dirty liar

3.3K 97 19
                                    

twenty two

Ang saya ko noong gumising. Para bang nakainom ako ng sandamukal na Enervon dahil ang ngiti ko'y mas malaki pa yata sa mukha ko.

"Wow, good ang morning, ah?" bati ni Ylly sa akin.

"Good morning, Ylly!" ngumisi ako. "Good morning, Tita, Tito... Yuan."

"Good morning, hija. Maupo ka na't kumain," si Tita iyon.

Naupo ako sa tabi ni Ylly. Ang mga tingin niya naman ay mapang-usyoso, ngunit hindi ko na lang kunwari napapansin.

Kumuha ako ng bread at butter. Naglagay rin ako ng bacon & egg sa aking plato.

Sumulyap ako kay Yuan na nakatingin sa aking ngayon. Itatago sana niya ang ngisi sa kanyang mukha, pero huli na dahil nakita ko. Mas lalo pa yatang lumaki ang ngiti ko.

I munched my food happily. Kung hindi lang ako tinanong ni Ylly ay naubos ko na kaagad iyon.

"Anong meron?" mahinang tanong ni niya.

"Ha?" tumingin ako sa kanya. "Wala, wala."

"Weh? Ang saya saya mo, eh!" deklara niya. "Bakit? Oh, my! Nag-text na ba si Pio sa'yo? Ano sabi?"

"Hindi  'yon! Nukaba. Hindi siya nag-text," umiling-iling ako.

"Weeeh?! Talaga ba? E crush na crush ka n'on, e! Pinamamalita sa buong Grade 10!" ang daldal talaga nitong si Ylly.

Minsan sarap din busalan nito, e.

"Hindi nga kasi!" hindi pa rin mawala ang ngiti ko kahit medyo inis kay Ylly.

"E anong dahilan?"

"Wala! Basta."

"Ikaw, ah! Naglilihim ka na sa'kin."

"Wala nga siyang text, promise. Ipapakita ko sa'yo ang inbox ko mamaya."

"Sabihin mo pag nag-text ha! Sasabihin ko sa'yo kung ano dapat ang i-reply sa kanya. Para naman may jowa ka na!" she winked at me.

"Tss..." napatingin kami pareho kay Yuan. "Block that boy's number."

"Kuya! Ito na ang chance magkaroon ng boyfriend ni Djanne, ano ka ba!" protesta ni Ylly.

"Oo nga naman, Yuan," si Tita naman iyon. "Hindi ba ay masyado mo namang binabakuran si Djanne?"

"Mom, ang bata pa ni Djanne. Hindi pwede," inis na sabi niya.

"Kaya naman na siguro ni Djanne! Fifteen years old na siya, normal nang  magka-boyfriend! Sobra kang protective, huh?"

"Mom!"

"Ayos lang po, Tita," sabat ko. "Hindi ko naman po kailangan ng boyfriend..."

Tumingin ako kay Yuan. He looked so amused.

Nagpatuloy na lang kaming kumain, at nag-usap. Hanggang sa napadpad ito kay Yuan.

"Nga pala, Yuan, next year ay magtatrabaho ka na. Doon ka na ba sa Maynila magsi-stay for good?" tanong ni Tito sa kanya.

Maynila? Stay for good?

Naguguluhan akong tumingin kay Yuan, at ito naman ay seryoso sa pagkain. Saka siya sumagot.

"Hindi, Dad. Gusto kong umuwi dito kung may free time," sagot niya.

"Eh di ilang beses ka lang rin makakapunta rito? Once a month?" Tito chuckled. "Ang mabuti pa ay doon ka na lang. Ipagpahinga mo ang free time."

Hindi ako nakagalaw.

Oo nga pala. Magta-trabaho na si Yuan next year. Hindi na siya dito titira...

DS#2 • daddy's little monsterWhere stories live. Discover now