vacation

3.2K 88 14
                                    

fifteen

"Yuan!!!" malakas na sigaw ko. "Hantayin mo naman ako!"

Pagalit akong nagmartsa noong tumigil siya sa malayo, at tumingin sa akin. Ngiting ngiti naman ang gago! Ang hilig talagang mang-iwan nito.

Pagkarating ko sa tabi niya ay sinapak ko kaagad ang kanyang braso.

"Aray!" tumawa siya. "Eto na nga, oh! Sabay na tayo! Ano pa bang gusto mo?"

"Iniwan mo ako kanina roon! E ang bato bato," I said with annoyed voice. "Paano kung matisod ako tapos mawasak ang mukha ko? Edi wala ka nang magandang kasama."

Bakasyon na! Nairaos naman ng maganda ang pagiging Grade 9! Lalo na't mas lumawak ang common friends ko dahil may mga naging kaibigan akong may kaibigan din sa kabilang section. Ito yata ang pinakamasayang year ng pagiging high school ko!

Napatingin sa akin si Yuan, at biglang tumawa.

"Hangin mo naman! Mahangin na rito, dinagdagan mo pa!" tumawa ulit siya.

Hinampas ko ulit ang braso niya, at saka nagmamadaling lumakad papalayo sa kanya. Hah! Ako naman ang mang-iiwan sa'yo.

"Uy, teka lang!" he laughed again.

Hindi ko na lang siya pinansin, at nagtuon na lamang sa paglalakad dito sa mabatong parte ng beach. Bakit pa kasi dito ang daanan, hindi na lang sa iba!

Napag-isipan ng magbabarkada na magkaroon ng outing. Tapos sinama ako nitong si Yuan! Dapat talaga, hindi ako sasama. Si Ylly kasi, ayaw sumama at syempre, kapag hindi siya sasama ay hindi na rin ako sasama. Pero ang lecheng 'to, hindi pa ako nakakasagot ay pinagpack na ako ng mga gamit sa tulong ng kasambahay!

Si Ylly naman, parang nasuhulan pa. Baka daw kasi malasing ang Kuya niya at maanod sa dagat, kaya dapat daw ay sumama ako! E bakit hindi na lang siya?

"Djanne, gusto ko munang i-enjoy ang sarili ko ngayon sa bahay. Kaya please lang, samahan mo na si Kuya. Sigi naaa?" tandang-tanda ko pa ang eksaktong salita niya.

Pero bukod roon naman, okay lang din na sumama ako kasi gusto ko rin namang magswimming ng magswimming at magrelax sa sun lounger habang nakatingin sa dagat.

"Ako lang ba ang babae dito?" tanong ko sa kanila. "I will be bored!"

"Hindi, naroon naman ang kapatid ni Euno. Si Mera," he answered.

Isa lang? Ano ba 'yan!

Di bale, ivi-video call ko na lang ang mga kaibigan ko sa groupchat namin. I-update ko raw sila sa mga kaganapan rito, e.

Nahuli kami ng dating dito dahil nga pinilit pa ako ni Yuan (na parang hindi) na sumama. Ang last flight ang kinuha niya, kaya kinabukasan pa kami nakarating.

"Maganda ba roon?"

"Hindi ko alam. Maganda raw, e."

Rest house iyon nila Kuya Euno. Regalo sa kanya ng mga magulang niya, at kabibili lang nito noong nag-end ang school year. Ang yaman. Rest house?

"Welcome!" si Euno iyon, nasa gate na sobrang laki. "Oh, sumama ka pala, Momo?"

Ugh, that nickname again!

Tumango ako. "Eto kasi, pinilit ako."

Binatuhan ko ng masamang tingin si Yuan. Nagkamot naman ito ng ulo, saka tumawa.

"Itong si Yuan talaga. Sumesegway pa," umiling iling si Kuya Euno. "Tara na! Pasok na kayo, kanina pa kayo hinihintay ng mga iyon."

Sumunod si Yuan kay Euno, at mabilis ang lakad nito. Dala dala kasi niya ang mga bag namin, gusto na sigurong ibaba. Nag-uusap ang dalawa, habang ako naman ay patingin tingin kung saan.

DS#2 • daddy's little monsterWhere stories live. Discover now