Chapter 11

657 52 0
                                    

MAINIT at malambot ang humahagod sa leeg ni Martha. Hindi niya mapigilang mapaungol at mas lalong binigyan ng aksis ang kung sino mang humahalik sa kanyang leeg. Pumaitaas pa ito hanggang sa marating naman ang kanyang mga labi. Kay lambot, kay halina. Hindi niya mapigilang yapusin pa ito upang mas lumalim ang kanilang halikan.

Kay sarap naman ng aking panaginip!

"GOOD morning, langga."

Napadilat siya. Oh no! Hindi siya nanaginip! Hindi panaginip ang kanilang halikan!

At mas lalong hindi panaginip ang nangyari kagabi!

"Wala ba akong 'good morning too'?" May pagtatampo sa tinig ng lalaki.

"Teka...ano..totoo ba na.."

"Na girlfriend kita?" Lumapit ang lalaki sa kanya, "Yes. Girlfriend na kita and you're mine now, babe."

Napalunok siya. Boyfriend na niya raw ang lalaki! Ikatutuwa niya ba iyon? O ikakatakot? Pero bakit naman siya matatakot?

Napanguso siya. "Anla ka! Ang daya! Siguro may ginawa ka kagabi sa akin kaya napa OO mo ako, no?" Akusa niya sa lalaki.

Napamula ang lalaki. Jusko! First time niyang makita ang isang makisig na nagba-blush! Natatandaan niya pa naman ang nangyari kagabi pero slight lang. Siguro dahil narin sa kalasingan pero hindi niya makalimutan ang pagfifinger ng lalaki sa kanya!

"Oh bakit namumula ka? Siguro may ginawa ka sa akin no?!" Tudyo pa niya kay Vince.

"W-wala!"

"Liar." Diing sabi niya. Aba! Mag dedeny pa ang damuho!

"Ok, fine. I finger fucked you last night."

Dahil sa bulgar na pagsabi ng lalaki, siya naman ang napanganga at namula. Hindi naman dapat dahil alam niya naman iyon. But still, hindi niya mapigilan.

Nag-ring ang cellphone ni Vince. Pareho silang napatingin doon. Kinuha ni Vince ang cellphone at sinagot ito. Siya naman ay bumangon na at inayos ang sarili. Nakita niyang pumunta ang lalaki sa veranda para doon sagutin ang tawag. Makalipas ang limang minuto ay bumalik na ito.

"Kailangan na kitang iuuwi sa inyo, langga. Baka tagain ako ng tatay mo kung hindi kita iuuwi ngayon."

Napangiti siya. Kilig na kilig siya dahil tinawag siya nitong langga. At hindi siya makapaniwalang girlfriend na siya ng isang gwapitong agrikulturista! Nakakaproud talaga ang isiping may trabaho na ang boyfriend mo. Tapos kaya ka na niyang buhayin kahit hindi ka makagraduate. Pero para kay Martha, mas mainam pa rin ang nakapagtapos.

"Are you ready to go home?"

Tumango si Martha. Umuwi na sila sa nayon na may dala na mga pasalubong para sa kanyang mga magulang. Hiyang hiya si Martha dahil ang pasalubong na ipinambili ay pera ni Vince. Ayaw naman talaga niya sana kaso mapilit ang lalaki kaya hinayaan na lang niya. Hayss..keleg ni naman si mayora!

"Ihahatid sana kita bukas sa eskwelahan, langga kaya lang may pupuntahan ako bukas." Wika ni Vince habang papasok na sila sa bakuran nina Martha.

"Ah okay lang." Gusto niya sanang tanungin ito kung saan ba ang tungo nito bukas. Pero naisip niya, baka masakal sa kanya si Vince kalaunan kung gaganyan siya palagi.

"May sasabihin ka ba?"

"Ha? Uhm..wala."

"Tell me. Dapat hindi kana mahiyang magtanong sa akin dahil boyfriend mo na ako ngayon."

"Saan ka ba pupunts bukas?"

Ngumiti ang lalaki sa kanya, "Iyan lang ba ang iniisip ng langga ko?"

His Damn Trick (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin