni Rosing. Maraming kalalakihan ang hindi pamilyar sa kanya kaya sigurado siya na mula pa ito sa karatig nayon at syudad.

Pumasok sila sa entrada ng gym. Masakit sa mata ang dancing lights pero hindi iyon sagabal sa kanyang paningin ang mga kadalagahan na katulad niya na nagsasayawan sa gitna ng nagsasayawang ilaw.

"Let's dance!" Malakas na sabi sa kanya ni Rosing.

Hinila siya nito kaya hindi na nakaangal pa. Mukhang masaya ang tugtugin kaya napaindak din siya katulad ng kaibigan niya.

"Wooooohhhh!"

"Ooohhhh right!"

"Tang*na! Ang saya!"

"Dance! Dance! Dance! Dance!"

Napangiti na lamang siya sa kanyang naririnig sa gitna ng sayawan. Pero biglang natigil ang siyahan nang palitan ang musika. Romantiko ito kaya halos lahat ng mga kalalakihan ay napapatayo at nanghihikayat sa mga kadalagahan na magsayaw.

Umalis na silang dalawa sa gitna upang tumungo sa gilid. Bigla ay napangiti siya ng pait dahil sa kanyang nakikita. Halos ay mag jowa ang mga sumasayaw. Kung sana ay may boyfriend siya, sana naroroon din sila sa gitna. Hay life! Ang saklaugh!

"Pwedeng ba kitang maisayaw, magndang binibini?"

Natutop ang kanyang bibig sa lalaking nakalahad ang kamay sa kanyang harapan. Kilala niya ito. Kilalang-kilala.

"Sige na, bes. Chansa mo nang makasayaw si Sir Vince." Tukso sa kanya ni Rosing.

Bumaling ulit siya sa lalaki. Nakangiti ito kaya lunod na naman siya sa kagwapuhan. Naalala niya ulit ang tagpuan noong isang araw. Ang pagtikim nito sa kanyang luto na mukhang nasarapan naman. Ang pasulyap-sulyap nito na para bang nilalandi siya. Na mukhang nadadarang din siya.

"Malapit nang matapos ang musika. Hindi mo pa rin ba tatanggapin ang alok ko?"

Napahinga siya ng malalim bago tinanggap ang alok ng lalaki. Dinala siya nito sa gitna at malamyos nilang dinadama ang musika. Ang tambol ng kanyang puso ay hindi lamang dahil sa sobrang lakas ng sound system kundi dahil sa lalaking kasayaw niya.

His Damn Trick (COMPLETED)Where stories live. Discover now