to pursue my dream

3.3K 97 12
                                    

twenty nine

I cried a lot that night. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano na 'to? Am I gonna lose my dreams? Ano nang gagawin ko sa buhay ko?

I don't wanna stop studying! Hindi pwede...

Humikbi ako, at pinigilan nang umiyak.

Djanne, makakasama sa baby. Tama na...

I don't know if my life just shattered into pieces, or it's just my dreams. Or both?

Ano na lang sasabihin ng mga tao sa akin kapag nalaman nilang buntis ako? Na disgrasyada ako! Walang kwenta at pokpok! Nothing but a whore whose now facing the consequences of her own stupid actions!

Napatulala ako sa kawalan. My hands landed on my stomach, and I gently rub it.

"Baby? Paano tayo?" naiiyak ko na namang tanong.

Sa sobrang pagod kakaiyak ay nakatulog ako ng mahimbing. Nagising na lamang ako ng gutom na gutom. Pagkatapos kong maghilamos ay dali-dali akong bumaba. Hindi ako pwedeng magutom. Lalo na't para sa dalawa na ang kakainin ko.

"Good morning, Djanne!" nakita ko si Ylly na nasa hapag.

Siya lang ang nandoon. Siguro ay ngayon lang din siya nagising. Hindi pa nagagalaw ang pagkain sa harapan niya, e.

"Morning," walang gana kong sabi.

"What's with the mood? Cheer up!" she said.

Umupo ako sa tabi niya. Nagsimula akong maglagay ng dobleng kakainin sa aking plato. For me and... baby.

Napalunok ako.

Ready na ba akong maging ina? Batang ina, I mean. Ready na ba akong mag-alaga ng bata? Ready na ba akong tumaba at bumilog para lang kay baby?

I... don't know.

Nanggilid ang luha ko ngunit pinigilan ko iyon. Kumagat ako ng malaki sa toasted bread ng sunod sunod.

"Dahan-dahan, girl," Ylly noticed. "Baka mabulunan ka..."

I chewed slowly. Habang kumakain ay nagsalita siya.

"Ay! Kailan mo pala plano mag-enroll? Sasabay ako," she said. "Saan ba tayo pala? Andaming pagpipiliang schools dito."

Tumingin ako sa kanya. "You know that I'm flying to New York, right?"

Nabitin sa ere ang pagkain niya. Unti-unti siyang tumingin sa akin. The shock on her face was so evident. I smiled sheepishly.

"Ano? Akala ko ay hindi totoo 'yon!" she said. "Akala ko ay biro-biro mo lang iyon! Ang bata pa natin noong sinabi mo 'yon..."

"Nangako ako sa Tita Maricris ko, Ylly. I can't break that," I said. "Pinlano na namin iyon ng matagal na. Hindi na ako pwede mag-back out kasi magagalit si Tita."

She pouted. "Hindi ba pwedeng dito ka na lang?"

"Hindi pwede..." para sa ikabubuti ko rin 'yon.

Honestly, I'm doubting too.

Bumuntong hininga siya. "Okay! Dapat pala ay sulitin natin itong summer?" she happily said. "Tara at mag-beach tayo! Pagurin natin ang sarili natin ngayon!"

Napakurap-kurap ako. Ang sabi ng doktor ay hindi ako pwedeng magpagod.

Napatingin ako kay Ylly. Gusto kong siya ang unang makaalam ng pag-bubuntis ko. Siya lang muna...

"Ylly, hindi ako pwedeng magpagod," I said.

"Huh? Let's stay fit ngayong summer, para may summer bod tayo!"

DS#2 • daddy's little monsterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang