Chapter 5

787 72 5
                                    

"SALESMANSHIP is the art of convincing and persuading people to buy the product,  while selling is just transferring the title in goods, services, or idea with a valuable consideration. That's the difference between salesmanship and selling."

"But how about the personal and Non-personal selling, Sir?"

Naglakbay ang paningin ng propesor sa kanyang estudyante upang pumili kung sino ang sasagot sa tanong ng isang estudyante. Napatigil ang mga mata nito kay Martha na nakatunghay. Mukhang malayo na naman ang isipan nito.

"Ms. De Macaya please answer the question of your classmate."

Malambot

Masarap

Parang nasa ulap ang pakiramdam!

"Are you daydreaming at my class, Ms. De Macaya?"

Ang higpit ng yakap niya.

Nakakalunod ang halik na iginawad niya.

Parang ayaw ko nang bumitaw, pero—

"What are you thinking, Miss?"

"Ang halik niya..."

"Unforgettable huh.."

"Yes, it's very unforgettable...his soft lips..and his—"

"Stop daydreaming! You're at my class!"

Oh sheyt!

Narinig na lamang ni Martha na pinagtatawanan siya ng kanyang mga kaklase. Ang kanyang propesor naman ay nasa harapan niya nakatayo at iling-iling na umalis upang tumungo sa unahan.

Did she just confessed her first kiss in the midst of class?!

Mas lalong namula ang pisngi niya. Ang iba ay pasipol-sipol na para bang nasakisihan nila ang isang katangahan. At si Rosing na kanyang kaibigan ay hindi alam kung ngingiti ba ito o ngingiwi.

"Answer the question of your classmate."

Napatanga siya, "W-what question, Sir?"

Mas lalong umingay ang klase dahil sa sinabi niya. At ang ending, natapos ang klase na kulay kamatis na ang mukha. Sa isip niya, wala siyang ibang sisisihin kundi ang lalaking gumugulo ang isip niya.

Hays! Gusto kong mainis sa kanya pero.. kinikilig ako!

"Hoy! Hoy! Ano na naman ang ningingiti mo diyan? Baka nakalimutan mo at napahiya ka sa klase?" Ungot na sabi ng kanyang kaibigan.

Hindi niya ito pinansin. Masaya siya pero may bahagi sa kanyang utak ang palaging sinasabi ng kanyang pinsan. Kailangan niyang mag-ingat. Hindi siya dapat magpatangay sa gumigising niyang damdamin sa lalaking kakilala pa lang niya. Hindi maaaring maloko siya ng kung sino lang!

Dumating siya sa kanilang bahay. Nakita niya si Mario na mukhang malalim ang iniisip. Agad niya itong kinamusta bago umupo sa tabi nito.

"Bakit niya tinatanong sayo kung sino ako, Lucia?"

Napabuntong-hininga siya. Sinabi niya rito ang kuryusong pagtanong ni Vince tungkol dito. Kahit siya ay wala ring mahanap na dahilan kung bakit nagtatanong ito gayung hindi naman ito interesante sa pinsan niya. Hindi na siya magdududa, napatunayan niya na lalaki nga ito.

"Hindi ko rin alam, pinsan?"

"Sigurado ako. May kakaiba sa kanya. Hindi ko talaga gusto ang presensya niya."

Sumang-ayon siya sa sinabi nito. Oo, tama ang pinsan niya. Pero ang traidor niyang utak ay nag-uudyok sa kanya na walang mali sa lalaki. Siguro...siguro sadyang kuryuso lamang ito sa pinsan niya at wala nang ibang dahilan.

His Damn Trick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon