~~~
Ilaw na nakatutok sa'yo
Malawak na entablado
Sigawang nakakapanindig balahibo
Tinig, na nagpapatibok ng maraming puso
Mga taong hindi mabilang
Mumunting ilaw na kumikinang
Pagsisikap na hinding-hindi masasayang
Sa'yo na malaki ang aking paggalang
Usok mula sa entablado
Nagpapahiwatig nang pagsisimula ng palabas mo
Ikaw na nasa centro,
Ako na nandito sa dulo, nagaabang sa mga pasabog mo
Pagkalabas na pagkalabas mo,
Palak-pakan at sigawan ang maririnig sa buong studio
Lahat na yata dito ay nanlulumo,
Nanlulumo sa mga ngiti na nagmumula sa labi mo
Sigawang di mapigil-pigil
Mga taong naghihiyawan at nanggigigil,
Na sa iyong pag-indak tila mundo ay tumigil
At sa iyong pagkanta tila buhay ay kinitil
Sa iba ito'y isang napakalaking kahibangan
Yung magkagusto ka sa taong inaasam na ng karamihan
Pero ako, gugustuhin at gugustuhin kita
Sapagkat ikaw yung pangarap na nagbigay buhay sa akin habang tinatapakan ako ng iba
Maraming kwento ang na salikod ng bawat tagahanga
May mga kapos, mga mga mayayaman
May mga veteran pero mayroon namang baguhan
Saya, Sakit, Takot at Pangamba iilan lamang ito sa lagi naming dala
Sa pagpasok sa mundo na ikaw ang namumuno
Marami akong natutunan sa pagkatao mo
Mula pagkabata hanggang sa ika'y naging idolo
Maging ang mga sekretong minsang ibinaon mo.
Hindi ka santo na walang mga ginawang kasalanan
May mga kasamaan kang ginawa sapagkat ika'y bata palamang
Agad akong naliwanagan
Na ang paghanga sa iyo ay nangangailangan ng pagtanggap at isa itong napakalaking karangalan
Minsan hindi na ganoon kasaya ang pagiging tagahangga
Minsan napapaisip ka na lang ng mg bakit
Minsan napapansin mo na nawawala na ito sa iyong isip
Ngunit, hindi mo namamalayan na unti-unti ka nang bumabalik
Sa iba ika'y isang napakalaking distorbo
Ngunit isa ka sa mga naging motibasyon ko
Di lang sa pag-aaral kundi pati na rin sa pagpapakatotoo
Ng dahil sa iyo, mas nakilala ko ang totoong ako
Minsan ng nasaktan, ngunit dahil sa iyo ito'y napalitan ng saya
Minsan na ring huminto, pero kami'y nagpatuloy sa pagpasada
Ngunit marami ang mga di inaasahang pangyayari
Nahulog ako sa lalaking na kailanman ay hindi ko mapagmamay ari.
Malakas na sigabong,
Na naging dahilan ng aking pagkamulat
Mga ilaw na matindi ang sikat
ngayo'y palubog-ng palubog.
Hindi ko inakalang mahuhulog ako saiyo
Hindi ko inaasahan ang pagdating mo
Dumating ka sa panahon na ako'y gulong-gulo
Naging daan upang makulayan at maging inspirasyon sa ibang tao
Ngunit bakit ang labo
Bakit ang labo mong maabot,
Bakit ang layo ko
Malayo sa pinapangarap mo
Alam kong isa ako na mga babaeng pinapantasya ka
Isa ako sa mga taong umaasa
Ngunit wala na akong magawa
Nahulog ako sa taong nakatadhana sa iba
ngunit salamat na lang sa inspirasyon,
sa mga paalala at pag-alaga.
salamat sa paggabay
salamat sa lahat lahat.
mahal kita bilang ikaw,
ngunit ako'y mahal mo lang sapagkat ako'y iyong tagapaghanga lamang
YOU ARE READING
Mga Tinta Sa Bawat Pahina
PoetryMga Salitang Ikaw ang naging dahilan upang magkabuhay Pusong sinaktan at Iniwan Mga tintang nagsilbing Luha Mga tintang nagsilbing marka sa sakit na nadama Mga tinta sa bawat pahinang ikaw ang paksa Mga pahinang kung saan noong ako'y nasasaktan pa P...